Chapter 13: Stand by Me

5 0 0
                                    


scar's POV

Kainis talaga. Kung kelan birthday ko tsaka pa nawala yun.Ah, baka nahulog ko lang sa loob.

Anyway. Napansing kong medyo luminis ang bodegang ito kumpara nung una akong nakapunta dito. Di ko talaga makakalimutan ang araw na naprotektahan ko ang mga kaibigan ko, gaya ng naipangako ko sa ttay ko.

---------flashback---------------

"Ano ba yang laman na paper bag na kanina mo pang dala dala?"

Tanong ni louie.

"Ah wala lang 'to" palusot ko.

Panty at pants ni mika ang laman nito.Ang tagal ko na ngang hindi naibabalik 'to e.Simula kasi nung araw na tinulungan ko sya ay parang nilalayuan nya na ako. Sa twing kinakausap ko naman sya ay

Umiiwas na lang sya bigla.

Maya maya pa ay natanaw ko si mika malapit sa gate kasama si max at ken. Di ko na nga sila madalas nakikitang magkakasama kc nagkaiba iba na sila ng section simula ngayong highschool. Kaklase ko si mika sa pilot section samantalang section A naman sila max at ken.

"Ah louie, diba may praktis ka pa ng basketball?"

"Ah oo nga nu"

"Osha alis na! Andun na sa court yung mga girls mo!" Pantataboy ko sa kanya.

"Tsk. Sige na. Bye.. ikimusta mo na lang akosa one-and-only mika mo!" Sabay takbo nya.

Ugh. Natiktikan pala nya ang plano ko.

Papalapit na ako sa gate. Napansin kong medyo maunti na yung mga estudyante sa paligid. Wala pa si kuyang nagbabantay sa gate.

Maya maya pa ay may nakita akong malaking lalaking lumabas sa itim na van may hawak na dos-por-dos na akmang lalapit sa likod ni max.

*bang*

Pinalo nung lalaki yung ulo ni max! Dahilan para bumulagta ito.

"Boss!!" Sigaw nung dalawang gulat na gulat sa pangyayari.

May lumabas pang apat na lalaki sa van. Tinakluban nila ng itim na plastic ang mga ulo at mukha ni ken at mika. Nagpupumiglas ung dalawa pero wala silang panama sa tigdalwang lalaking nakakapit sa kanila.

Maya maya pa ay pilit nilang pinasok ang tatlo sa loob ng van.

Nagmadali akong tumakbo at nagtago sa isang poste. Hindi ko maaninag yung plate no. nung van pero may nakasulat sa pinto nito:

ESPINOSA CORP.

Teka. Isa yun sa pag aari ng pamilya ng isa sa mga kaibigan ni max dati, si jun.

Kilala ang pamilya ni jun sa buong laguna dahil sa karangyaang taglay nila. Marami rin silang ari arian dito sa San Pablo.

Anyway, kailangan kong iligtas sila mika!

kasalukuyang kinakausap ng isang respetadong tao si max, si Mr. Jomhel Espinoza--- ang tatay ng namatay na si jun. Nabalitaan ko ung aksidente noong nakaraang taon. At nabalitaan ko din na nalulugi na ang mga business ng daddy ni jun simula ng mangyari yung aksidente.

"Anong pakiramdam ng pinahiharapan ang mahal mo ha?! ANO?! masaya ba ha masaya?? T*NGA!!! "

Kitang kita kong hinang hina na si max. Si mika naman ay noon ko lang nakitang ganoong umiyak. Magulo ang buhok nya dahil sa ginawa sa kanya kanina ni Mr. Espinosa. Samantalang mukhang tulog si ken.

Pinalad nga akong masundan ang van na nagdala sa kanila dito at nagawa ko pang makapasok sa bodegang ito ng hindi nila namamalayan. Nagkekwentuhan at Nag iinuman kc sa labas yung 21 na lalaking tauhan ni mr. Espinosa. Di din nila pinansin na nakuha ko na yung mga baril nila.

SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon