ENTRY NO.61

58 0 1
                                    

TITLE: Lost Memories
Sub-Genre: Humor
AUTHOR: Anonymous153Love


Prologue

She, who doesn't know who she was meets He, who doesn't know who he is right now.

Will they find themselves in each other?

Do fate really want them to be together?

Or fate just want them to learn things from each other?


Life is unpredictable. We don't know what will happen next, but one thing is for sure; it happened for a reason.


Third Person's POV

"Manong Guard, san po yung orientation para sa mga mag-OOJT?" ani ng isang babaeng nagmamadali at hingal na hingal pa dahil late na siya para sa orientation nila ngayong araw.

"Ah doon sa Conference Hall. Liko ka lang diyan sa unang kanto at yung unang pinto, ayun na yun."

"Sige po. Maraming salamat po! At magandang umaga na din." Pagkasabi ay agad na tumakbo ang dalaga.

Nakarating naman siya agad doon at marahang pumasok upang hindi siya mapansin ng lalaking nakatalikod na sa tingin niya ay siyang mag-oorient sa kanila. Paupo na sana siya ng biglang-

*Blag* at dahil may pagkaclumsy siya, natabig nya ang upuan at nalaglag ang mga gamit na nakapatong doon. Sa kasamaang palad, napalingon ang lahat sa kanya pati na ang lalaking nasa harap na kanina ay nakatalikod. Dahil sa hindi na niya alam ang gagawin nagpeace sign na lamang siya.

"You are 10 minutes late. Pagbibigyan kita ngayon,umupo ka na diyan sa bakanteng upuan."ani ng matandang lalaki na sa tingin niya ay mga nsa mid 30s na.

"Yes, Sir."ang tanging nasabi na lang niya at umupo na.

"Okay na sanang late clumsy lang. Napagalitan tuloy." Tatawa-tawang bulong ng isang lalaking nakakulay white na polo at nakataas ang buhok na parang kay Goku. Kahit na medyo naga-gwapuhan siya sa lalaki ay sinagot niya ito.

"Okay na sana yung napagalitan ako at napahiya ng kaunti kaya lang may lalaking feeling close dito sa tabi ko."bulong din niya.

"Late na nga nangdadaldal pa. May mga tao talagang ganyan, napahiya na gusto pa mapahiya ulit." Nagulat sila ng marinig nilang nagsalita ang nag-oorient sa kanila kaya naman napatahimik sila bigla.

Lumipas ang oras at natapos na rin sa wakas ang nakakaburyong orientation at pinapunta na sila sa kanya-kanya nilang department upang makilala ang teacher na nakaasign sa kanila. Sila ay OJTs sa Valerie Academy sa Araling Panlipunan.

Hindi niya alam kung bakit niya kinuha ang kursong iyon. Nagising na lang siya isang araw na gusto na niyang maging isang guro sa asignaturang Araling Panlipunan. Siguro dahil ay gusto niyang malaman ang nakaraan; hindi lang ng mundo ngunit pati na rin ng buhay niya. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya, hindi niya alam kung sino ba siya noon. Hindi niya alam kung ano ang pagkatao niya, kung sino ang mga tao sa buhay niya at kung ano bang buhay ang mayroon siya NOON.

*Flashback*

Nagising siya mula sa mahabang pagkakatulog. Nakita niyang may babaeng nakaupo sa tabi niya na nagbabasa ng libro; maputi ito at maikli ang buhok. Tinanong niya kung sino ang babae at nagulat ito ng makita siyang gising. Agad na tinawag ng babae ang doctor at may mga pangalan pang tinatawag ngunit hindi niya kilala o matandaan man lang ang mga pangalang iyon. Dumating ang doctor na may kasamang nurse at tatlong nakasibilyan na babae.

ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon