ENTRY NO.15

127 5 5
                                    


TITLE: MISSING YOU
Sub-Genre: Tragic
by Aya_Marie  


Pinakamamahal kong Lera,

Mahal ko, miss na miss na kita. Kumusta ka na dyan? Alam ko masaya ka na ngayon. Malaya ka na sa poot, sakit at kalungkutan. Hindi mo na mararanasang lumuha at masaktan. Sana ganun rin dito sa kinaroroonan ko. Sana kapiling pa kita ngayon.

Tandang tanda ko pa ng una kitang makita at makilala. Third year ako nun ng magtransfer ako sa eskwelahan niyo. Halos lahat ata ng mga kababaihan sa eskwelahan ay pinagnasahan ako. Hahahahaha. Pinapatawa lang kita, Mahal ko. Pero totoo naman ang sinasabi ko, diba? Pero isang tao lang pala ang hindi nahumaling sa poging taglay ko. At ikaw yun.

Ipinanganak nga talaga siguro akong may taglay na kakulitan. Araw araw ata inis na inis ka nun. Para kang laging meron eh. Mainitin ang ulo. Paano ba naman, namomorblema ka na dahil sa sarili kong kapilyuhan. Naging magkaklase tayo nun tapos magkatabi sa upuan. Lagi kita nun kinukulit. Laging sinusundan. Nagpapansin kung baga. Iba ka kasi sa lahat. Kaya ka siguro nainis dahil sa naiinis na rin sayo ang mga estudyante sa eskwelahan natin. Syempre naiiggit sila sayo dahil ang isang gwapong tulad ko ay lumalapit sayo. Lakas ng hatak ko nun sa mga kababaihan eh pero sayo lang ako nagpahatak kahit di mo naman ako hinahatak.

Walang araw na hindi kita kinulit at wala ring araw na hindi ka nainis. Akala ko normal lang saakin na pagtripan ka, inisin at kulitin. Ang hindi ko alam, may nabubuo na pala. May totoong nadarama na hindi ko nun mawari kung ano ba talaga.

Kahit nalilito sa nararamdaman ko, hindi parin nagbago ang pakikitungo ko sayo. Mas lalo lang kitang gustong makilala

Nang minsang maaga akong pumasok sa eskwelahan nakita kita sa likod ng ating silid-aralan. Kahit nakatalikod ka, alam kong ikaw yun. Kilalang kilala na nga talaga kita. Nakaupo ka sa ilalalim ng puno ng mangga. May hawak na gitara at kumakanta pa. Hindi ko nun akalaing may talento ka sa larangan ng musika. Lumapit ako ng dahan dahan. Gusto sana kitang gulatin ang kaso ng makita kitang nakapikit habang ginagawa mo yun at may luhang pumapatak sa'yong mga mata, parang may parte sa aking katawan ang nasasaktan.

Nagulat ka nung minulat mo ang mga mata mo dahil nakita mo ako. Inabutan lang kita ng panyo at paalis na sana ako ng tinawag mo ako. Hindi ko makakalimutan ang araw na yun dahil yun ang pinakaunang beses na hinayaan mong kilalanin kita. Hinayaan kong magkwento ka at umiyak sa may balikat ko. Hinayaan kitang ilabas lahat ng sakit, problema at sama ng loob na dinadala mo ng araw na yun. Ito rin ang pinakaunang beses na nag-usap tayo na hindi ako nangungulit at hindi ka naiinis. Simula nun, tinuring na nating kaibigan ang isa't isa. Ay mali pala. Simula nun tinuring mo na akong matalik na kaibigan.

Mas tumindi ang nararamdaman ko lalo na ngayon na iba na mas lalong naging malapit tayo sa isa't isa. Alam kong hindi na lang basta kaibigan ang turing ko sayo. Alam kong higit na dun kung kaya't minabuti kong isantabi yun dahil hindi ko kayang sirain ang tiwala mo sakin. Pinigilan kong mas lumalim pa ang nararamdaman ko sayo.

Akala ko kaya ko. Mahirap palang magpigil ng nararamdaman. May mga pagkakataon nga na gusto ko ng magtapat sayo kaso inuunahan lang ako ng takot ko. Ako na ata ang isang halimbawa ng torpeng lalaki dito sa mundo. Nakakaduwag.

Dumating ang pasko. Hindi mo ko nakalimutang batiin at bigyan ng regalo. Ganun rin ako sayo. Nung pasko ring yun pinakilala kita sa pamilya ko bilang kaibigan. Nang mga oras na yun mas gusto kong sabihin na ikaw ang babaeng nais kong ligawan kaysa sa kaibigan dahil yun naman talaga ang totoo. Pinakilala mo rin ako sa pamilya mo. Naisip ko rin nun, sana sa susunod ipakilala mo ko bilang boyfriend mo. Sana.

ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon