TITLE: LOVE is...
Sub-Genre: Teen Fiction
Written by: SweetSilentGirl (Camille L. Frias)
Ano nga ba ang meaning ng LOVE?
One Word, Four Letters.
Iisang salita pero napakaraming meaning. Pero para saakin? Wala naman talagang Meaning ang Love ee. Pero hindi ibig sabihin nun, Hindi na ako naniniwala dito. Kasi ang Love ang nagparamdam saakin ng kakaibang pakiramdam na to.
Bakit nga ba hindi ako naniniwala sa definition ng Love?
Simple lang. Hindi naman natin kailangang gumawa ng gumawa ng maraming meaning ee, As long as na Mahal mo ang isang tao, Kayo na talaga! FOREVER pa nga ee! My point is... Paano kapag nawala na ang definition ng LOVE? Ibig bang sabihin nun, Mawawala na rin ang pagmamahal mo sakanya??
Well, Isa ito sa mga natutunan ko sa KANYA..
Kaya pala ang daming gumagawa ng definition ng LOVE ee, dahil obsses tayo. Obsses tayong magkaLOVE-LIFE. At higit sa lahat Obsses tayong makahanap ng para saatin.
Anyway Im Aliyah Reign Fuentes, At ito ang LOVE STORY ko.
***
"Aliyah! Para sayo? Ano ang meaning ng Love?" Tanong sakin ng isa kung kaklase. Napakunot naman ang noo ko. Sa dinami dami ba naman ng itatanong nya yun pa?
"Love?" Kunot noong tanong ko. Tumango naman sila. "Hmm.. Undefined?" Patanong kong sagot
"Ha? Undefined?" Tanong nila.
"Oo Undefined. Wala naman kasi talagang meaning ang Love ee." Sabi ko at nagpatuloy na sa pagsusulat.
"Ang bitter mo naman Aliyah!" Sabi nya
"Hindi ako bitter! Tsaka kailangan ba talaga sa isang relasyon ang definition ng Love? Dyan ba umiikot ang mundo nila? Sa meaning na yan? Paano nalang kung mawala na ang definition ng Love? Mawawala narin ba ang pagmamahal mo sakanya?" Sabi ko at umalis sa kinauupuan ko bago pa ako tuluyang makaalis. May pahabol pa akong sinabi sakanila.
"Ang mga taong gumagawa o naniniwala sa definition ng Love, Ay Obsses ang tawag sakanila. Obsses sa Pag-ibig!" Sabi ko at tuluyan ng umalis. Tama naman ako diba?
Kung nagtataka kayo kung saan ko nakukuha yang mga salitang yan, isa lang naman akong writter sa wattpad. Wala kasi akong masyadong kaibigan kaya doon ko ibinubuhos lahat ng oras ko. Tsaka doon marami talagang pwedeng maging kaibigan.
Habang naglalakad ako papunta sa favorite kong pagtambayan, Sa Rooftop, biglang may lumapit saking lalaki at nginitian ako. Halos matumba ako ng makita ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Sobrang gwapo nya at sobrang lalim ng dimples. Parang ganito lang yung feeling ng mga nababasa ko sa wattpad. Yung tipong parang nag slow-mo ang lahat, At feeling mo kayo lang ang tao sa mundo. Siguro naman ay nasubukan nyo na ang ganitong eksena. Kung Oo, Maiintindihan nyo ako.
"Ahm. Miss pwedeng magtanong?" Napatigil ako sa kakapantasya ko ng marinig ko ang magandang boses nito. Tumango naman ako.
"Alam mo ba kung saan ang room ni Mrs. Cruz? Hindi ko kasi alam ee!" Sabi nya tsaka sya ngumiti na parang nahihiya! Jusko! Wag mo akong ngitian. Baka mautal ako!
"Aa-- ee ano. D-diretso ka lang t-tapos pag nakita mo na yung faculty, Kumanan ka t-tsaka pag may nakita kang hagdan, umakyat kana lang doon tapos yung f-first room doon, Y-yun na yung room ni Mrs. Cruz!" Pautal utal kong sabi. Grabe! Bakit ba ganito ang epekto saakin ng lalaking to?
Pansin ko namang nagkamot sya ng ulo.
"Pwede bang samahan mo nalang ako? Hindi ko kasi talaga alam ee!" Sabi nya.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)
RomanceCompilation of entries in Wattpad Lovers Page, ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig).