Chapter 28: Hope

4 0 0
                                    


Dr. Ceballo's POV

"Doc, Posible bang maging donor ako para sa heart transplant ni Glaine?"

Nabigla ako sa tinatanong nya.

"Naku, Kinji, kung narito ang ama mo, hindi ka nya papayagan sa plano mong iyan!"

"sagutin nyo po ang tanong ko Doc, Possible po ba?" Pangungulit nya.

Huminga ako ng malalim.

"Based sa health record mo, possible ang gusto mo, pero---"

"pero ano po?"

"Ang Donor lang na tinatanggap namin ay yung mga taong brain-dead na, o yung----"

"pero pede po?"

"ah.. eh.. oo.." nag aalinlangan kong sagot. Kinakabahan ako sa mga pinag iiisip ng batang 'to.

"dok kung sakaling maaksidente ako or may mangyari sakin na ikawawala ng buhay ko, siguraduhin nyong kay glaine mapupunta yung puso ko."

"KINJI! Ano ba yang mga pinag iiisip mo?!" nabigla ako sa sinabi nya kaya bigla akong napatayo..

"Si Dok naman oh, syempre, di naman ako magpapakamatay. Kung sakali nga lang po diba?" Pabiro nyang sagot.

"Hay naku kinji, wag mo ngang masyadong kaisipin yung kalagayan ni glaine. Gumagawa na kami ng paraan para makahanap ng donor para sa kanya, ganun din ang ginagawa ng mga magulang nya sa ibang bansa." Pampalubag loob ko sa kanya.

"Mabuti naman po pala Doc Kung ganoon." Tugon nya sabay ngumiti ng pilit.

"Kami ng bahala don, Kinji. Ang gawin mo na lang ay libangin si Glaine para di nya masyadong maramdaman at kaisipin ang sakit nya." Utos ko sa kanya.

"sige po dok, salamat po, mauna na po ako."

"sige, mag ingat ka ha."

Hay, nakahinga na rin ng maluwag. Pinakaba talaga ako ng batang yon ah!

*ring ring ring*

Tumunog ang cellphone ko.

UNKNOWN NUMBER: CALLING

"Hello? Who's this?"

"Erwin! Kamusta na!' Isang pamilyar na boses na narinig ko.

Di ako makapaniwala!

"Jo-----JOE!'

n

SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon