TITLE: Written Love
Sub-Genre: Mystery/Thriller
AUTHOR: DiamondAlpha – Sophia Garcia
Daisy's Point of View
"Ang ganda naman niyang Doodle mo Daisy,"
Nagulat ako ng biglang magsalita sa likod ko. I flinched at bigla kong nasara ang notebook ko. Saka ako napalingon sa nagsalita.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko ang nagsalita. Ang bestfriend ko lang pala. Nandito kasi ako ngayon sa garden ng school. I'm a 4th year student already. Napalingon ako sa bestfriend kong si Charm.
"Charm naman eh! Bigla bigla ka na lang sumusulpot." Nasabi ko sa'kanya.
Bigla naman siyang natawa ng mahina, "Oh eh ano 'yang ginagawa mo? Dino-doodle mo nanaman ang pangalan niya?" tanong niya at tumabi sa'kin.
Tumango tango naman ako sa'kanya, "Gusto ko eh."
"Haynako Daisy. You're wasting your time. Umamin ka na kaya sa'kanya?"
Bigla akong napasimangot kay Charm. "Nahihiya ako. At natatakot ako sa pwedeng mangyari..." Nabulong ko.
Dino-doodle ko kasi kanina ang pangalang 'Zachary Leon'. 'Yan ang pangalan ng crush ko. Hindi ko siya ka-close pero araw araw ko siyang nakikita sa room namin dahil classmate ko siya. Hindi ko rin maamin sa kanya na may gusto ako sa'kanya dahil nahihiya ako. Isa akong dakilang torpe.
Zach is a member of the famous boy group here at my school. Kasali siya sa Dark Prince 5. Ang Dark prince 5 ay isang grupo dito sa school ng mga bully. Pero para sa'kin, iba si Zach sa apat. May good side si Zach at 'yon ang nagustuhan ko sa kanya.
I saw Charm rolled her eyes.
"Whatever Daisy. Sige suportahan na lang kita sa gusto mo. Pakita nga ulit niyang doodle mo," sabi niya at hinawakan ang notebook ko.
Dahan dahan ko naman binuka ang notebook ko ng mapakita kay Charm ang nagawa ko.
"Grabe Daisy! Ang galing mo talagang magdrawing at maglettering. Mana ka talaga sa mama mo," sabay ngiti ni Charm sa'kin.
"Hindi naman," pagtatanggi ko.
"At 'yang pen na 'yan na lagi mong gamit. Bakit parang hindi nawawalan ng tinta? Sa'n mo ba 'yan nabili?" tanong ni Charm sa'kin ng nakanguso.
"Syempre nire-refill ko ang ink. Hindi ba sabi ko sa'yo? Bigay 'to ni Mommy.. bago siya mawala," mahinang sagot ko sa'kanya.
"Ay oo nga pala! Sorry," at nagpeace sign si Charm sa'kin.
Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to makakalimutin.
Itong pen na lagi kong gamit, ay bigay sa'kin ng mama ko. It has my name on it written on it 'Daisy Garcia'. And my mom's name is Sophia Garcia. A famous writer of many known books. She gave me this pen before she died. Namatay siya last year.. because of Leukemia. Wala pa 'kong nakitang kaparehas nitong pen ko. It's like it's the only kind of pen on earth.
Naalala ko pa ang mga huling salita ni Mommy bago niya ito ibigay sa'kin. 'When writing you're on story, don't let anyone else hold the pen.' I wanted my story to be with Zach. That's the reason why I doodle his name using my pen. Hoping he'll notice me one day..
Biglang nagring ang bell ng school. Lunchbreak is over. Tumayo na kami ni Charm sa pagkakaupo namin sa damuhan dito sa garden ng school.
"Ano na next subject na'tin Daisy?" tanong ng makakalimutin kong bestfriend.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)
Storie d'amoreCompilation of entries in Wattpad Lovers Page, ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig).