ENTRY NO.47

54 1 1
                                    

Title: Munting Koleksiyon
Sub-Genre: Psychological Thriller
Author: jhavril


"O, may nag-request ng kanta. Hmmm... a, paborito ko rin ito. Love me like you do..." nagsigawanang mga tao sa narinig. Halos kalahati ng mga tao sa bar na iyon ay paborito rin pala ang kantang ni-request ko. Ngayon, mag-iisip na naman ako ng kantang para lang sa amin, 'yong wala akong kaagaw.

Napangiti ako nang kantahin na niya ang paborito kong kanta. Napahawak pa ako nang mahigpit sa bote ng alak na nasa harap ko. Isang bucket ang kasama nito pero wala na akong pakialam kung paano ko ba ito mauubos lahat. Nang hindi ako uuwing gumagapang. Hindi ako sanay uminom pero kasi kasama sa ticket na binayaran ko sa halagang isang libo ang mga ito.

At sa kagustuhan ko siyang makita, pikit-mata akong umiinom ngayon. Alam kong mukha akong tanga. Bakit ba? Masaya akong makita siya kahit sa malayo lang, kahit pa hindi niya ako kilala. At nakita ko naman siya ng personal. Sa tinagal-tagal kong ginusto, ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon at hindi ko ito pakakawalan pa.

Obsessed ba ang tawag sa akin? Hindi siguro. A fan maaari pa. Simula nang marinig ko ang cover video niya sa youtube, noong panahon na ang sakit-sakit ng puso ko, siya lang ang nakapagpangiti sa akin. At simula noon, lahat na ng cover video niya ay inaabangan ko. Binili ko pa ang ilan dito na naka-spotify. Nare-relaxed kasi ang puso at isip ko, kapag kumakanta siya ng acoustic. Habang naka-earphone at nakahiga sa kama. Feeling ko, ako ang kinakantahan niya. Walang sawa ko ring pinapanood ang mga ito nang paulit-ulit.

Pati mga interview niya sa mga radio and tv station ay wala akong pinalampas. Lahat ng iyon ay pinanood ko rin nang paulit-ulit. Nakakatawa na ba ako? Doon ako masaya, e.

Ngayon, ang lapit-lapit niya sa 'kin. Ang guwapo pa niya habang naggigitara. Sa bawat pagbuka ng kaniyang mga labi, napapangiti ako ng walang dahilan. Natutulala na lang ako basta. Hindi naman ako lalapit gaya ng mga babaeng nasa harap ng stage. Kahit tanaw lang, ang saya-saya ko na.

Naiinggit nga ako sa mga babaeng nginingitian niya o kaya ay aalayan niya ng kanta. Pero kasi hindi ko naman kaya ang ginagawa nilang paglapit, pagyakap at paghalik dito. Nakakahiya kahit gustong-gusto ko!

Naninigas ako sa kinauupuan nang mapatingin siya sa gawi ko at ngumiti. Mag-isa lang ako sa lamesa. Pero para hindi assuming, pasimple kong nilingon ang nasa likuran ko baka ito naman ang nginingitian niya. At laking tuwa ng puso ko dahil walang tao roon, tanging ako lang ang nasa gawing ito ng bar.

Pero napansin ko, ako na lang pala ang nakaupo, dahil halos lahat sila ay nasa harapan at nakiki-jam sa kaniya. Napangiwi ako dahil baka kaya siya napatingin dito dahil iniisip niyang nabo-boring ako habang mag-isang umiinom.

At nagulat na lang ako nang magsalita siya.

"Miss na naka-red... Hi..." kumaway pa siya with matching kindat!

Alanganing tumango ako. Inilawan pa ako ng spotlight! Naka-focus na rin sa akin ang tingin ng iba. Na-curious ata sila kung sino ang kinawayan nito. Itinaas ko pa ang hawak kong bote ng beer.

Cheers?

Natawa siya pati na rin ang iba. Most embarrassing moment ko ata ngayon.

Matapos kong ubusin ang laman ng bote, ninais ko nang umalis. Feeling ko talaga napahiya ako. Kinuha ko na ang bag ko at inayos. Dadaan na muna siguro ako ng restroom. Isang bote lang ang nainom ko pero nahihilo na ako. Kailangan ko atang maghilamos man lang.

"Lonely?" napalingon ako sa nagsalita. At pasimple kong binitawan ang bag ko para umayos nang upo. No, hindi ko pa gustong umalis lalo pa at umupo na siya sa harapan ko.

ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon