TITLE: ASYMPTOTE BOYFRIEND
Sub-Genre: tragic
Author: NINYATRTEL
______PRESENT: 2016______
"Asymptote : a straight line associated with a curve such that as a point moves along an infinite branch of the curve the distance from the point to the line approaches zero and the slope of the curve at the point approaches the slope of the line
Basta we're so near yet so far yan, yung akala mo kayo na talaga yun pala muntik lang. Yung ayan na oh, forever na kayo tas biglang nganga nag break." Pag e-explain ko kay Niki, pinsan ko nga pala.
"Beh yung totoo? Hugot na hugot ka ah. Ano bang pinanghuhugutan mo?" Pag tatanong niya habang abalang-abala siya mag sagot ng kanyang homework sa analytical geometry.
"Okay, ganito kasi yun. Nag simula yun nung Christmas break nung 2014."
______FLASHBACK:2015______
Christmas break ngayon at ang ginagawa ko lang ay mag scroll sa twitter, IG and facebook bored na bored na ko ng may biglang may nag text sakin.
UNKNOWN NUMBER
Good morning Ms. Ivy Seneca. -Kent
Sino ba to? Psh. Epal niya.
Walang GOOD sa morning ko lalo na nung nag text ka.
Bakit ang init ng ulo mo? Ang aga aga eh.
Kasi nga nag text ka. Ano bang kailangan mo ha?
Haha! Ang sungit mo naman. Makikipag kaibigan lang eh.
Pano hindi iinit ulo ko eh bored na bored na ko. Christmas break ngayon at wala akong ka-squad goals, kaingayan sa twitter, ka selfie selfie sa IG. Oh diba ang saya ng araw ko.
Kalma ka lang, malay mo ako na pala ang mag kukulay sa buhay mo na puno ng kainitan ng ulo. 😅😛
Sapakin kita eh! ASA! 🏼🏼🏼🏼
Wag po *insert gay tone*
Suntukan nalang! 🏼🏼🏼🏼 Bakla ka pala eh.😾
Kitams, bakla na nga jeje pa. Kelan pa nag karoon ng *insert actions here* sa text? Weird mo po.
Sige, suntukan tayo gamit lips
Hindi pang bakla to, para cool lang. Parang video chat lang haha.
Ano ba naman to, galawang breezy. Major turn off siya promise! Pero yung format ng text niya ay parang mga pang wattpad, yung totoo? Para kaming napunta sa mundo ng wattpad.
Eewww~ bakla ka talaga. Wag ka na mang iistorbo ulit ha? Get lost breezy boy. 🏼🏼
Sigh, akala ko naman tropa ko na nangtritrip yun pala breezy boy. Sayang, naman akala ko may makakausap na ko yun pala puro pag scroll lang ang magagawa ko.
UNKNOWN NUMBER
Hi sungit Ivy.
Kailangan mo?
Wala naman. Pumayag ka na kasing maging friends tayo.
Mabait naman ako eh, hindi ako nanganaggat.
Pwes, ako nangangaggat kaya layu-layuan mo nga ako at ako'y naaaibadbaran sayo.
Pag katapos nun hindi na siya uli nag text. Grabe naman, napaka-masunurin naman niya.
Pang isang Linggo na ang nakalipas ng may mang trip sakin, at hanggang ngayon hindi na uli siya nag text kaya balik sa pag scroscroll ng newsfeed sa fb. Pag scroll ko may nakakuha ng pansin ko, isang video ng isang lalaki na about sa crush.
*sabi sa video: Nung nakita si crush, OH MG GOD SI CRUSH NANAKIT KO.Nung nakita si ex, LECHE! WALANG FOREVER.*
After ko mapanuod yung video niya biglang nag automatic yung kamay ko na hanapin yung account nung lalaki na yun. And nakakatuwa kasi nakita ko agad. KENT YAMAMOTO ang kanyang pangalan, omo~ bakit ang gwapo niya? Chubby siya tas yung dimples niya makapunit ngiti sa sobrang cute. Kaso hindi ko siya inadd, syempre babae ako at pabebe ako kaya hanggang stalk lang muna ako haha. Mukang hindi na magiging boring ang remaining days ng break ko this Christmas.
______PRESENT:2016______
"Grabe, patingin nga ako nung Kent na yan. Mukang gwapo nga talaga kasi iniisip mo palang itsura niya kinikilig ka na." Sabi ni Niki.
"Naku! Girl, sobrang cute niya tas obvious naman diba, may lahi siyang Japanese. Ermeghed. Pero wag ka munang umepal kasi hindi pa diyan mag sisimula ang kagandahan ng Christmas break ko." Pag explain ko at nag patuloy na ko sa kwneto ko.
______FLASHBACK:2015_____
Chinat ko yung mga tropa ko kung sila ba yung nang tritrip sakin at nag pakialamg Kent the breezy boy. Kaso hindi daw sila yun kasi yung isa kong tropa taga probinsya at mahina signal sakanila, yung isa naman nasa ibang bansa at yung isa naman tamad mag load. Tinanong ko sila kung may pinag bigyan sila ng number ko at hulaan mo kung anong sagot ng mga bruha "wala, wag kang umasa kasi for sure kung may nakakuha man ng number mo tiyak namin na manloloko yun at higit sa lahat breezy boy yun." Napaka loving nilang tatlo diba? So dahil dito sa curiosity ko tinext ko si kent breezy boy.
(Convo setting: Blue-GUY, black-POV, and Red-girl)
Hoy breezy boy, anong whole name mo?
Kent Yamamoto, bakit? Ikaw ah, iniistalk mo ko no?
Kapal naman ng muka mo. Napaka breezy mo na, ang feeler mo pa.
Ayan nanaman yang kainitan ng ulo mo eh no. Ako nga pala si Kent Yamamoto, japinoy ako, 19 years old na ko at napaka friendly ko.
Ahhh. Kaya pala, oo nga halata nga sa mga videos na pinopost niya. Crush ko pa naman siya kaso ang breezy niya. Sayang haha. Sorry not sorry sa aking kalandian haha.
Ah. Saan mo ko nakilala? Or saan mo nakuha number ko?
Actually, maniwala ka man o hindi, yung apat na numero ng number ko ay pinalitan ko ng apat na favorite number ko at ayun nag reply ka. At kung tatanongin mo pano ko nalaman yung pangalan mo, crush kasi kita kaya everytime na nang huhula ako ng number yun at yun lang din yung tinetext ko, malay mo mabingo ako at tama na number mo. Ngayon na siguro ang bingo na sinasabi ko.
Hindi ko alam kung maniniwala ako diyan sa mga pinag sasabi mo eh. Wag me, 'di mo ko mauuto.
Mukang harmless naman siya, wala naman sigurong masama kung mag karoon ako ng kaibigan through text diba? Baka sadyang makapal ang muka niya na mahiyaing makipag kaibigan.
Totoo naman kasi eh. Sabi ko pag nag karoon ako ng pag kakataon na makilala ka, hindi kita bibiruin ng mga akala mo totoong mga bagay kasi ayaw ko na masaktan ka at mag mukang tanga at ayaw ko masira tiwala mo sakin kahit na sa maliliit na bagay.
Eh bakit ang cheesy mo? Yung totoo, kakakilala lang ganyan agad? Boy tantanan mo na nga yang pag ka breezy mo, matutulog na ko. Night breezy boy.
Pag ka text ko nun sinave ko na yung number niya as breezy boy. Nakakatawa kasi yung storya niya kung pano niya nakuha number ko, halatang breezy boy eh. Hindi naman ako sikat tulad ng mga magaganda, varsity lang ako ng swimming sa school namin at ang swimming ay hindi naman ganung kapansin pansin tulad ng volleyball at basketball.
______PRESENT:2016_____
"Ikaw ah, pati ba naman sa text lumalandi haha." Sabi ni Niki sabay palo sa braso ko. Kita mo nga naman, nag kwekwento lang ako masasaktan pa ko.
"Eh grabe ka din makapanakit eh no? Sa boyfriend mo ibuntong yang ka sadistahan mo, wag sakin. Mag papakwento ka tas pag nag kwento ako mananakita ka." Sagot ko sakanya habang iniiraoan ko siya at hinihimas yung braso ko na kung saan niya ko hinampas.
"Dami mo pang sinasabi, ituloy mo nalang 'yang kwento mo. Ermeghed! Haba ng hair mo teh, gwafu pa naman ni fafa Kent." Utos niya habang yakap-yakap niya ang kanyang unan na waring kinikilig ng sobra.
______FLASHBACK:2015______
5 NEW MESSAGE FROM BREEZY BOY
Good morning Ivy.
Gising na, mamumulok na yang mata mo sa kakatulog.
Nakapag luto at nakapag breakfast na ko pero tulog ka padin wag ka mag alala crush padin kita kahit antukin ka pala
Antukin, gising na. Sasakit ulo mo sa sobrang tulog.
Ang manhid mo naman, naka silent ba yang phone mo? kahit gaano ka pa kamanhid hindi ako mapapagod ipakita tong like feeling ko na to. Text ka nalang pag gising mo.
Pag gising ko yang ang unang limang bumungad sa inbox ko. Grabe, after 1 year of being single ngayon ko nalang uli nadama tomg feeling na to. Yung may mag tyiatyiagang manggising sayo kahit na manhid ako. Sorry na, tulog mantika ako eh 😅 maloko nga to haha.
Sinira mo nanaman yung umaga ko. Inaantok pa ko eh, ikaw pala tong text ng text kaya tunog ng tunog yung phone ko. Padami na ng padami kasalanan mo sakin ah
Hala, sorry princess. Sige, once nalang ako mag tetext every morning para hindi na kita magigising.
Princess mo muka mo! Pero... Hahaha! Joke lang, actually kagigising ko lang at naka silent yung phone ko kaya wala kang sinira. Joke time sa umaga haha.
Malakas ka din palang mang trip. Haha mag almusal ka na diyan. Mag hilamos ka na din, baka may tulo laway ka pa. Tulog mantika ka pa naman
🏼🏼🏼 bully mo! Kaya ko sarili ko. Byers, kakain lang ako.
Eatwell princess, text me after you eat your breakfast.
Woaaahh! Hahaha! Ang clingy niya na sweet kaso asih, eto nanMan yung sakit ko na madaling ma fall at maniwala sa mga pang bobola. Kaya ako laging na loloko eh
After ko kumain tinext ko na siya. Ewan ko kung bakit ko siya sinusunod basta natutuwa ako everytime na katext ko siya kasi hindi na ko na bobored tas matutuwa pa ko sa ka breezy-han niya haha.
Breezy boy, tapos na ko kumain. Ano nang 'atin?
Mag tetext ako ng mga favorites ko then ang irereply mo ay yung favorites mo. Hamilbawa i text ko red the irereply ko ay yung favorite color mo. Ganun, ano G ka ba?
Game! Ikaw lagi simula tutal gentleman ka naman eh
Blue
Violet
Adventure
Adventure and sweet hang outs
Wag ka mag alala, sweet akong tao.
Roses and chocolates or dates?
Uhmm.. Both haha. How 'bout you? Chocolates or roses? hahaha! LOL!
Pang babae lang yun eh *pinch your nose*
Ayan ka nanaman sa ka wattpad format of text. Pero cool ah, bihira lang yung lalaki na nag wawattpad. Writer ka ba or reader lang sa wattpad?
Reader lang. And sanay kasi ako sa ganitong format na para kahit malayo ako sayo nadadama mo padin haha! Boom! Panes ka nanaman.
Dami mong alam, kabaklaan mo nanaman umiiral.
Hanggang sa abutin na kami ng gabi sa kakatext. Halos nalaman ko na nga ang lahat ng tungkol sakanya eh.
Feb 29 siya pinanganak.
Ayaw niya sa red kasi masakit daw sa mata.
Mahilig din siya sa almonds and macadamia like me.
Magaling siya mag dance, kumanta, mag play ng guitar tas onting piano tapos, mag drawing, at mag luto. Grabe siya no? Edi natalo na niya si Daniel kasi nasakanya na ang lahat. Tas lumaki siyang mag isa dito sa Pinas kasi nasa Japan family niya kasi tinakwil siya kasi hindi sila pareho ng blood type ng tatay niyang hapon. Yung mommy niya JaPinay kaya dominant padin ang Japanese blood niya. Tapos yung FB niya hinacked ng ex bff niya na bakla pala at patay na patay sakanya. Grabe no, ang gwapo niya siguro talaga kasi pati bakla naakit eh hahah. Basta marami pang iba hahah.
______PRESENT:2016______
"Ay grabe, hindi ba parang ang bilis?" Pag tataka ni Niki. "Kakakilala niyo palang eh tas parang click na click na agad kayo sa isa't isa." Pag tuloy niya sakanyang pag sasalita.
"Eh wag kang epal! Love story mo ba to? Ikaw ba yung bida? Diba hindi naman kaya manahimik ka na or gusto mo ako na yung manahimik?" Sabi ko ng akmang aalis.
"Pabebe ka talaga kahit kelan eh no? Ituloy mo na. Mananahimik na ko, promise. Naging kayo ba? Niligawan ka ba?" Pangungulit niya sakin. At tinuloy ka na yung kwento ko, daldal niya kasi eh. Kung kelan ayan na eh haha.
______FLASHBACK:2016JAN______
(After Christmas na kasi)
Lumipas na yung Christmas break, new year at malapit na dumating ang araw ng mga puso. Well, kung tatanungin niyo kung kamusta kami ni breezy boy ayun nanliligaw siya sakin sa text. Sakin naman kasi okay lang naman mag karoon ng bf sa text, at makakasigurado na walang mangyayari sainyo hahah.
BABE
Babe malapit na mag feb 14
Anong gagawin ko? Hahah! Chillax ka lang, meron pa namang feb 14 next year
Balak ko this feb 14 ko siya sasagutin para bongga oh diba! Haha taray ko diba haha.
Sigh~ sagutin mo na ko asap.
Bakit ba kasi atat na atat ka?! Kung nag mamadali ka edi humanap ka ng iba para tapos!
Sorry babe *backhug* pinapapunta kasi ako ni mommy dun kasi may sakit siya at busy si kenji (yung kambal niya) at si tanda (daddy niya na tinakwil siya).
Ahh.. Kaya naman pala atat na atat. Edi umalis ka na, gusto mo hatid pa kita eh.
Bakit ba ko naiinis? Naiinis ako kasi pag katapos niya kong hatakin papalapit sakanya tas bigla niya kong iiwan? Grabe naman itu.
Wag kang paranoid babe, uuwi naman ako eh. At sa pag uwi ko liligawan na kita *kiss your forehead* kung hindi talaga kita mapapasagot nagyon. At kung sagutin mo man ako ngayon araw-araw padin kitang liligawan
Hindi ko siya pinansin kasi naiinis padin ako.
Wag ka na mag tampo, may line account naman ako eh. Chat chat nalang dun.
Lagi naman kitang ichachat eh.
Oo na kelan ka babalik?
Wala naman akong magagawa at mommy niya yun. Ang sama ko naman kung hindi ko siya papaalisin.
Uhm.. Baka matagalan ako lalo na't hindi ko pa sure kalagayan ni mommy. Pero pag galing ni mommy uuwi na ko.
Nakakainis siya. Hindi ko pa nga siya nakikita at nakakasama aalis na agad siya. Kung hindi nga naman nananadya ang tadahana diba.
______PRESENT:2016SEPT______
"Ayun na tapos na." Pag putol ko sa pag kwekwento ko.
"Ang epal mo Ivy, ang kuripot mo mag kwento. Ituloy mo na, naalala ko na siya. Yan yung guy na nag tagal kayo ng one year diba? Tama ba ko?" Panlalaking mata niya sakin.
"Oo na, manahimik ka na. Spoiler ka po." Hampas ko sakanya.
______FLASHBACK:2016FEB_____
Nag punta siya ng Japan at hindi din ako nakatiis at sinagot ko siya nung feb 19 eh wala eh mapilit saka you know KAPAG TUMIBOK ANG PUSO~ WALA KA NG MAGAGAWA KUNDI SUNDIN ITO OHHH~ hahaha, sorna inlababo ako ngayon eh haha. Eto ngayon pang 6th month na namin grabe parang nung kelan lang naiinis lang ako sakanya tas eto ngayon bumigay ang bruhang lola niyo hahaha. Nakwento ko na din sa dalawang bff ko na si Aliyah Clarete at Yvonne Min at ang reaksyon nila ay iisa.
Kung mahal ka talaga niyan bakit hindi siya makapag pakita sayo at kahit video chat lang?
Kasi sira cam and mic ng phone niya.
WOW! Naniniwala ka dun?
Oo?
Hindi mo ba napapansin na puro siya reason sayo at parang may tinatago parin siya sayo? Hindi ka ba napapaisip na bakit sa videos niya makakapag salita siya, nakakasigaw at nakakakanta ng maayos pero bakit sayo wala?
Mga old videos na daw yun eh, nirereupload lang nung bakla niya ex bff na patay na patay sakanya para siraan siya.
Kung nakakapag mura lang ako Ivy, namura na kita. Bakit ka ba nag papakatang diyan sa lalaki na yan? Ikaw ba, hindi ka ba nag dududa?!
Nag dududa. Bigyan ma,an natin siya ng chance pag kauwi niya.
Sige ganito, kakausapin ko yung KENT YAMAMOTO na yan sa fb. At sabihin ko makikipag kita ako sakanya kasi fan niya ko at pag napatunayan namin na hindi totoo yang lalaking ka text mo sana naman tumigil ka na. IKAW LANG DIN NAMAN ANG MASASAKTAN.
Nakakainis, bakit ganun? Oo gsuto ko siya oo napamahal na ko pero bakit padin ako may doubt feeling? Oo umabot kami ng 6 months ng walang video chat, calls and physical contact. Eh ano naman? Sigh~ pero nakakainggit yung iba na sobrang normal lang nung lovelife nila. Kaya naman kasi ako nag iintay kasi... Gusto ko masubukan na maging normal yung love story namin pero sige pag nalaman ko na totoo nga sila Aliyah and Yvonne titigil na ko kahit masakit.
______PRESENT:2016SEPT______
"Grabe, galit n galit si Yvonne and Aliyah. Kasi naman totoo nga naman sila na kung mahal ka niya bakit hindi niya magawa ang mga bagay na ginagawa ng nag mamahal. Bakit hindi siya mag sakripisyo para sayo, para sa ikakatatag naman yun ng relasyon niyo." Medyo naiinis na tanong ni Niki, kahit ako noon medyo naiinis na din kasi feeling ko nag lolokohan nalang kami ng marealize ko na nag tagal nga kami ng walang physical contact, video chat and calls.
"Eh wala eh, umaasa ako na magiging maayos kami. Na magiging normal yung lovelife namin." Sagot ko sakanya
"Eh nakita miyo na ba yug totoong Kent? Napakiusapan ba nila Yvonne and Aliyah?" Nag rarap niyang tanong saakin.
"Kalma ka lang, eto na tutuloy ko na." Sagot ko.
______FLASHBACK:2016Aug______
*Aliyah's POV*
Buti nalang at about media ang course ko at madali lang kaming mag click ni Kent. Chinat ko siya sa FB.
ALIYAH CLARETE
Hi, I'm your fan. Ang gaganda ng videos mo eh, saan ka nag eedit?
KENT YOROSHIMA
Adobe lang gamit ko. Wow, thank you haha.
Pinaligoy ligoy ko muna siya at ng medyo close close na kami nag favor na na ko sakanya na kung pwede ba kaming mag meet kasi malapit na birthday ko.
Kent, malapit na kasi birthday ko. Pwede ba na mag meet tas sabihan mo na din ako ng mga tips sa pag eedit. You know, we're same na into media.
Grabe nahahawa na ko sa ka breezy-han nung katext na. "KENT" ni Ivy.
Oh sure, pero titignan ko pa sa schedule ko at sa allowance ko haha.
Next week kaya ng Wednesday? Mga 5pm sa Eastwood? After class ko.
Movie? My treat.
Yeah, sure. Hahaha, may pera naman ako haha.
Sige, tetext nalang kita ng Wednesday morning next week.
At last, napapayag ko din. Ang hula ko is yung friend na guy ni Ivy yun eh, yung Bry yung name na jej pumorma at badboy effect. Tinry kasi ni Bry na ligawan si Ivy kaso ayun choosy si Ivy kaya hindi niya pinayagan at pag tropa tropa lang daw kaya ayun, siya ang hula ko.
ALIYAH CLARETE
Girl, okay na. Ano ng plano natin? Pumayag na si Kent ng Wednesday next week ng mga 5pm sa Eastwood.
YVONNE MIN
Hindi ako makakasama, pero sige kayo nalang.
Uhmmm.. Sabay na kayo pumunta ni Ivy tas wag mo nalang sabihin na may kasama ka kasi baka biglang umayaw pa.
Sige sige. Sabihan ko na si Ivy.
*IVY's POV*
Sinabihan na ko ni Aliyah na mag kikita daw kami nung Kent na totoo sa Eastwood. Kinakabahan ako kahit na kasama ko si Aliyah, natatakot ako sa mga pwede kong malaman. Natatakot ako na baka tama ang hinala ni Aliyah and Yvonne na poser yung kausap ko. Kaso kung papairalin ko yung takot pano ko malalaman yung totoo. Sigh~ hindi nakasama si Yvonne kasi wala yung driver niya kaya hindi pinayagan. Yayamanin kasi ang bruha kaya ganun.
Nandito kami ngayon sa Zark's habang iniintay siya nag prapractice na kami kung pano sasabihin, pano aalamin ang totoo. Grabe nanlalamig kamay ko.
"Girl, ayan na siya." Biglang tayo si Aliyah at binati si Kent.
"oh, may kasama ka pala." Sabi niya sabay upo nila saharap ko. My gosh, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko."uhm. Yah, friend ko. Kent, Ivy. Ivy, kent." Pag papakilala ni Aliyah samin sabay shakehands namin ni Kent. Kahit na kilalang kilala ko siya kasi updated ako sa profile niya sa fb.
Tinry namin na mag get to know each other habang nasa Zark's kami pero masyado ng maingay kaya sa Starbucks kami pumunta at nag laro ng one truth two lie.
Nag sabi kami ng tatlong statements about samin at huhulaan namin kung alin ang truth dun. Si Aliyahang nauna ang truth niya is yung 'HINDI SIYA FAN NI KENT'. Ang sumunod ay si KENT, ang truth niya ay '6 yrs old palang siya' kasi nga Feb 29 ang birthday niya kaya ayun eh may leap year. And last but not the least ako na which is pang finale. Sobrang kinakabahan ako dahil ang truth ko ay yung 'NAG KA BOYFRIEND AKO NG POSER NIYA'. Nung nakita ko yung reaksyon niya sobra siyang nainis sa poser niya at ako din para akong nadurog sa nalaman ko. At ang masaklap pa dun huling huli na siya ayaw pa umamin. Natapos ang gabi ko na pilit akong kino-comfort ni Kent. Mixed emotions ako ngayon kasi masaya ako na nalaman ko na ang totoo at nagagalit ako dun sa nang poser at natutuwa uli ako kasi sabi ni Kent kalimutan ko na yung poser at siya na ang maging kaibigan ko at kuya ko.
Dumaan ang araw, Linggo at buawan na iniisip ko padin kung sino yung lalaking yun. Simula nung nag kaalaman na hindi na nag paramdam sakin yung poser.
______PRESENT:2016______
"Yun na yung ending ng love story niyo?! Nasan yang lalaki na yan! Ilabas mo! Ng maibitin ng nakapatiwarik." Sigaw ni Niki na galit na galit.
"Kumalma ka nga, wala namang maitutulong yan at ultimo ako hindi ko padin siya nakikita. Eto 1 bwan palang ang nakalipas ng mangyari ang mga kinwento ko." Sagot ko saknya ng napapaisip nanaman ako kung sino ba talaga siya."ay ganun? Peram ako ng phone mo ah." Pag paalam niya at humilata nalang ako habang sinasagutan din yung HW ko sa math.
Hanggang ngayon isa pading misteryo kung sino ang lalaking iyon. Kelan ko ba siya makikilala?
Hanggang kelan akong mag hihintay na ipag lalaban niya ko? Hanggang kelan ako aasa na mahal niya nga talaga ako at haharapin na niya ko? Hanggang kelan ko iisipin na minahal niya ba talaga ako or pinag tripan niya lang ako.
Lumipas ang tatlong bwuan ng may isang kahon na qaring lalagyan ng mga libro an dumating sa bahay naming, pag bukas ko ng kahon may nakita akong picture ng isang lalaki na nasa kabaong at may nakadikit ditong mahabang papel.
Dear Ivy,
Hi baby kamusta ka? Kumakain kaba? May bimpo at tubig kaba lagi? Ung promise mo sakin tutupadin mo yun ha? Ung bataan wag isusuko. Babe mag aral kang mabuti. Abutin mo lahat ng dreams mo at be succresdful i know you can. Sorry. Sorry kase ako yung reason ng luha mo sorry kase ako ung nagpapaiyak sayo sorry kase lagi kitang pinapahirapn. Baby ingat lagi ha?
Ikaw ata karm ko sa pagpapaiyak ko noon eh. Salamat. Salamat sa pagtatyaga mo, sa paniniwala mo, sa pagtitiwla at pagmamahal mo. Babaunin ko yan san man ako mapunta. Lagi kitang babntayan, mamahalin malayo man o malapit ko.Hi. Sorry. Sorry for all the times i broke your heart. At first sabi ko i'll never make you cry with sadness. Sorry kase hindi ko na nagawa yun. I can't imagine my life without you... without my lovely future wife... my understanding and so caring girlfriend. But i want you to be happy and you deserve to. Sorry for being hard headed stubborn stupid man . You deserve morethan this. Babe... iloveyou and you know that . I respect your decisions. Mamimiss kita . Mamimiss ko yung feeling na hndi ako mapakali na kala ko pusang di mataeng mapapaanak pag gabi na wala ka pa sa bahay. Mamimiss ko yung pagseselos ko whenever sinusundo at hinahatid ka ng ibang guy. Mamimiss ko ung unexplanable feeling pag nilalambing mo'ko. Sorry kung most of the time sinusungitan pa kita instead na matuwa. Nahihiya kase 'kong aminin na kinikilig ako. I never experienced that. At sayo lang. Sorry, for all the tears that fell from your eye. Sorry for hurting you so bad that you end up sleeping crying. I know you do. I know... im just too stupid and short tempered to do something to make a move. Sorry for making you fell worthless. I didnt mean that babe. But above all, i really felt guilt lonely and sad. Sorry for being the worthless and stupid guy you ever met. Always bring your smiles. Iloveyou.
Una sa lahat sorry kasi hindi ako nag pakilala kung sino talaga ako. Ako nga pala si Mark Sants, ang mga sinabi ko naman ay totoo ang muka lang ang ginamit ko sa Kent nay un at pangalan. Pero lahat ng sinasabi ko sayo totoo. Oo nung una aaminin ko na trip lang kita pero wala eh nahulog ako. Madalas kitang sinasabayan sa pag uwi mo kaso hindi mo ko nakikilala kasi nga kay Kent na muka ang binigay ko sayo. Nakakasabay pa nga kita sa jeep eh, at as usuall lagi kang tulog. Isang beses pa nga tumulo yung laway mo eh haha, hindi ko yun makakalimutan.
Mahal na mahal kita, kung pumanaw na ako ngayon gusto kong malaman mo n nagging totoo ako sayo. Mahal na mahal kita, maging Masaya ka ah? Wag mong hahayaan na papaiyakin ka nga mga lalaki. Mumultuhin ko sila pag nag kataon haha. Ayan nga pala yung mga letters and pictures na hinihinggi mo. Tas may maliit na teddy bear diyan, ako nag tahi niyan para sayo. Meron din diya'ng omnia rose, sana magustuhan mo, meron din diya'ng pastillas rose, uminom ka ng madaming water p[ag katapos mong kainin yan ha? Tas may darating din diyan na 5ft teddy bear, ako din nag tahi nun. Sinimulan kong tahiin yung nung nalaman ko sa sarili ko na mahal nap ala kita. Alagaan mo yung dalawang baby na bigay ko sayo ah? Sayonara babe. Ashitemasu~ babantayan kita lagi.
-Mark Satos
Your asymptote boyfriend
Grabe siya! Nakakainis siya! Bakit iniwan na niya ko! Hidni ko man lang siya nakasama! Wala na kong magawa kun'di umiyak kasama ang malaking teddy bear na bigay niya mag ngangalang mark.
Hindi talaga hinayaan ng tadhana na mag cross alng landas naming dalawa.
Lumipas ang dalawang taon muli kong binalikan ang mga alala niya saakin ng biglang tumawag si aliyah na isa ng news caster ng CNN Philippines "Girl nasan ka? Meet me at Amoyamie ASAP!" sabi ni Aliyah ng sobrang saya na ewan. Siguro may bago nanaman siyang na-achieve kaya mag papakain sa fav niyang restau.
Pag dating ko nakita ko agad sila at may kasama silang unfamiliar guy then nung papalapit na 'ko sakanila sinalubong ako nung guy sabay yakap sakin ng mahigpit at sinabing "Im so happy at nakita na kita. Hindi na kita papakawalan at pahihirapan. Mahal na mahal padin kita, walang nag bago sa pag mamahal ko sayo. I love you babe, ako na 'to ang asymptote mong ex boyfriend pero hindi na ngayon."
BINABASA MO ANG
ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig)
RomanceCompilation of entries in Wattpad Lovers Page, ONE SHOT WRITING CONTEST (Featuring: Feb-ibig).