ENTRY NO.38

77 3 1
                                    

TITLE: Look Back
Sub-Genre: Tragic, Fantasy
Author: Ms_BluCrux  


Gusto mo bang balikan ang nakaraan? Itama ang lahat? Baguhin ang hinaharap?

Ito ang mga katagang nakasulat sa isang piraso ng papel na nakapaloob sa boteng nilulumot na natagpuan ko sa tabing dagat. Kasabay nang paglubog ng araw ang pag-asang mababalikan ko pa ang nakaraang ayaw akong pakawalan.

"Tristan, maghahapunan na," sigaw ni Adrian sakin mula sa cottage na aming inuupahan.

"And'yan na," sagot ko habang tinatanggal ang buhangin na dumikit sa shorts ko dulot ng matagal na pagkakaupo.

Isang taon na mula no'ng nangyari ang trahedyang nag-iwan ng malaking lamat sa aming magkakaibigan. Ang dating buong barkada tuwing roadtrip, bakasyon at island hopping ay nabawasan. Ang masakit ay ang babaeng matagal ko nang gusto ang kinuha sa amin. Hindi ko man lang nasabi sa kan'ya ang lihim kong pagtingin.

Pinasyal ko si Scott, ang asong nagsilbing alaala ni Yumiko sa akin, pagkatapos ng hapunan. 'Di ata nauubusan ng energy ang asong 'to, pagod na ako kakasunod sa kanya pero siya, hila nang hila parin ng tali kung saan-saan.

"Scott naman, pagod na ako," pagrereklamo ko pero hinahayaan ko parin siya sa paghila.

Napadpad kami sa labas ng resort. Madilim na ang paligid. Tahimik at walang katao-tao. Patuloy parin sa paglalakad si Scott na parang may pupuntahan. Sa sobrang pagod, naupo ako sa tabi ng daan habang hawak parin ang tali ni Scott.

Ilang minuto ang nakalipas at di ko namalayan na nabitawan ko ang tali ni Scott. Hindi siya mahagilap ng paningin ko. Patuloy akong naghanap hanggang may isang liwanag na humagip sa aking paningin. Unti-unting lumalaki ang liwanag habang papalapit sa akin. Nakakasilaw. ~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagising ako sa ingay na dulot ng tawanan ng mga tao sa aking paligid. Nasaan na ba ako? Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko.

"Mr. Santos, ano akala mo dito sa unibersidad, bahay mo at tutulugan mo lang?" Sermon ni Ma'am Sanchez sa akin. "Sagutan mo sa board ang number 4. Pagmali ang sagot mo, malilintikan ka sa akin," dagdag pa niya.

Wala na akong nagawa kundi ang pumunta sa harap. Kahit naguguluhan parin ako sa nangyayari, patuloy ako sa pagsagot. Parang ang dali lang yata nito. Nakita ko na yata ang sagot nito dati.

"Good," yan lang ang puna ni Ma'am sa akin. "Class dismiss," patuloy niya.

"Galing mo talaga, Tristan," komento ng isang babae na kumuha ng atensyon ko.

"Yumiko?" Bulong ko sa sarili.

Mabilis pa sa alas kwatro ko siyang nilapitan.

"Yumiko, ikaw talaga yan?" Sabay yugyog ko sa kanya.

"Sira ka talaga! Mukha ba akong nagpasurgery at di mo na ako makilala?" Natatawa niyang sagot sa akin.

"Hithit pa more, Tristan," asar sa akin ni Ken na nasa likuran lang namin.

"Gumanda ka siguro Yumiko kaya 'di makapaniwala si Tristan," panunukso ni Mira na nakahanda na para lumabas ng room.

"Gutom lang 'yan Tristan," sigway ni Adrian kahit busy sa kalalaro ng phone niya.

Buo ang barkada. Kompleto kaming lima na naglalakad papuntang canteen. Sadyang panaginip lang ba 'yon o andito ako sa sarili kong panaginip?

"Tristan, wala ka ng maaabutan na pagkain niyan. Bagal mo para kang pagong," sigaw ni Adrian. Ang ingay talaga ng lalaking 'to. Daig pa ang babae sa kakaputak.

ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon