ENTRY NO.49

95 3 1
                                    

TITLE: "SWEETEST DOWNFALL"
Sub-Genre: Tragic
by blueice  


"Mukhang tanga ka na naman dyan Yvonne, inaabangan mo na naman yang lalaking pinapantasya mo" batok sa akin ni Con. Habang abala ako sa pag-aabang kay Cody.

"Grabi sya oh!!!, wagas makabatok" reklamo ko habang haplos haplos ang batok ko. Medyo masakit kaya yun.

"Halika na kasi, lagi ka na lang nag-iintay sa hindi ka naman kilala. Ano ka abangers? " Inis na wika ni Con.

Eto na naman ang bff ko. Ang daming sinasabi. Buti nga sya may boyfriend eh! Ako wala. Sucklife di ba? Bago pa bumula ang bibig ng bff ko sa galit ay makaalis na. Kaya kasi lagi akong nakatambay sa lugar na ito. Dito kasi makikita ang pag daan ni Cody ang aking pinamamahal, ang aking great crush (shocks lakas makahigh school). Tuluyan na kaming umalis ni bff papunta sa aming klase.

Isang simpleng mamamayan lang kami ng bff ko. Nag-aaral sa isang di kamahalang Unibersidad malayo sa amin. I'm Yvonne Apostol nasa tamang gulang na para umibig (joke). Hindi ako maganda, hindi ako matalino at wala akong katalent talent sa katawan. May isang lalaki akong kinalolokohan talaga. Crush ko na talaga si Cody Jimenez since high school. Sa sobrang pagka crush ko sa kanya, sinundan ko kung saan sya nag-aral. Buti na lang at hindi mahal ang tuition fee dito. Matagal ko na talagang sinusundan si Cody. Pero hindi pa rin nya ako kilala. Bakit? Kasi naman ayokong magmukhang cheap sa paningin nya. Hindi naman ako katulad ng ibang babae dyan. Masaya na ako sa pagsunod at pagmamasid sa kanya sa malayo. Kahit magkasalubong kami hindi ko sya matignan ng harapan, naiilang kasi ako. And worst baka himatayin ako pagnakita kong ngitian nya ako. Hindi ako mahilig makisalamuha sa iba. Si Con lang talaga ang kaibigan ko. May pag ka introvert kasi ako. Bahay-eskwelahan lang. Kung lalabas naman ako, si Con ang lagi kong kasama.

"Bff san na naman tayo pupunta?" naiiritang tanong ko kay Con. Paano ba naman pagkatapos ng klase namin madali nya akong hinila na kala mo may mga manyak na humahabol sa atin. Nakakapagod kaya lumakad ng mabilis at lalong masakit hawakan ng mahigpit sa kamay.

"Basta sumunod ka na lang" nakangiting sagot nya sa akin. Eh, hello paanong susunod eh kinakaladkad nya na kaya ako. Abnormal din tong kaibigan ko eh no? Pero bilib din ako dito. Kasi last week lang eh ngumangawa sa akin to at nakipag break daw sya sa bf nya at eto hinihila nya ako kung saan ay hindi ko alam kung saan kami patungo. Ipapakilala nya daw ako sa bagong boyfriend nya. Abay malupet naman talaga di ba. May paiyak iyak pa last week, tapos ngayon wagas ang makangiti kasi magkikita daw sila ng "new boyfriend" nya. Teka nga. Parang alam ko to ah... ayiiiiii papunta kami sa tambayan ni Cody... Waaaa!!! makakasilay rin ako kahit paano. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Pero ang pinagtataka ko, lumagpas ako sa boundary. Dahil kalimitin hanggang dito lang ako sa pangatlong puno mula sa tambayan nila Cody. Is it amazing? Luuuh, papalapit na kami sa lugar kung saan nakatamabay sila Cody. Ah!!! Baka naman, lalagpas kami dito. Kaya sumunod lang ako kay Con. Malayo pa lang nakita ko na si Cody na nakangiti sa mga kausap nyang babae. Hindi naman ako nagseselos dahil tanggap ko na sa sarili ko na malabong mangyari ang dapat mangyari. Tulad ng mga napapanood na eksena sa telenobela at nababasa sa wattpad. Yung magkakatinginan ang mga bida tapos tapos tapos. Ayun na. Nang nasa harapan na kami nila Cody. Aba, ang bff ko at yung barkada ni Cody na si ewan ko kung anong pangalan. Biglang humalik na lang sa aking bff, nakow eto pala ang kanyang bagong BF. Ilang araw o buwan kaya ang itatagal nila. Sa hilatsa pa lang ng mukha nitong lalaking to babaero na eh. Ahm, parang si Cody lang din. Okay! Okay! Ako na ang judgemental. Base lang naman kasi sa mga naoobserbahan ko. Keen observer kaya ako. Pero walang halong biro. Yung heartbeat ko pakiramdam ko lumalabas na ang puso sa dibdib ko. Dahil malapit lang ako kay Cody. Sheeeyt.. Masyado na akong kinikilig, pigilan nyo ako readers. Naputol ang pag mumuni muni ko ng marinig ko ang malanding tinig ng bff ko.

ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon