ENTRY NO.52

133 4 1
                                    

TITLE: DECEMBER FEELS
Sub-Genre: Non-fiction
Written by Heneral Charisma


          Mayroon akong na-realize. Noong una, ayaw kong paniwalaan. Napakarami kong tanong sa sarili na kahit alam ko naman ang sagot, hindi ko tinatanggap. Iniiwasan kong tumalon at isiping sasaluhin ako ng pag-asa. Pag-asang nakatutulong para magpatuloy ngunit walang nagagawa para baguhin ang sitwasyon. Ayaw ko nang madurog. For how many years, pinili kong manatili sa iisang lugar. Minsan, dumudungaw ako sa labas ngunit hindi ko hinahayaan ang sarili na umalis. Pero aaminin ko, sa simpleng pagsilip ko sa labas, hindi ko maiwasang isipin kung ano ang naroon. Napakarami kong alinlangan na patuloy na nag-aanak ng mga katanungan. Curiosity kills the cat ang sabi, kaya wag na lang pero, the real life is one step out of your comfort zone daw. Bwisit na mga sayings. Pinapatay ako ng sarili kong utak. Pinapatay ako ng mga desisyong hindi ko pa nakikita ang kapupuntahan.

Ngayong araw, sinubukan kong lumabas sa lugar ko. Literal na paglabas sa bahay. Binisita ko si Jay sa bagong niyang clinic para kamustahin. Nagdadalawang isip pa nga ako dahil noong huli kaming nagkasama, muntik na niyang pasukin ang comfort zone ko.

"Oy! Alex ikaw pala. Akala ko yung client ko na e," ang pambungad na bati ni Jay. "May naligaw 'atang professor sa pipityugin kong clinic. Bakit kaya?"

Tumayo siya upang salubungin ako ng yakap. Pina-upo niya ko sa sofa habang personal niyang inihahanda ang kapeng alam niyang i-rerequest kong inumin. Hindi siya nagbago. Madali siyang magkabisado at makatanda ng tao. Hanggang ngayon, alam pa rin niya ang gusto ko.

"Miss na kita e," ang tanging birong nasabi ko.

Noon pa man, matipid na ko kung magsalita. Hindi ako mahiyain o tahimik na tao. Sadyang, hindi lahat ng nasa isip ko inilalabas ko. Iniiwasan kong mahaluan ng opinyon at salita ng iba ang mga ideyang maingat kong tinatahi sa utak ko. Dahil kung may posibilidad na makakatulong ang payo ng ibang tao, ganoon din kalaki ang posibilidad na makagulo lang 'yon sa buong sistema ko.

"Talaga bang ako ang nami-miss mo?" Sabi ni Jay kapares ang makulay niyang pagngiti.

Hindi ako nakasagot. Sana mali ako ng inaakala kung saan pupunta ang usapan namin. Ang hirap pa namang makatakas sa kumag na 'to.

"Tigilan mo ko a, hindi ko siya nami-miss," matapang kong pagwa-warning kahit na nagsisimula na 'kong kabahan.

"See? I didn't say it but your mind heard her name."

Letseng Jay 'to. Ganitong ganito yun e. This was exactly the way how he almost caught me. E 'tong hirap kapag may kaibigan kang psychologist. Gigisahin ka sa sarili mong mantika.

"So, kamusta? Kamusta ka at ang feelings mo sa ate Charm mo?" At nagsimula na siya.

Makulit talaga ang loko. Pati yung code name na ginamit ko, tanda pa rin niya. At Diyos ko naman! Code name lang 'yon. Pangalan na kahit narinig ko lang, nagawa na nitong lagyan ng bitak ang lugar na kinatatayuan ko.

"I'm stable. Stable as the last time you asked."

Tumungo-tungo siya na kunwari'y naniniwala. Inilapag niya ang kape sa mesa at saka na-upo sa harap ko. Pilit akong tinitigan ni Jay kahit todo iwas na 'ko. Naghahalungkat siya ng katotohanan sa mga mata ko.

"You know, the last time na tinanong kita about her, hindi mo kinumpleto. Puro personification pa nga ang sentences mo, e hindi naman literature and arts ang kurso ko," may pagtatampo niyang sinabi.

Hindi ako sumagot.

"Kung talagang stable ka, you will able to tell the story," patuloy niya.

Totoo namang stable ako. Mangre-reverse psychology pa ang loko. Maayos ang pakiramdam ko. Ngunit alam ko, sa oras na balikan ko ang kwentong 'yon, ang istoryang ayaw kong mabasa ng iba- lagot na. Hahanapin ko na naman ang sarili ko. Bubuuhin ko na naman ang sarili ko na nadurog nang sapakin ako ng katotohanan.

ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon