Chapter 26: Plano

4 0 0
                                    


Ron's POV

Tsk. Bakit ba inaraw araw na lang ni 'tong si scar ang pagdalaw sa kapatid ko? Pati sabado at linggo e di pinalampas!

Lumabas ako ng room ni glaine para di na ako makaabala sa kwentuhan nila.

Walang nakakapagpatawa ng ganun sa kapatid ko kundi si scar lang. Parang hindi iniinda ni glaine ang sakit nya kapag kasama nya ang lalaking yun na puro peklat sa mukha.. bagay talaga sa kanya ang pangalan nyang 'scar'!

Mabait naman yung scar kaso...

Kaso..

... wala pa rin akong tiwala sa kanya!

Tsk tsk.

Nga pala! Malapit na ata ang birthday ni glaine.. parang March 14 yu---- e teka! Bukas na yon ah!

Alam kong bka di ko na makasama ng matagal ang kapatid ko kaya gusto kong maging espesyal ang 18th birthday nya.

Pero paanu?pano?.

wala akong alam na bagay na pinakamakapagpapasaya sa kapatid ko kundi...

Kundi...

Dammit!

Ang lintik na scar na yon!

Pero sya lang siguro talaga ang mas gugustuhing makasama ng kapatid ko sa kaarawan nya..

Wala akong choice kundi humingi ng tulong sa kanya.

"Scar!" Pagtawag ko sa kanya ng makita ko na syang palabas ng hospital...

Bakit ba lagi na lang 'tong ginagabi dito!?

"Ah bakit po?" Magalang nyang sagot.

"Kailangan nating mag usap."

**************************************************************************

"Talaga po!" Sagot nya ng sinabi kong birthday ni glaine bukas.

"Oo kaya gusto kong samahan mo sya ng buong araw bukas? Pede ba?"

Natigilan sya.

"Kuya ron, gusto ko naman pong gawin yon... kaso..."

"Kaso?" Tanong ko

"Finals po namin sa ACCO bukas.. di po ako pwedeng umabsent... " malungkot nyang tugon.

Malaking problema nga 'to. Syempre naranasan ko din noon yung nararanasan nya ngayon. Naging accounting student din ako.

Damn. Kailangan kong mapasaya ang kapatid ko kahit bukas man lang, sa araw ng birthday nya.

Pero isang plano ang biglang pumasok sa utak ko.

"Scar, ako ng bahala sa problema mo.."

"Po?" Naguguluhan nyang tanong.

"Basta! Magtiwala ka lang sakin! Akong bahala sa'yo!"

***************************************************************************

Damn! Ang init naman nitong porma ni scar! Nakahood tapos nakatakip pa ang bibig! At napakabigat pa ng ng bwisit na packbag na to! Ano bang laman neto?!

Hiniram ko din ang i.d. nyang may smiley face... weirdo talaga!

Nakalampas ako sa gate ng hindi sinisita ng guard.

Galing ko talagang magpanggap! Sandaling panahon ko lang nakikitang kumilos si scar pero gayang gaya ko na ang galawan nya!

Kaso..

Dammit!San nga pala ang room ng scar na yon! Di ko mahuhulaan yon sa dami ng mga room at floor dito!

"Scar!"

Isang pamilyar na boses ang tumawag sakin.

Lumapit sya sakin at pilit akong inakbayan kahit di sya katangkaran.. napayuko tuloy ako!

"Ikaw ha! Balita ko.. 'kayo' na daw ni glaine ah! Di mo man lang sinabi sakin e ako yung unang tumulong sayong makuha yung number nya! "

Ano!!??? Kelan pa yon nangyari!!!?? Sa lahat ng lalaking nanliligaw sa kanya, bakit si scar pa!!!?? Dammit!

Idadag ko sa peklat nya ang mga pasa ng suntok ko pagnakita ko sya!!!

At kelan pa naging close itong si lorraine kay scar?

"Haha.. uyyyy! Nahihiya pa syang aminin!"

Yari ka talaga sakin scar!!!

"Di na nga kita pipilitin... anyway.. andyan na nga pala si sir Tards! Tara na at bka malate pa tayong kumuha ng exam!"

**************************************************************************

Hayy. Napakadali naman nung exam na yun para sa CPA na katulad ko!! Wala pang five minutes e nasubmit ko na agad yung test paper!!! Grabe, ang galing ko talaga!

"Boss!!"

Bigla akong kinilabutan sa boses na narinig ko..

2 Lalaki at isang babae ang lumapit. Grabe. Ang ganda nung babae na kasama nila... pero syempre mas maganda parin talaga ang nikki ko!

"Boss! Idol talaga kita! Wala pang 5 minutes nasagutan mo ung exam!"

Ung boses na'to yung...

Yung..

...yung nagbanta sa buhay namin ni nikki nung nakidnap kami at dinala sa lumang bodega!!

Sa wakas! Makapaghihiganti na rin ako!...

"Ken! Wag mo ngang bwisitin si boss.. agang aga e!!"

"Sorry na max!...

Nga pala boss ang hirap nung pinagawa mo samin nung isang linggo ha! Kung namukhaan kami nung magsyotang yun, naku! Malamang ay sa bilangguan na ang tuloy namin!"

Damn! Tama ang hula ko!

At... at si scar pala ang may pakana ng lahat ng yun... dammit! Papatayin ko talaga ang scar na iy---

"Boss alam ko namang may mabuti kang intensyon kung bakit mo yun ginawa... alam kong may maganda namang naging resulta ang plano mong yon para sa dalawang taong pinakidnap mo samin." Sabi nung may kalakihang katawan na max ata ang pangalan.

Bigla akong natigilan sa sinabi nya.

Yung araw nga palang yon ang nagsimulang maging kami ni nikki..

Yung araw na finally ay naging totoo ako sa nararamdaman ko

..ang araw na hinding hindi ko makakalimutan sa sobrang saya na naramdaman ko sa piling ng taong mahal ko..

Di ko na tuloy alam kung magagalit ba ako o magpapasalamat kay scar at sa mga kasamahan nya.

"Nga pala boss, kayo na ba talaga nung glaine? Nagulat nga kami kasi akala namin ang gusto mo ay si.."

Humarap yung ken sa babaeng nakatayo't medyo nakadistansya samin.

Parang bigla itong nagulat.

Bigla na lang tumakbo at lumabas sa room namin.

*pak*

"Aray naman max! Para san naman yun?!"

"Sinabi ng wag mo yung babanggitin yun pag nadyan si mika e!" Saway ni max.

"Nagbibiro lang naman ako e." Depensa ni ken.

"At hindi magandang biro yon!" Tugon ni max.

Feeling ko lahat na lang ata ng magagandang babae ay nagkakagusto sa scar na yun.. una yung kapatid ko, sunod naman e yung mikang nagwalk out.... naku naku! Pagpati si nikki kinuha nya sakin, ah! Magkapatayan na!

A(

SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon