ENTRY NO.14

90 4 1
                                    


TITLE: His Proposal
Sub-Genre: Tragedy, Drama
by Marvsilly  



Humugot ako ng malalim na buntong hininga at tiningnan ang engagement ring na nasa aking harapan. Ito na iyong araw na tatanungin ko siya. Ito na 'yong araw na hinhintay ko— naming dalawa. Ibinenta ko pa ang aking kotse para lamang maibili ang singsing na ito. Wala naman akong pakialam sa kotse, ang mahalaga maging masaya siya. Hindi ko nga alam kung kinuha ko ba ang tamang singsing. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ito.

Simple lang naman kasi ang disenyo nito— isang infinity shape lang naman iyon na nakaukit sa kulay pilak na singsing. Siya kasi ang naisip ko ng makita ko ang singsing na ito. Siya at ang kaniyang ngiti na nakakapagpatibok ng aking puso kahit ilang taon na ang lumipas.

Kahit kailan ay hindi niya ginusto ang mga materyal na bagay. Iyon ang isa sa mga ugaling minahal ko sa kaniya. Simula ng ligawan ko siya'y hindi niya tinatanggap ang anumang bagay na ibibigay ko. Lagi niyang sasabihin na, "May trabaho at pera ako, kaya kong bilhin lahat ng ibibigay mong materyal na bagay." Minsan pa kapag ipipilit kong ibigay ang regalo ko ay magagalit siya sa akin. Kapag sinabi kong kakailanganin niya iyon pagdating ng panahon ay sasagot siya ng, "Kaya kong bilhin lahat ng kailangan ko." at do'n na ako tatahimik. Masiyado siyang independent. Minsan naiinis ako dahil do'n.

Napangiti na lamang ako. Siya iyong tipo ng babaeng matagal ligawan, pero kapag napasa'yo na'y mahirap bitawan. Isinilid ko sa bulsa ng aking panlamig ang box nang ingat na ingat. Sumakay na ako sa bisikleta at lumiko sa tabi ng super market na nasa tuktok ng burol. Matanda at medyo kalawangin na ang bisikletang ito ngunit kaya pa naman nitong dalhin ako, kaya pa naman nitong umandar na parang bago. Mas masaya pa rin ang mabili ang maliit na umbok na nasa bulsa ng jacket ko kaysa sa pagkakaroon ng kotse.

Napangiti ulit ako habang hinahaplos ng hangin ang aking pisngi at gumugulong ang aking bisikleta pababa ng burol. Madalas kaming mag-jogging dito tuwing umaga noong nililigiwan ko pa siya, subalit nahinto iyon sapagkat masiyado kaming naging busy sa kaniya-kaniya naming trabaho. Hindi naman kami mayaman. Gano'n din ang pamilya niya. Pero nakakayanan pa rin naman naming kumain ng tatlong beses sa isang araw.

Nang makilala ko siya'y nagmamay-ari siya ng isang bookstore na nagbebenta ng mga pambatang libro samantalang ako'y nasa ika-apat na taon na sa kolehiyo.

"Lukas Nolasco?"

Napatunghay ako nang tawagin ako ng literature proffessor namin.

"Yes sir?" magalang kong sagot.

"Bilang isa sa pinakamahusay kong estudyante ay nais kong gumawa ka ng artikulo tungkol sa bagong bukas na bookstore sa ibaba ng burol. Gawan mo rin ng review ang may-ari," wika niya. Ngumiti naman ako.

"Sige po sir. Ngunit maari ko ho bang malaman ang pangalan ng binibining may-ari ng tindahan ng libro na iyon?" Ngumiti ang matandang propesor.

"Lera. Lera Balunsat."

Unang rinig ko pa lang sa kaniyang ngalan ay alam kong mataray na siya. Hindi ko alam kung bakit. Basta nararamdaman ko lang iyon.

At tama nga ako.

Pasado alas-sais na ng gabi noon at naglalakad ako pauwi nang matanaw ko ang bookstore ni Miss Lera. Sa totoo lamang ay sa isang linggo ko pa balak interbiyuhin ang may-ari. Gusto ko lang pumasok sa bookstore. Gusto ko lang makapasok at maobserbahan iyon. At iyon nga ang aking ginawa. Pumasok ako at iginala ang aking paningin sa loob. Nakasalansan sa maayos na paraan ang mga libro. Pinasadahan ko ng aking daliri ang bawat bookshelf. Walang alikabok. Masiyadong malinis.

ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon