TITLE: MY LADY
Sub-Genre: Humor
by Adrypot_Malikot
"Do you really need to do this Yvee?' Tanong ni Mhy sa kaniyang pinsang si Yvonne ng makarating sila sa bahay bakasyunan ng Uncle Peter nila sa Tanauan, Batangas.
'Yeah! I need to do this Mhy. Alam mo naman kung paano ako magtrabaho diba? I'm not the award winning actress Yvonne Wagne kung hindi ko ito gagawin. Every role that I take, pinag-aaralan ko muna at nireresearch para maportray ko ito ng maayos. You knew about that right?" Mahabang sagot ni Yvonne kay Mhy. As much as possible, gusto niyang pag-aralan bawat role na gagampanan niya, kesehodang kailangan niyang pumunta sa iba't ibang lugar para magresearch ay gagawin niya. That's the reason why she became the most well known actress now, dahil sa galing niyang umarte.
"Okay, I won't make away na you. Besides, I think it's really beautiful here, kaya okay na rin." Nagpatiuna na itong pumasok sa pinto ng malaking bahay. Samantalang siya ay inilibot pa ang mga mata sa kapaligirang nakikita niya. Tama ang pinsan niya, maganda nga rito at nakakarelax.
"Ms.Wagner, tumawag po ang ninong ninyo kanina at pinasasabing mag-enjoy daw po kayo rito. Pinapasabi din po niyang may darating na tao mamaya at iyon na daw po ang bahala sa lahat ng kakailanganin ninyo." It was Adolf, her bodyguard cum driver slash alalay. Nginitian niya lang ito at sinabing ipasok na ang mga gamit nila sa loob ng bahay.
Muntik na siyang mapanganga sa nakita. The house looks old outside pero kapag napasok mo ay mamamangha ka. It felt like, you went back to Spanish era. Very aristocratic ang dating ng bahay, magmula sa mga muebles hanggang sa disenyo nito. Mukhang mag-eenjoy nga siya dito sa loob ng dalawang linggo.
She asked her manager to give her a two week off after his victorious soap opera, para na rin makapagpahinga at maaral ng maigi ang role na gagampanan niya sa isang pelikula na magsisimulang i-shoot next month.
"My God cous. I think I'm not going to make tagal here. There's no wifi, and my signal is so hina." Hindi niya alam kung maiinis ba siya sa pinsan niya o matatawa na lang sa inaasta nito ngayon.
"Alam mo para kang batang padyak ng padyak diyan. Hindi naman kita pinilit na sumama dito 'no. FYI lang po, you insist to come with me. Kesyo nag-away kayo ng boyfriend mong autistic at gusto mong taguan. Pwede ka ng umuwi, ipapahatid kita kay Adolf sa Manila." Pagkasabi noon ay nilagpasan niya ang pinsan niyang kandahaba ang nguso. Nagtuloy tuloy siya sa sala ng bahay kung saan maraming mga larawan ang nakasabit. Isa isa niyang pinasadahan ng tingin ang mga larawan. She's too busy eyeing the pictures when she heard an engine pulling off. Then she saw a wrangler outside the door. Marahil ito na ang sinasabi ng uncle niya na taong mag-aasikaso sa kanila.
She didn't bother to look at the person, ang pinsan na lamang niya ang bahala ditong makipag-usap. Pero nagulat siya ng may tumikhim sa likod niya, dahilan para mapalingon siya rito.It was a man, a very handsome one. Napatitig siya rito ng matagal. He seemed familiar to her, hindi nga lang niya matandaan kung saan niya ito nakita.
"Hi, magandang umaga sa iyo. Ako nga pala si JV." Pakilala sa kaniya ng bagong dating at sabay abot ng kamay nito sa kaniya. Sa kasamaang palad, mukhang hindi yata napansin ni Yvonne ang mga kamay nitong nakalahad sa kaniya upang sana'y makipag-kamay. Ibinaba na lamang nito iyong muli at napalingon ng may magsalita sa gilid nito.
"Oh my God! Pogi!" Tila naman natauhan si Yvonne ng magsalita ang pinsan niya na hindi niya alam kung saan nanggaling. "Hi, I'm Mhy. But you can also call me MINE." Malanding sabi ng pinsan niya sa lalaking kaharap. Kita niya kung paanong lumabas ang mga biloy nito sa pisngi ng ngumiti ito.
If being so gorgeous is a crime, malamang this man would be in jail now. Pakiwari niya sa isipan.
"Ala eh kinagagalak kitang makilala binibini." Napangiti si Yvonne ng marinig itong nagsalitang muli. May punto kasi ito, just like a typical batangeño. But what shocked her was, she didn't find it funny, she found him cute. Muli niya itong pinagkatitigan, dahil pamilyar talaga sa kaniya ang mukha ng lalaki.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)
Storie d'amoreCompilation of entries in Wattpad Lovers Page, ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig).