Chapter 8: Last Word

5 0 0
                                    



Max's POV

Pinauna na kami ni mika dahil may gagawin pa daw syang ewan. Hayy. Siguro babatiin nya si Boss ng personal katulad nung ginagawa nya dati nung highschool pa lang kami. Malaki nga ang pasasalamat ko kay boss dahil sa naidulot nya kay mika hanggang ngayon.

Kung kasama lang naming ngayon si Jun, siguro matutuwa yun sa mga pagbabagong naidulot samin ni Boss.

-------flashback-----------

"Boss hindi pwede!! Magagalit ang daddy ko pagnalaman nya yun e.."

Pagtanggi ni jun.

"Saglit lang naman tayo e, di nya yun mapapansin."

"Boss naman oh!"

"Di ba pinagmamayabang mo samin na magaling ka ng magdrive?? Bka naman niloloko mo lang kami ha, jun?!"

Napaisip ng malalim si jun.

"Si--Sige na nga boss.. pero ngayon lang ha!"

Alam kong takot si jun dahil sa grade 6 pa lang kami at wala pa syang lisensya. Pero hindi talaga sya makatanggi pag ako ang nagsabi.

"Yes! Yuhuuuuuuu!!" Sigaw ni ken at mika na parang ngayon lang makakasakay ng kotse.

**************************************************************************

"Boss san mo pa ba gustong pumunta? Gabi na oh.. bka dumating na si daddy, yari ako.."

"Saglit na lang oh, daan muna tayo sa drivethru ng mcdo dun sa may plaza..." request ko kay jun.

"Ah sige na nga.. si boss talaga oh"

Kasalukuyang natutulog si ken at mika sa upuan sa likod ng kotse. Di siguro sanay ang mga ito sa byahe!

"Pero boss salamat ha."

Ha? Bakit bigla na lang nyang sinabi yun?

"Huh? Para san naman?"

"Simula kasi nung pumasok ka sa grupo namin nina ken at mika, hindi na uli kami nakaranas ng pambubully sa mga siga sa school natin. Palagi mo na lang kaming pinoprotektahan sa kanila. "

"Alam kong hindi mo naman talaga gustong mambully, gusto mo lang na katakutan tayo ng mga estudyante sa buong school natin .. alam naming tatlo na ginagawa mo lang lahat ng yon para di na namin maranasan ung naranasan namin dati. Salamat boss! Hinding hindi talaga ko mawawala sa tabi mo!"

Di ko alam kung bakit umaagos ung mga luha ko ng di ko namamalayan. Ngayon lang may nakaappreciate sa mga bagay ng ginagawa ko. At ang sarap pakinggan ng mga huling salitang narinig ko kay jun nung mga sandaling yon.

Isang malakas na pagbangga ang huling tunog na narinig ko habang tinitingnan ang nakangiting mukha ni jun na nakaharap sakin.

"At para sa local news, isang kotse ang bumunggo sa isang nagmamadaling truck na hindi sumunod sa traffic signals sa maharlika highway, san pablo city, laguna. Isa ang patay at 3 ang sugatan sa kotse. Nakaligtas naman ang driver ng truck ng pingalana-----"

Iyon ang pinakamasamang balita na narinig ko nung panahon na nasa ospital ako

--------end of flashback-------------

"oh max, bakit ka naman umiiyak dyan?" tanong ni ken.

"ah napuwing lang ako nu." Palusot ko.

"napuwing? E wala naman masyadong hanggin ah?"

"Ah basta. Ang dami mong tanong. Bilisan na natin para makapaghanda na tayo!"

"Eh max, maiba ako, okay lang kaya yung plano natin? Para kasing—" tanong ni ken.

"There's no turning back ken, Ituloy na natin to!" Paliwanag ko.

SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon