TITLE: February 30
Sub-Genre: Humor
by OhMyGelou
MASAMA bang humiling kahit sa huling mandin?
"Last na 'to," bulong ko sa sarili matapos bumuntung-hininga nang pang-ilang ulit sa harap ng salamin.
Pinagmasdan ko ang aking kabuuan. Parang wala namang nagbago. Mahaba pa rin ang buhok kong nakapusod, maganda pa rin ang hubog ng katawan ko, maging ang kutis ko ay ayos pa rin—medyo maputla nga lang, ngunit bumagay naman sa akin.
"Amethyst Charm Calderon, okay ka lang. Gets? Okay ka pa..." muling salita ko sa sarili ko. Sumilay ang isang ngiting matagal ko nang itinatago sa labi ko matapos kong sabihin ang mga katagang 'yon.
Ayoko na. Tapos na akong magtago sa katotohanan. Kung mawawala man ako sa mundong ito, gagawin ko na ang lahat ng magagawa ko para maging masaya sa huling mga sandali ko.
Matapos ang ilang minuto ay naalala ko ang dahilan ng paggising ko nang maaga ngayon. Kinuha ko ang notebook kong may label ng "B.I.D." sa drawer at binuklat.
February 1 ngayon, ang unang araw ng Pebrero. Ang sarap magsimula ng bagong araw, bagong buhay sa bagong buwan.
Binuksan ko ang bintana ko at inilihis ang kurtina para papasukin ang liwanag ng araw sa umaga. Bumungad sa akin ang kapitbahay kong si Troy na nagdidilig sa bakuran ng bahay niya. Lumibot ang mata ko mula sa mukha niyang napakagwapo na animo'y isang Hollywood actor hanggang sa katawan niyang parang pang-Brazilian model sa ganda ng hubog.
Napasimangot naman ako nang maalala kong isa siyang "paminta." Oo, si Troy ay isang dyosang nagtatago sa katawan ng isang Adonis. Ang laking sayang lang.
Nagbalik ang pag-iisip ko sa notebook ko.
B.I.D. #1 – I'll find a boyfriend.
Napangiwi ako sa sarili kong isinulat. Hindi ko alam kung bakit 'yan pa ang kauna-unahan kong isinulat pero ayan na 'yan, e. Kailangan kong tuparin ang mga nakasulat sa "B.I.D. Notebook" ko kahit anong mangyari. Ipinangako ko 'yan sa sarili ko.
At sa araw na ito nga ay sisimulan ko na 'to.
Pero, my gulay! Paano ko naman gagawin 'yan? Teka—sabog ba 'ko nang isulat ko 'yan?
Isinara ko na ang notebook ko. Unang entry pa lang, na-bad trip na ako. Grabe, ako ba talaga ang nagsulat no'n?
Humarap ulit ako sa salamin.
"AC, kaya mo 'to. Ikaw ang nagsulat niyan, pangatawanan mo. Remember, you only have 29 days left. Patunayan mo ang poreber! Gora, hanap ka na ng boyfriend mo!"
Napapikit ako sa konsumisyon. Adik ba 'ko para isulat 'yan? Marahil.
Pero—no! I promised to do this.
Matapos ang ilang segundo ng pakikipagtalo sa sarili ay napagpasyahan kong magpalit ng pang-jogging. Tama! Kailangan ko nang kumilos. Naniniwala naman ako sa sarili ko na ang Amethyst Charm na ito ay may charm talaga. At kayang-kaya ko makahanap ng boyfriend—ASAP!
Ngumiti ako sa huling pagkakataon sa sarili ko sa salamin.
Bago ko matapos ang pagsesegura kung sarado na ang buong bahay ko bago mag-jogging ay may narinig na akong tumawag sa pangalan kong siya lang naman ang tumatawag.
"Charm!"
"Ay, baklang pusa!" Hindi ko maiwasang mapatili sa gulat. Nakahawak pa ako sa dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Nilingon ko ang tumawag sa akin na walang iba kundi ang paminta kong kapitbahay na si Troy—or Tracy.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)
RomanceCompilation of entries in Wattpad Lovers Page, ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig).