Title: Dear Anonymous
Sub-Genre: Humor
Author: SoCalledWriter
"I-G-N-O-R-R-E Ignorre! Ignorre!!!!"
Isang beses ko pang inulit ang chant para sa bandang IGNORRE.
Nagtitili ako dun at nagtatalon. Lalong lalo na ng naghead bang na ang vocalist ng banda na si Igo pronounced as Ego. Ang one and only ko. Ang future husband ko at ang future tatay ng sampu kong anak. Napahagikhik ako sa kalandian ko."Go Igo babes! I love youuuuuu" tili lang ako ng tili habang sa natapos ang kanta.
"Thank you for all your support guys" sabi ng hingal na hingal na si Igo.
Nagtilian naman ang mga fans nya at syempre kasama na ako dun.
"Go baby! I will support you with all my heart! Wooooooo! "
Nakangiti ang apat na myembro ng banda at handa ng magpaalam dahil tapos na ang performance nila. Igo is sweating like crazy. But damn it, he is so hot. Paalis na sana sila ng stage pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumugod ako paakyat ng stage bago pa man sila makaalis. Halata sa itsura ni Igo at ng tatlo nya pang kabanda ang gulat sa ginawa kong pagakyat. Paglapit ko kay Igo, nginitian ko sya ng pagkalakilaki sabay labas ng panyo ko sa bulsa ko at pahid sa pawis nya.
Nakatulala lang sya sa ginawa ko.
"Ang galing mo kanina babes!umm pinunasan ko lang yung pawis mo kasi pawis na pawis ka na. Hope you don't mind and----"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko may humila na sa akin pababa ng stage. Hindi na ako nagpumiglas kasi alam ko namang mali ang ginawa ko. I just proclaimed to the whole school that I am a obsess teenager but the hell I care. Mahigpit kong hinawakan ang panyo na may pawis ni Igo. Hinding hindi ko ito lalabhan. Ever. Napahalakhak ako habang hinihila ako ng kung sino pababa ng stage. Kinikilig ako Syet!!
Binitiwan ako ng mga myembro ng student council at sinermonan. Kesyo dapat inantay ko munang makababa ang IGNORRE, kesyo agaw eksena daw ako at kung ano anong eklabush. Tango lang ako ng tango. Pasok sa kabilang tenga, labas sa kabila. The typical me.
Ng matapos akong kausapin ng student council dumeretso na ako sa kaibigan kong si Lera na kanina pa masama ang tingin sa akin. Nakaupo sya sa bleachers at nakikinig sa program ng school. Sinuklian ko ng ngiti ang masama nyang tingin. Pero paglapit ko isang malakas na batok ang natangap ko. Napahiyaw ako sa sakit."Jusko! Ano na namang pumasok sa kukote mo at umakyat akyat ka pa ng stage? Nakakahiya kang babae ka! Goshhh!"
"Sorry na po inay" sabi ko sabay nagpacute sa kanya. Bago nya pa ako sigawan ulit, hinugot ko ang panyo ko at iwinagayway sa mukha ni Lera.
"Look what I got Lera! Igo's sweat on my hankie" pagmamalaki ko sa kanya habang winagayway ang panyo ko.
Nilayo nya ang kamay ko "Ilayo mo sa akin yan. Ang baho!" nagtakip pa sya ng ilong kaya kumunot naman ang noo ko.
Mabaho? Mabaho?????Agad kong inamoy. Hmm.. Anong mabaho dito? Amoy bulaklak naman ah!
"Mabaho ka dyan! Ipaalala ko lang sayo Lera. Ang bibig ay malapit sa ilong" sabay hagalpak ko ulit ng tawa. Pero hindi yata natawa ang kaibigan ko sa joke ko. Lalo pang kumunot ang noo nito kaya bago pa sya pumutak ng parang manok. Tiningnan ko ang orasan ko.
"Oops! 6pm na! Kaylangan ko ng umalis. Bye Lera."
Tumakbo ako palayo. Narinig ko pa ang tawag sa akin ni Lera. Pinababalik pa nya ako at hindi pa daw tapos ang program. Hindi ko na lang pinansin. Wala na namng rason pananatili ko dun. Wala na don ang IGNORRE at ang pinakamamahal kong si Igo. Isa pa 6pm na.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)
RomanceCompilation of entries in Wattpad Lovers Page, ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig).