Chapter 20: Bad News

4 0 0
                                    


Scar's POV

Tsk. Gabi na pala. Bkit ba ako nakatulog dun? Nakita pa ata ni glaine na tumulo ung laway ko. Kakahiya!

"Kinji?.. kinji!!!!"

Isang sigaw ang tumawag ng atensyon ko.

Humarap ako sa likuran ko. Lumapit sakin ang isang nakabihis pang doktor.

"Naaalala mo ba ako?" Tanong nya.

Teka sya si..

"Dr. Ceballo? Kayo na po ba yan?!"

Sya ang matalik na kaibigan ni papa . Siguro mga highschool ko sya huling nakita, pero parang wala syang pinagbago!

"Oo, ganan parin ang porma mo hanggang ngayon ah!"biro nya

" anung pinunta mo dito? Nawalan ka na naman ba ng malay?"Dagdag pa nya.

Sya din kasi yung doktor ko nung nawalan ako ng malay nung nakidnap sina max.

"Ah hindi po. May dinalaw lang po akong kaibigan."

"Girlfriend mo?"

"Ah hindi po! Hindi po!" Pagtanggi ko.

"Ah ganun ba? Anong pangalan nya?"

"Glaine po.. Glaine Cortez"

Saglit syang nagulat.

"Talaga? Ako kasi yung doktor nya e.."

"Ha?talaga po?"

"Oo, katunayan nga ay papunta ako sa room nya para icheck sya."

Naisipin ko tuloy tanungin yung kalagayan ni Glaine.

"Ah dok, ano po bang sakit ni glaine?"

Biglang naging seryoso ang mukha nya.

"Di mo pa ba alam?"

"Di pa po e.." ngayon ko nga lang sya nakausap ng matagal e!

"Congenital heart disease.."

Biglang lumungkot ang expression ng mukha nya.

"Kinji, baka..."

Bigla akong kinabahan.

"Baka konting panahon mo na lang syang makasama."

**********************************************************************

Boss, okay ka lang?"

Nag aalalang tanong ni mika pagkatapos ay umupo sa upuang katabi ng inuupuan ko.

'Boss' ang tawag nila sa akin pagkatapos nung araw na iniligtas ko sila sa kamay ni Mr. Espinoza. Highschool pa yun e pero hanggang ngayon ay di pa rin ako masanay sa bansag nila sakin.

"Okay lang ako, mika." Tugon ko.

Saglit syang tumahmik. Inilapit nya ng konti ang upuan nya sa upuan ko.

"Boss, ano bang problema mo, pwede mo namang ishare sakin, baka makatulong ako kahit papaano." Nahihiyang bulong ni mika.

Naisip kong hingan sya ng payo.

"Pwede ba akong magtanong?"

"Oo naman boss, makikinig ako." Sagot nya

"Kung may taong malapit ng mawala sa'yo, anong bagay ang una mong gagawin?"

Napaisip sya. Mayamaya ay bumulong sya sakin.

"Gagawin kong memorable ang bawat saglit na makakasama ko pa sya. Gagawin ko lahat ng bagay na makakapagpasaya sa kanya. Walang oras, minuto o segundo akong sasayangin na hindi ko sya kasama. Mananatili ako sa tabi nya hanggang sa huling sandali na makakasama ko sya."

Tama si mika. Alam ko na ang dapat kong gawin.

"Pero boss, mas praktikal kung humanap ka ng paraan para hindi sya mawala sa'yo." Dagdag pa nya.

"Salamat ha mika"sabay ngiti ko sa kanya. Napakalapit lang ng mga mukha namin sa isa't isa.

Namula ang mukha nya tapos bigla syang napatayo.

"Oh anung problema mika?"

"Ah wala boss! may gagawin pa pala ako!, mauna na ako ha!" Sabay nagmamadaling umalis ng room namin.

Salamat mika. Salamat.

Siguro kung alam ko lang na mawawala si papa sakin nung huling araw na nagkasama kami, sana nasulit at nalubos ko pa ang oras na kasama ko sya.

Kinapa ko sa bulsa ng pantalon ko yu--- ay! Kaasar!..

Nakalimutan ko pa palang kunin kay glaine yung orasan ko!


SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon