Chapter 6

3K 44 0
                                    

Abala sina Angela, Nancy at Anton sa pag gawa ng gagamitin nilang costume para sa Halloween Party sa kanilang school.

HAPPY HALLOWEEN!!!!

ang nakapaskil sa entrance ng hall kung san gaganapin ang party. Maraming nakakatakot na dekorasyon tulad ng mga kabaong, kalansay, mga bungo na may kandila sa ibabaw, may mga sapot din at mga gagamba at marami pang iba. Talagang pinagkagastusan ng mga estudyante ang gabing iyon.

Nauna dumating si Anton...sumunod ay si Nancy at ang huli ay si Angela.

"Naks naman ang pogi mo ngayon Anton ah! bagay na bagay pala sayo maging vampire..." bati ni Nancy.

Nakasuot ng kapang kulay pula at itim na panloob. Maputi ang mukha at may pangil na may bahid ng kunwari ay dugo ang kanyang labi.

"Ikaw din Nancy bagay pala sayo maging witch! hahaha" sagot naman ni Anton.

Suot naman ni Nancy ang kulay itim na bistida. Gulo-hulo ang kulot niyang buhok at may suot na sumbrerong patulis ang dulo. Pinakapal ang kilay at kinulayan ng itim ang mga ngipin.

"Talaga! Ako ang pinaka magandang witch sa ilalim ng lupa! hihihihi" banat naman ulit ni Nancy.

"Sino ba ang unang bibiktimahin ko?" tanong ni Anton.

"Ako!" sagot naman ni Angela na suot ang blond na buhok, puting bistida, at may malaking pakpak sa likod nito.

Nakatulala ang dalawang kaibigan dahil sa itsura ni Angela.

"WOWWW isang anghel na galing sa langit..." pabulong na wika ni Anton.

"Takbo!!!!! hindi kaya ng powers ko to!!!! hihihi" pasigaw na biro ni Nancy at nagtawanan na silang tatlo.

Marami naring estudyante sa loob kanya kanyang props at pagandahan ng costume.

Buong gabi ng sayawan, takutan, tawanan, biruan at kung ano ano pa.

Alas-onse na ng gabi ng matapos ang party. Nag uwian na karamihan at ilan ilan nalang ang natira para maglinis.

"Sabay na kayo sakin andun sa labas yung car ko." yaya ni Angela sa bestfriend at boyfriend.

Habang naglalakad silang tatlo ay may biglang lumipad sa ulonan ni Angela at napayuko siya para umiwas.

Isang paniki ang paikot ikot kayat binilisan nila ang lakad at sumakay sa kotse.

Minaneho ito ni Angela at katabi ang kasintahan habang si Nancy naman ay nasa back seat.

Pagkahatid sa dalawa ay mag isa nalang siya. On her way home may napansin siya sa side mirror.

"Bakit parang nakasunod sakin yung paniki?" natatakot siya kaya binilisan niya ang pagmamaneho.

Pagdating sa bahay ay patay na ang mga ilaw at tulog narin ang kanyang mamita.

Pumasok na siya sa kuwarto niya. Hinubad ang suot na costume, naligo at mabilis na nakatulog.

Pag-ibig sa HALIMAW_completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon