ENTRY NO.60

58 5 4
                                    

Title: The Inevitable
Genre: Romance/Spiritual
Author: SharLine_Szan  


Unti unti kong binuksan ang mga mata ko. Pakiramdam ko, nakatulog ako ng napakatagal na panahon. Muli kong naipikit ang mata ko nang tumama ang sinag ng araw sa kinahihigaan ko. My mind, at the instant, was blank. But I found it a relaxing way to wake up- having no idea where I was, why I was there or what time it was.

Muli kong iminulat ang mga mata ko, pero sa pagkakataong ito, may ngiti na sa mga labi ko. Nag-unat ako at tumayo. Inilibot ang paningin sa paligid kung saan naroon ako. Then in a second, I realized I was on my apartment and I had a nightmare last night. Nawala ang ngiti sa mga labi ko ng maalala ang masamang panaginip kong iyon. A strange dream- a dream that was clear as reality, seeming to be more like a memory. Naupo ako sa kama at inalala ang panaginip kong iyon...

Sa panaginip ko, kararating ko lang sa bahay galing sa school para mag bakasyon, it was our semestral break. Nasa kusina kami. At sa tingin ko, katatapos lang naming maghapunan. Ang kapatid kong si Janise na apat na taong gulang lamang ay nakaupo sa binti ko. Siya ang pinakabata at ako naman ang pinakamatanda.

Si Janise ang batang version ko. Ang mabilog kong mata at mala abong kulay nito ay katulad din ng sakanya. Hindi ko alam kung paano, pero ang mala abong kulay ng aming mga mata ay nasa linya ng pamilya ng aking ina. It was practically an asset. After all, hindi ko na kailangan pang magsuot ng contact lens. Magkatulad din kami ng ilong, straight and angular. Nakuha naman namin ito sa aming ama. Ang aming labi lang ang tanging magkaiba. Nakuha ko ang akin sa aming ina, manipis na mamula mula. Habang siya naman ay sa aming ama, more pronounced but lovely.

Sa edad niyang ito, katulad ko rin siya dati, medyo may katabaan. Noong nasa elementarya pa lamang ako, madalas akong tuksuhin ng mga kaklase ko ng, "Chubby Shar". Pero noong naghigh school na ako, I started to lose a huge weight. That was also the time when I gained sensational fame in our school. Sa tingin nila maganda ako, pero hindi ko naman makita ang sarili kong ganun. I was 15 when I became the prom queen. Pagkatapos noon, naging sikat ako sa mga lalaki. Hindi iyon gusto ng aking ama, and neither do I. Inisip ko na makakasagabal lang ito sa aking pag-aaral, kaya hindi ko ito pinagtuunan pa ng pansin. Hindi ako nagtop sa klase gaya ng gusto ng aking ama, but I graduated with honors. "Papa..." Mahinang sambit ko nang maalala ko siya. Strikto si papa sa lahat, mula sa pananalita, pananamit, pagkilos at maging sa paguugali. Pero kahit ganon siya, alam kong para rin saakin yun, he's such a good father to us.

Bumalik ang pagiisip ko sa panaginip ko. Nagkaroon kami ng pagtatalo ni papa pagkalipas ng ilang oras pagkatapos naming maghapunan. Nagsasagutan kami ni papa habang wala sa sariling nakaupo si mama sa harap namin. She was dreamily biting her finger, that sight of her makes me weak. Seeing your mother, witnessing her pain for four years from now makes me want to get that illness out of her and just transfer it to me. Sobrang payat na ni mama dahil sa sakit niyang alzheimer. Sobrang nasasaktan ang buong pamilyang makita siya sa ganitong kalagayan. At ngayon naman si papa.

Si papa na gusto na kaming iwan at sumama sa kabit niya. He was blabbing about her physical and emotional needs, and his limitation as a man. Bago ko pa masigawan si papa, tumakbo na agad si Janise sa kuya niyang si Eros na nasa sala, na masayang nagbubukas ng mga binili ko para sa kanila. Hindi nila alam ang plano ni papa na pag-iwan samin, at ayokong malaman nila dahil masyado pa silang bata para sa sakit na maaaring idulot ng mga nangyayari saamin.

Hinayaan kong tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, mga luhang ayokong makita nila. Kailangan kong maging malakas para sa mga kapatid ko at para na rin kay mama. Pero sobrang sakit na, sobrang hirap na.

ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon