TITLE: Time Machine
Sub-Genre: Teen Fiction
by PenOfHope
"Babe, saan ka pupunta?"
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang marinig ko ang boses niya. Ilang beses akong humugot ng hininga bago humarap sa kanya nang may ngiti sa labi. Sumalubong sa akin ang napaka-amo at inosente niyang mukha. Hindi siya gano'n kaputi at katangkad ngunit, litaw na litaw ang kagandahan niyang taglay.
"Pupunta ako sa bahay ng barkada ko, babe. Nasabi ko na sa 'yo 'to hindi ba?" sabi ko. Biglang nag-bago ang itsura niya dahil sa sinabi ko. Kung kanina ay naka-kunot ang noo niya, ngayon naman ay parang bigla siyang lumungkot. Pero agad ding nawala 'yon marahil ay ayaw niyang makita ko na malungkot siya.
Uwian na namin ngayon. Napag-desisyunan namin na magkita nang mga barkada ko tutal weekend naman at walang pasok bukas.
"Ay! Oo nga pala. Sorry nakalimutan ko," naka-ngiti niyang sabi. Ngumiti lang din ako sa kanya. Iba talaga ang dating ng mga ngiti niya sa akin. Parang lagi akong kumakalma dahil sa mga ngiti niya.
"Hatid muna kita sa inyo bago ako umalis," sabi ko. Marahan siyang umiling na ipinagtaka ko.
"H'wag na. baka ma-late ka pa sa lakad niyo."
"Sigurado ka?" tanong ko. Tumango lang naman siya at saka ngumiti. Iyong ngtiti na gusto ko laging makita. Pero parang may kakaiba.
"Oo. Kaya ko ang sarili ko. Sige na," muli niyang sabi. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto niya.
"Mag-ingat ka. Tumawag ka kapag naka-uwi ka na." Hinalikan ko siya sa noo at nagpaalam. Mabilis akong naglakad palayo sa kanya.
Nang maka-layo na ako, hindi ko na napigilan ang mga ngiti na sumilay sa aking labi. Atleast, hindi siya nangulit na sumama. Walang istorbo. Walang magba-bawal sa lahat ng mga galaw ko.
Since malapit lang naman sa school ang kitaan namin ng mga barkada ko, mabilis lang akong nakarating doon. Nang makita nila ako ay agad naman nila akong kinantyawan.
"Dude! Buti ang aga mo?" tanong ni Mark—isa sa mga barkada ko. Kasama niya sina Will at Red.
"Oo nga eh. Hindi na kasi nagpa-hatid si Althea," simpleng sagot ko.
Inilibot ko ang paningin ko at kumunot ang noo ko nang mapansin kong wala pa ng iba.
"Nasaan ang iba?" hindi ko napigilang tanong.
"Uuuuy...kunwari ka pa. Hinahanap mo lang si Marj, eh!" pang-aasar ni Will kaya naman binatukan ko siya.
"G*go! Nasaan nga kasi?" tanong ko ulit nang naka-ngisi.
"Nandoon na sila kila Marj. Sunod na lang daw tayo," natatawang sabi ni Red. Hindi ko na lang siya pinansin.
Iyong Marj na sinasabi nila, ay isa rin sa mga barkada ko. Isa rin siya sa pinaka-malapit sa akin. As in malapit. Siya ang lagi kong kausap at kaasaran sa personal, sa text o sa chat man. Kaya lagi rin kaming inaasar ng mga barkada namin. Kaya talagang magka-sundo kami kasi parehas kami ng trip sa buhay.
"Kel, tara na! Pumunta na raw tayo ro'n!" sigaw nila sa akin. Agad naman akong sumunod sa kanila.
Pupunta kami ngayon kila Marj. Nag-yaya kasi sila na tambay daw kami doon. As usual, kapag sinabi naming 'tambay' ibig sabihin, mag-iinuman kami. Sa totoo lang hindi alam ni Althea na pupunta kami kila Marj. Isa kasi talaga siya sa pinagse-selosan ni Althea kaya hangga't maaari, ayaw niyang makita kami nang magkasama. O kung magkasama man kami, ayaw niyang makita na magka-dikit kami.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)
Roman d'amourCompilation of entries in Wattpad Lovers Page, ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig).