TITLE: Love, Depression
Sub-Genre: Drama
Author: TheGreat_Loner
What it is like to have voices inside of your head?
It tears you apart. The human you're once before becomes a monster. You can cover your ears, but they'll still whisper into your mind. They will tell you so many different thoughts. No, not like your plans for the future or what you're going to buy tomorrow. They will speak of you hanging on the ceiling, of you being the most miserable person in the world. You want those voices to cease, but they don't. No one will stop them, no one but him.
"Ssshhh," he caressed the top of my head, while I am a prisoner inside of his arms. "Tahan na. Narito na ako oh? Tahan na, Lera. Wala na siya. Hindi ko hahayaang saktan ka niya."
"P-pero nakita ko na naman siya sa panaginip ko. May hawak-hawak siyang kahoy... tapos... tapos..." para akong batang inagawan ng candy. Palagi namang ganito. Nightmares. Sudden suicide thoughts. Hallucinations. Sometimes, you just get used to it, but not on how it terrorizes you everytime you get them.
Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko at tumingin sa aking mga mata. "No, panaginip lang iyon. Huwag kang mag-alala. Babantayan kita." Inihiga na ako ni Bry sa aking kama at kinumutan ako. Umupo siya sa may ulunan ko at pinatulog ako ng kanyang mga nakakatuwang kwento, ng kanyang boses na musika sa aking tainga.
Palagi na lang gan'to ang scenario. Magkakaroon ako ng mga bangungot, magkakaroon ako ng random flashbacks patungkol sa mga nangyari sa akin noong bata pa ako. I had a traumatic childhood, a rough path to take. Isa sa pinaka nagmarka sa akin ay ang pananakit ng aking Lola, ang kanyang mga sampal, ang kanyang mga lait. Kahit na naglaho na ang mga pasa at tanging latay na lang ang natira bilang memorya ng pagsira niya sa pagkatao ko, ramdam ko pa rin ang sakit na para bang kahapon lang ito nangyari. Kahit tatlong taon na ang lumipas.
Hinawakan ako ng mahigpit sa kamay ni Bry. Malapit na akong mahulog na naman sa dagat ng aking mga panaginip nang marinig kong sabihin niyang, "Mahal na mahal kita, Lera. Aantayin kong bumalik ka sa normal ulit. Aantayin kitang bumalik sa realidad."
At tuluyan ko nang hinayaan ang sarili kong bumagsak sa tubig at malunod sa aking mga iniisip, na ngayo'y ang mukha ni Bry.
-
"Putang ina mong bata ka, hindi ba sabi ko huwag kang lalabas?"
Nakita ko ang pitong taong gulang na ako, na dahan-dahang umaatras hanggang sa bumangga ang kanyang likod sa pader. Hindi matigil ang pag-agos ng kanyang luha. Hindi matigil sa pagbagsak ang kanyang mga luha. Hinarang niya ang kanyang mga kamay sa harapan niya para iro na lang ang tumanggap ng malakas na hampas ng matanda. Agad na namula ang kanyang mga braso, kasabay ng mga bulalas ng pagmamakaawa.
"Huwag ka nang magmakaawa pa," ngumisi ito at inilapit ang mukha sa kanya. "Walang tutulong sa iyo, tutal wala ang nanay mo, at lalo na't wala kang tatay. Iniwan ka ng tatay mo kasi wala kang kwenta!"
Ihahambalos na sana niya ang dos por dos sa aking mukha ngunit agad akong nagising. Pawisan. Puno ng luha ang aking unan.
At hindi ko na naman napigilan ang sarili kong umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin sa sarili ko. Narinig konbg bumukas ang pinto ng aking kuwarto at nakita kong nakasilip ang aking Ina.
"Anak, okay ka lang ba? Masakit ba ang opera mo?" lumapit siya sa akin at mayroong halong pag-aalala sa kanyang mga mata. "Hindi ka dapat nagpapastress, anak. May chemotheraphy ka pa next week." Noong naulinigan ko ang salitang 'chemotheraphy', napahawak ako sa buhok kong kay nipis-nipis. Mukha na akong abnormal na alien, sa totoo lang. Bumaba ang tingin ko sa aking mga braso, sa aking balat na sobrang putla. Wala na ang dating ako. Wala na ang akong hinahangaan ng lahat sa eskwela. Wala na ang babaeng tinitingala ng lahat. Kinakaawaan na nila ako ngayon.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)
Storie d'amoreCompilation of entries in Wattpad Lovers Page, ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig).