ENTRY NO.4

213 7 3
                                    


TITLE: Apir muna
Sub-Genre: Non-Fiction
-Lorren Dominguez

Ilang buwan matapos ang twelfth birthday ko, meron akong nagustuhan na tao. Crush. Puppy love. Ewan ko kung ano ba talagang dapat itawag. Basta alam ko, makita ko lang siya - napapangiti na ako. Kapag sinusubukan niya akong kausapin - kinikilig ako. Minsan pa nga, sinisilip ko siya mula sa bintana namin.

Hindi ko alam kung paano ko siya nagustuhan. Basta naramdaman ko na lang. Unang nagtama mga mata namin, no'ng una kaming nagkita. Kakalabas ko lang no'n ng bahay namin, gulo-gulo pa nga ang hanggang balikat kong buhok. Wala naman akong naramdaman no'n. Plain lang. Christmas vacation 'yon, e. Bigla na lang siyang sumulpot sa may sa 'min. Kamag-anak pala ng nasa tapat namin.

Hindi naman kami magkaibigan. Hindi rin kami magkaklase. Halos hindi nga kami nag-uusap dahil palagi akong nakakulong sa bahay. Isa pa, matanda siya sa 'kin ng pitong taon.

So, first year highschool ako tapos third year college siya no'n.

Friendly siya. Palangiti. Kaya siguro pati Mama ko naka-close niya at iba naming kapitbahay.

E, ako? Ayon, hindi ko yata kayang tumayo sa tabi niya nang matagal. Nanginginig kasi ako kapag malapit siya tapos sobrang bilis ng tibok ng puso ko, 'yong tipong kaunti lapit na lang niya lalabas na sa katawan ko 'yong puso ko? Gano'n kalala ang presensya niya sa 'kin.

Pero, isa lang ang napapansin ko.... kapag ka nasa labas ako, tumitingin siya sa 'kin. Ngumingiti. Ewan. Baka sobrang friendly lang talaga. Tapos, tumatambay pa minsan sa harapan ng bahay namin. Nanandya yata para hindi ako lalong makalabas.

Tapos, isang araw hindi ko alam kung ano sumanib sa 'kin at in-add ko siya sa facebook.

Kakagawa ko lang ng facebook no'n at naisipan kong i-search ang account niya. Syempre, nag-stalk ako at kumuha ng pictures. Ang cute niya kasi. Matangkad tapos medyo chinito.

'Trix Patrick Reyes accepted your friend request'

Parang tumalon ang puso ko sa tuwa nang i-accept niya ako.

Namimiss ko na kasi siya. Ang weird lang dahil hindi naman kami close, pero namimiss ko siya. Kasi naman nang natapos ang Christmas vacation, umalis na siya sa may sa'min. Pasukan na rin yata nila. Halos dalawang buwan ko na rin siyang hindi nakikita kaya naisipan ko siyang hanapin sa facebook.

Nagulat pa nga ako nang makitang may chat siya sa 'kin! Napa-upo tuloy ako sa pagkakahiga mula sa kama ko at mahigpit na humawak sa cellphone ko. Ang mga kamay ko nanlalamig dahil sa kaba... dahil sa kanya.

Trix Patrick : Hi! Ikaw ba yong anak ni Tita Tessy?

Lera : Ah opo.

Lera : :D

Trix Patrick : Oh musta dyan? Namimiss din. Hehe. :D

Lera : Okay naman po. Gano'n pa rin.

Trix Patrick : Gano'n ba? Oh siya sige, out na ako. Ingat ka Lera. :)

Kumabog ang puso ko at nanginginig ang kamay ko habang magka-chat kami. Hindi rin maitatanggi na kinikilig ako kahit gano'n lang ang usapan namin. Ang simple lang pero abot langit yata ang saya ko.

Kilala niya pala ako! Hindi lang ako parang hangin sa kanya, kahit na gano'n ang pinaparamdam ko sa kanya. Ewan. Nahihiya kasi ako sa kanya no'ng nandito pa siya sa 'min.

Malapit ng magbakasyon. Na-e-excite ako! Makikita ko na naman siya. Sana.... sana maging close na kami.

Naalala ko, 'yong kaklase ko may kinakantang kanta habang naka-upo kami do'n sa science garden, swak na swak 'yong kanta niya sa nararadaman ko. Napatulala na lang ako tapos iniisip ko siya habang kumakanta pa rin 'yong kaklase ko.

ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon