ENTRY NO.1

492 9 3
                                    





TITLE: Miracle Happens
Sub-Genre: Spiritual
ni DJDeeOfficial

Maraming bagay sa mundo ang mahirap paniwalaan, at mahirap ipapaniwala sa iba. Mga bagay na hindi kayang ipaliwanag kahit sa lohikal na paraan.

Ako si Gino Hernandez. Isa sa mga taong gumagamit o may lohikal na paraan ng pag-iisip. Hindi ako gano'n kadaling maniwala sa mga bagay na walang sapat na paliwanag---lalo ang milagro. Ako'y nagtapos sa isang 'di kilalang unibersidad sa kursong BS Psychology. At ngayo'y nagtatrabaho sa H.R. Department ng isang kilalang Shopping Mall bilang Interviewer.

"Hi, babe!" Biglang umupo sa ibabaw ng office table ko ang isang babae.

"Hello," sagot ko. Siya ang pinakamamahal kong babae, si Iveelyn Jerollana o mas kilala sa tawag na Ivy. Siya rin ang dahilan kung bakit nabago ang pananaw ko tungkol sa multo. Buong akala ko kasi hindi totoo ang kaluluwa.

"Miss mo ko, babe?" Hinaplos pa niya ang buhok ko.

"Siyempre naman. Walang araw na hindi kita nami-miss," malungkot kong tugon. Naaalala ko na naman ang nangyari---ang sakit.

"Iyan ka na naman e. 'Di ba sabi ko ay huwag ka ng malulungkot." Hinalikan niya ako sa noo.

[A Year Ago]

"B-bakit ba ayaw mong dalhin kita sa ospital?" bulong ko habang dahan-dahang pumapatak ang luha mula sa mata ko. Nakaupo ako habang siya ay nakahiga sa mga hita ko, duguan at nahihirapan ng huminga dahil sa pagtama ng ligaw na bala.

"Sabi ng ibang kaluluwa na nakapaligid sa'tin---hanggang dito na raw ako. Tapos na ang misyon ko sa mundo. At... Hindi mo ba naaalala na dito tayo unang nagkakilala? Mas gugustuhin ko pang mamatay dito kaysa sa ospital." Hirap na pero pinipilit niya talagang magsalita. Nagawa pa niyang maalala ang unang lugar ng pagkikita namin.

"Ayoko pang mawala ka!" sigaw ko. Lalong tumindi ang pag-iyak ko na para bang bibigay na ang katawan sa magkahalong lungkot at takot.

"B-babe! Hu-uwag kang umiyak. Ma-agkikita pa rin naman tayo--o," sabi ni Ivy. Naghihingalo na siya. No! Hindi ko kaya!

"Pero..." bulong ko. Hindi ko kayang mawala ang babaeng mahal ko. Sana ako na lang.

"M-mahal na maha---al kita, Mr. Gino Hernandez." mahina niyang sagot. Ipinatong niya ang kanang kamay niya sa noo ko. "Ma---gkikita pa ta--yo."

Mula sa mga katagang iyon ay ang dahan-dahang pagbagsak ng kamay niya mula sa noo ko at pagpikit ng kanyang mata.

"HINDI!" sigaw ko.

"Iyan. Puwede mo nang dalhin ang katawan ko sa morge." Napamulat ako sa narinig ko. Hindi iyon galing sa bangkay ni Ivy.

Mula sa harap ko may nakatayong isang babae. At kaboses niya si Ivy. Hindi ko lang masyadong maaninag dahil sa luha ko.

"Puwede mag-request? Pa-cremate ang gawin sa katawan ko? Tapos ikaw ang magtatabi," sabi no'ng babaeng kaboses ni Ivy. Pinunasan ko ang luha ko sa mga mata ko at tumingin sa kanya.

"Sino ka b--- IVY?!" Sa pagkakagulat ko natulak ko ang bangkay ni... Niya?

"Ingat naman sa katawan ko. Respeto naman babe, uy!" sabi pa niya. Hindi ko maintindihan! Katawan daw niya? Katawan?

"Wait! Hindi ko maintindihan!" Napatayo ako. Medyo naguguluhan na talaga ako.

"Babe naman e. 'Di ba sabi ko magkikita pa tayo? Naalala mo no'ng nailapat ko ang kamay ko sa noo mo? Nailipat ko rin sa 'yo ang third-eye ko. Hindi ko alam kung paano nangyari, basta inisip ko lang." sagot niya.

ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon