ENTRY NO.25

87 2 6
                                    


TITLE: Taking Chances
Sub-Genre: Fiction
Author: JLL1493  



Aliyah

Pagkatapos kong bumili ng sandwich at tubig sa canteen ay lumabas na ako, puno na kasi do'n kaya sa corridor na lang ako kakain. Nakasalubong ko si crush– si John Vincent Ferrer na captain ng basketball team ng university namin. Sikat siya hindi lang dahil sa galing niya sa basketball, sa gwapo ng mukha at sa ganda ng katawan kundi dahil sa pagiging mabait at matalino nito. Hindi ko na siya tiningnan dahil nahihiya ako, baka malaman pa niyang pinagpapantastayahan ko siya. Yumuko na lang ako at dumiretso na.

Vince

Naglalakad ako papuntang canteen nang makasalubong ko si Miss Genius. Sobrang talino niyan. Napansin niya naman ako pero yumuko agad siya at nilagpasan ako. Nginitian ko siya pero di na niya nakita yun.

The moment I laid my eyes on her almost two years ago I already like her. Kaso bigla niya akong iniwasan ng walang dahilan. Hindi ko na lang ipinagpilitang lumapit pa sa kanya. Nagkasya na lang akong tingnan siya sa malayo at mahalin siya ng palihim. Di ko masabi sa kanya kasi hanggang ngayon parang iniiwasan pa rin niya ako.

---

Aliyah

Papunta ako ng boarding house nang maalala ko yung panahong nagkakilala kami ni Vince.

•Flashback•

2 years ago

"Hi, pwedeng magtanong?" tanong ko sa lalaking nakatayo sa gate.

"Sure, ano yun?"

"Mag-eenrol kasi ako, saan ko ba dapat isusubmit 'tong mga requirements ko?"

"Ah, first year ka, Ano bang course mo? Samahan na kita, tapos na kasi akong mag-enrol kahapon. By the way I'm Vince Ferrer." sabay lahad ng kamay niya.

"Aliyah Alegra, accountancy, ikaw anong kurso mo at year level?" nagshakehands kami.

"Aliyah Alegra? Ikaw yung topnatcher sa entrance exam? Wow as in wow lang talaga , galing mo. Architecture pala ako, third year Miss Genius." sabi niya.

"Tsamba lang yun.".

Sinamahan niya ako hanggang maging officially enrolled na ako. Nanlibre pa siya ng snack, ang bait. Eskolar lang ako dito sa St. Joseph The Worker University. Poor kid eh.

Nagkakasabay kami ni Vince pag-uwian no'ng mga unang linggo ng pasukan. Nagiging close na nga kami pero bigla akong naging usapan sa university. Sikat pala si Vince. Isang araw bigla akong sinugod ng mga fans niya at simula no'n iniwasan ko na siya.

•end of flashback•

Simula din nun nagkacrush na ako sa kanya.

---

Graduation ni Vince

Vince

" Vince, may nagpapaabot." si Josh sabay abot ng isang regalo na walang nakalagay kung kanino galing. Pangalan ko lang ang nakalagay.

Marami din akong natanggap na gifts galing sa mga classmates ko, kay mommy, daddy at sa dalawang tito na kambal. Una kong binuksan yung walang pangalan. Ang laman ay pen holder at flash drive. Hindi ko na itatry iopen 'tong flash drive, baka virus lang ang laman masira laptop ko.

Bukas lilipad na akong States. Mag-aaral ako doon ng Business Management. Yan kasi ang usapan namin ni Dad, pinagbigyan niya ako sa Architecture pero kailangan mag-aral ulit ako at BM naman. Balak ko ding isabay ang pagkuha ng short art courses. Kung hindi kasi architecture ang kinuha ko, fine arts sana yun.

ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon