ENTRY NO.3

210 5 2
                                    


TITLE: Aking Hiling
Sub-Genre: Fantasy
Written by: Fujiwara Hanazona (Fujie Matabang)

Lahat ng tao may pinaniniwalaan, tulad ko... Naniniwala ako na kapag nakakita ka ng bituin na pinakamaningning sa lahat ng bituin na nasa kalangitan ay maaari kang humiling.

Katulad ngayon, Nagkataon na nakakita ako ng isang pinakamakinang na bituin sa kangitan, tila kayang abutin ng aking mga kamay. Agad kong ipinikit ang aking mga mata at nakangiting umusal ako sa aking isipan ng aking natatanging hiling.

"Aasa ka na naman dyan. Hindi matutupad yan." Pero may iba din namang walang pinaniniwalaan, tulad nitong ugok na 'to.

Natanggal ang ngiti ko at tiningnan ang lalaking papalapit sa akin. "Ang epal mo talaga!" Singhal ko sa kanya. Basag trip 'to! Nagkibit-balikat lamang sya sabay tumabi sa akin sa pag-upo. Nandito kami sa Rooftop ng bahay namin. "Totoo naman kasi Aliyah. Di naman totoo yan. San mo ba kasi nalaman yang kalokohan na yan?" Kunot-noong tanong ng ugok kong best friend. Sya si Bry. Matagal na kaming magkaibigan, Since nasa tiyan pa kami ng mga nanay namin. Yung parents ko at parents nya ay sobrang magkalapit kaya siguro nagkaganun, pati kami magkalapit na rin. Di na nga kami mapaghiwalay dati eh. Pero nung medyo nagbinata't dalaga na kami parang medyo nagkailangan na. Pero nagkakasama pa rin naman kami kahit minsan.

"Wala kang paki." Sabi ko sabay irap

"Taray mo ah. Ano ba kasi yung winish mo? Sabihin mo na lang sakin. Ako na lang tutupad." Napatingin ako sa kanya. Sabay tawa.

"Di mo naman kaya eh." Malamlam na bigkas ko sabay tingin ko sa itaas, sa kangitan, sa pinakamaking na bituin, sa kung saan ako humiling.

"Kaya ko yan! Hindi mo naman kasi sinasabi. Ano ba yun ha? IPhone? Sapatos? Bagong labas na libro ni Angelica Ivy Parales? Sabihin mo sakin. Ako tutupad."

"Sabi na eh." Napatingin sya sakin.

"Bakit?" Nagtatakang tanong nya.

"Wala. Inaantok na ako. Sige, tulog na ako. Goodnight Bry." Tuloy-tuloy na bumaba ako. Ni hindi ko sya tinapunan ng tingin. Tuloy lang papuntang kwarto. Iniwan ko sya doong nakatanga.

Sinarado ko na ang pinto ng aking kwarto saka lumapit sa Study Table ko. Kinuha ko ang libro ko na 'Tanging Hiling' na isinulat ng paborito kong author na si Angelica Ivy Parales. Regalo lang nya 'to sa akin noong nakaraang birthday ko. Ito ang pinakanagustuhan at pinakapaborito kong regalo na naibigay nya sa akin. Sa lahat ng ibinigay ni Bry sa akin, itong libro ang pinakamahalaga sa akin.

Limited edition lang kasi ang librong ito. Nagkataon naman na naubusan ako ng stock kaya di ako nakabili noon kaya iniyakan ko ng inyakan yan. Sobrang panlulumo at pagluluksa ko ng di ako nakabili ng libro na 'to. Nakakainis! Pero dahil kay Bry, ito, hawak ko ngayon. Nasa kamay ko na ang librong iniyakan ko noon. Nakakatuwa!

Binuklat ko ang libro.

Tanging Hiling
Isinulat ni Angelica Ivy Parales

Sabi nila, kapag humiling ka daw sa pinakamatingkad at pinakamaningning na bituin sa kalangitan ay magkakatotoo ito.

Napangiti ako.

"Aah. Dyan mo pala nalaman 'yung kabaliwan na yun huh."

"What the--?!" Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko dahil sa ugok na bigla na lang lumitaw sa tabi ko. Kanina pa ba sya nandyan?! Paano sya nakapasok? Bakit di ko napansin? Masyado ko atang naituon ang atensyon ko sa librong hawak ko.

ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon