Introduction

15 2 0
                                    



"Anak.. may regalo ako para sa'yo.."


"Yehey! Ano po yun papa?"

"Eto oh.."

"Papa, anu po ito?"

"Orasan yan anak.."

"Di ba papa may relo na po kayong binigay sakin kanina? Para san po 'to?"

"Espesyal yan anak. Nakaukit dyan yung pangalan mo oh"

"Oo nga po nu. Salamat po papa!"

"Makinig ka sakin anak at tandaan mo 'tong sasabihin ko:

sa twing nakikita mo itong regalo ko sa'yo, tandaan mo na mahal na mahal ka ni papa at palagi lang akong nasa tabi mo..

alalahanin mo yung mga tinuro ko sa'yo..

protektahan mo ang mga taong nakapaligid sa'yo lalo na ung nga taong mahal mo..

maging matapang ka, wag mong sukuan o takbuhan ang mga bagay na meron ka.. madaling maghanap ng bago pero mahirap ng ibalik ang mga bagay winala mo..

wag mong kalimutan kung sino ka at ang mga bagay na mahalaga sa'yo...

Wag mong kalimutan na tao ka at magpapakatao ka anuman ang sabihin ng iba..

mahal ka ni papa.. kaya sana mahalin mo rin ang iba para sakin, ha anak?"

"Pa Bakit po kayo naiyak? Tsaka San po kayo pupunta?"

"Ah wala lang to anak.. napuwing lang si papa mo.. balang araw maiintindihan mo rin lahat ng sinabi ko sa'yo.. magpapakabait ka ha nak?"

"Opo papa"

"I love you anak.."

"I love you din po papa.."



13th of February-- ito ang araw na nagpapaalala sakin ng mga huling sandaling nakasama ko ang tatay ko.


... ito rin ang araw na una kong nasilayan ang liwanag sa mundong ito.


...at parehong araw kung san ko natanggap ang sakit at hapdi ng pagkamuhi at galit na aking ina--- ang mga bakas at sugat ng kahapon.


Ayoko na sanang balikan ang mga masamang alaala ko noon, pero nakamarka na sa mukha ko ang humilom na sugat ng nakaraan. Maalala't maaalala ko parin ito anumang iwas ang gawin ko.


Ang tanging bagay na gusto ko lang balikan ay ang mga marka sa puso ko na iniwan ng taong unang nagmahal sakin. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga aral at turong iniwan nya.


Nawalan man ako ng pamilya ay napalitan naman ito ng mg taong hindi ko inaasahang magmamahal sa akin.

SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon