TITLE: Love Letter
Sub-Genre: Humor
Author: zaikah
Papunta kami ngayon ni Richard sa locker room, lunch naman kaya ilalagay ko na muna yung iba kong gamit sa locker ko at kukunin ko na lang yung mga kaylangan ko, ayaw ko naming magdala ng madami lalo na kapag notebook at libro ang dadalhin. Ako nga pala si Ace Salvador at ang bestfriend ko naman ay si Richard Cruz.
Pagkadating ko sa harapan ng locker ko, kagaya ng dati may naka dikit nanaman na letter kaya kinuha ko na lang, hindi naman ako sikat or heartthrob dito sa school na 'to since hindi naman yun uso dito. Simple but cool lang naman kasi ako, yeah cool. Si Richard naman na bestfriend ko, s'ya ang parang heartthrob dito, parang lang ha? Madami kasing may crush sa kanya.
Pagkatapos kong ayusin yung gamit ko, hinintay ko na si Richard na madaming hawak na letter. Buti saakin isa lang. Hindi ko naman kilala kung kanino kasi L.A.A lang naman lagi ang nakasulat sa dulo eh.
"Tara na," Sabi ni Richard habang nakangiti pa. Isa-isa n'yang tinitignan yung mga letter na hawak n'ya at saka tumingin sa akin.
"Ang lakas talaga ng taglay kong charm." Sabi n'ya habang nakangiti parin at nung nasa parking lot na kami tinapon n'ya lang yung mga letter sa nadaanan naming basurahan.
Napa iling na lang ako, ganyan talaga s'ya babasahin lang n'ya kung kanino galing tapos itatapon na n'ya, may gusto na kasi s'yang iba eh.
Binasa ko na lang yung letter na para sa akin hindi ko naman ugaling itapon yung mga binibigay sa akin lalo na itong letter, feel ko lang na wag itapon, parang ang importante kasi, pang 14th na letter na ito na nakuha ko..
Dear Ace,
'I wanted tell you how much I like you, but I think I'm not brave enough to tell it directly in front of you. I didn't choose to like you, it just happens that I fall for you. I think 'I hate you' is easier to say than the words 'I like you' every time I see you, I'm kinda nervous every time I see you. Siguro na guguluhan ka na kung sino man ako, ayaw ko naman kasing sabihin dahil baka l........'
"Ay baka!" Sigaw ko na lang ng may narinig akong malakas na pagpreno.
Tinignan ko si Richard at mukhang hinahanap n'ya rin kung saan galing ang tunog na yun. Nakita naman namin ang isang van na nakahinto habang pumepreno preno pa. Sa harapan nito may nakatayong babae na bigla na lang napaupo kaya agad kaming tumakbo doon ni Rachard. Kinatok ni Richard yung bintana ng van at ako naman inalalayan yung babae mukhang na natakot s'ya kasi ang higpit ng pagkakahawak sa akin eh.
"Edward? Ano naming ginagawa mo dito ha? Balak mo bang sagasahan 'yung babae ha? Hindi mo man lang tinulunggan oh," Sabi ni Richard kaya napatingin ako sa kanila.
"Sorry naman, eh hindi ko s'ya na pansin eh," Sagot naman ni Edward sabay kamot pa sa ulo n'ya. Binatukan naman s'ya ni Richard, mag pinsan ang dalawang yan eh.
"Oh, tama na yan, Edward mag sorry ka sa kanya," Sabi ko naman at tinignan yung babae habang masama s'yang nakatingin kay Edward, Ang amo ng mukha n'ya at....ang ganda n'ya.
*tug dug *tug dug
Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
"So-sorry na miss," Sabi ni Edward.
"Tol! Hindi ganyan mag sorry ang lalaki, bakla ka ba?" Pangaasar ni Richard kaya nag-asaran na nga silang dalawa.
"Miss, ok ka lang ba?" Tanong ko dun sa babae kaya napatingin s'ya sa akin. Nanlaki naman ang mata n'ya ng makita ako kaya nagtaka ako. Kilala ba n'ya ako?
BINABASA MO ANG
ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)
RomanceCompilation of entries in Wattpad Lovers Page, ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig).