Glaine's POV
Nakatulog na si scar sa pagkekwentuhan namin tungkol sa buhay nya.
Hindi awa ang nararamdaman ko sa kanya kundi paghanga, paghanga sa kung paano nya nakakayanan ang mga sitwasyong kinaharap nya.
Ipinikita nya rin sakin kanina yung mukha nya.
Kung wala lang yung mga peklat,e ang gwapo nya!
Hinahawakan ko na parang bata ang ulo ni scar.
"Glaine!" Biglang bumukas yung pinto.
"Aaa-ate nikki!"
Gulat kong pagkakasabi.
Lagi na lang tong ganito! Kainis!
"Ate naman eh. Kumatok ka naman bago ka pumasok!"
Napatingin sya kay scar. Bigla ko tuloy inalis ang kamay ko nanakahawak sa ulo ni scar. Baka kasi kung ano pang isipin ni ate nikki.
"Ayiehhh. May boyfriend na sya!" Tukso nya sakin.
"Hindi ko boyfriend si scar ha! Ah eh.. di pa nga kami masyadong close e.. di ko pa nga nakukuha yung number nya eh!.. tsaka.. tsaka di pa kami friend sa fb!" Depensa ko.
Ay! Bakit ko sinabi ang pangalan ni scar.
Uminit ang pisngi ko.
"E bat namumula ka?!" Pang aasar ko pa.
Grr. Bkit ngayon pa namula ang pisngi ko!
"E .. umh..kasi.. kasi may sakit ako ah.. oo! May sakit nga ako!" Naguguluhan kong sagot.
"Asus!"
"Chee!"inis kong sabi. Bakit ba ako kinakabahan e di ko naman talaga boyfriend si scar!
"Asan si Ron. Akala ko andito na sya?" Tanong nya na may pag aalala.
Alam na alam ko na ang mga galawan nitong si ate nikki. Alam kong matagal nya ng gusto ang kuya ko at feeling ko naman ay gusto rin naman sya ni kuya. Di ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay magbestfriend pa lang sila. Bagay na bagay pa naman sila.
Si ate nikki lang kasi ang nakakatagal sa kasungitan ng kapatid ko. Gustong gusto ko talaga sya para kay kuya.
Anyway. Di ko pa rin nakakalimutan yung pang gogood time nya sakin.
Natabunan na ata ng burger ang kuya ko.
"Nasa labas yung prince charming mo!" Masungit kong sagot.
"Ayiehh.. tampo na sya.. sorry na di ko na kayo aasarin ng boyfriend mo!" Banat ko pa.
"Hindi ko nga sya BOY-FREEEND!" Nakakasar na 'tong si ate nikki e.
Sana di naririnig ni scar lahat ng pinagsasabi nya!
*****************************************************************************
Pagkaalis ni ate nikki ay nagising na si scar, pero di kagaya ng dati, walang taklob ang bibig nya.
Haha. Tulo pa ang laway nya! Napasarap ata ang tulog!.
bigla syang nagulat ng makita nya akong tumatawa.
Bigla nyang pinunasan ang laway nya at tinakluban na naman ng panyo ang bibig nya.
Di ka naman ganun kapangit scar, wag mo ng takluban ang mukha mo!
"Ay pasenya glaine, nakatulog ako"
"Okay lang nu." Sabay ngiti ko
Binukasan nya yung phone nya.
"Glaine una na ako, pagaling ka ha." Sabay ngiti sakin.
"Salamat scar." Di ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Ng makaalis na si scar, naalala ko yung ipinunta nya dito.
Haha nakalimutan pa nyang kunin!
t