Chapter 2: Hero

12 2 0
                                    


Louie's POV

Plano ko sanang sorpresahin si Scar kaso di effective yung plano ko e.Hayy.tsk.

Nga pala, 'scar' ang tawag sa kanya ng mga kaklase namin nung elementary pa lang kami dahil sa peklat sa kanyang mukha...At iyon na rin ang nakasanayan kong itawag sa kanya.

Walang akong pinapalampas na birthday ni scar na di ko sya binabati or sinosorpresa. Matalik na kaibigan kasi ang turing ko sa kanya e. At nagsimula yun nung araw na nakilala ko sya.

------Flashback------

"Ano louie!? bibigay mo ba sakin yang pera mo o gusto mong makatikim sa kin? Ha?! Ano! Sagot?!"

Ito na naman ang grupo ni Max. Ako parin lagi ang bini-bully nila. Payatot ako. Napakalaking baboy naman nitong si Max,sinamahan pa ng tatlo nyang tropa: si jun, si ken, at si mika. Wala talaga akong palag sa kanila.

"Ano?! Ibibigay mo ba o hinde?!!"

Hindi na ako halos makapagsalita dahil sa takot na nararamdaman ko. Inipon ko ang dalawang bente hawak ko para makabili ng pogs na may larawan ni goku at cast ng dragonball.Abot kamay ko na sana yun. Minalas lang akong makasalubong sila bago ako makapunta sa tindahan ni aling Nena..

"Jun! Sipain mo nga yan ng magtanda!!"

"Pero boss, ayokong maprincipal offi--"

*pak*

"Aw!"

"Duwag! Naturingan ka pa namang kampon ko!"

"Ah boss? Ako na lang po!"

"Sige ken! Gawin mo na!"

"Sipsep" sabi ni jun..

Aray ko!. Namamanhid na ang tyan ko sa sobrang sakit ng sipa ni ken. Sinamahan pa ng pagdura ni max. Ambaho naman ng laway neto! 'Tulingan' ata ang ulam nito kanina e. Kadiri!

"Haha.. eto p----"

*bang*

Nakita ko na lang na nakahandusay si ken sa damuhan.. habang pinakikinggan ko ang pamilyar na boses...

"Pag itinuloy nyo pa yan... isusumbong ko kayo kay ma'am!"

"Aba aba! Scar! Nalaban ka na pala sakin ha. Baka gusto mong makaitim ng isang...

*bang*

Mabilis na napahandusay si scar sa damuhan kasabay ng pag tulo ng dugo sa bibig nya.

Sino ba naman ang hindi lalagpak sa suntok ng malaking kamao ni max!

"So...... san nga ba tayo nagtapos.."

*Bash*

Alam kong tinadyakan ako ni max, pero bkit parang wala akong naramdaman.

Di na ako makamulat sa sakit ng naunang sipa at suntok nila sakin..

Naririnig ko ang mga tadyak at tawanan ng grupo ni max, pero bakit wala na akong maramdamang sakit kagaya ng kanina?

Ang naaninag ko lang ay ang mukhang may mga peklat.. umaagos ang luha sa kanyang mga mata, pero waring nakangiti pa... habang hawak hawak ang isang silver bilog na bagay sa kaliwang kamay nya..

hanggang sa tuluyang nanlabo ang paningin ko.

**************************************************************************

Namulat na lang ako sa isang komportableng higaan. Pinilit kong tumayo pero...

"Aray ko!! Ah!!"

"Toy wag ka munang tumayo, di pa masyadong okay yang mga pasa at sugat mo."

"A-asan po ako?"

"Andito ka sa clinic. Dinala ka nung batang mas malala pa ang natamong pasa at sugat kaysa sayo. Gagamutin ko muna sana sya. Pero ngumiti lang sya at sinabing okay lang daw sya.. unahin ka daw muna.. ng matapos na kitang gamutin e wala na pala sya dit----"

"May peklat po ba sya sa mukha?"

"Ah oo napansin ko nga."

Tama ang kutob ko.Iisa lang naman ang kilala kong ganun.

"Ah sige po."

"San ka pupun----"

Di pa natatapos magsalita ung nurse ay umalis na ko para hanapin sya..

***************************************************************************

Hindi sya pumasok ngayong araw na'to.Di ko rin sya nahanap kahapon kasi maaga daw syang umuwi sabi ng mga kaklase ko.Sabi nila ay bisitahin ko na lang daw sya sa bahay nila. Binigay nila sakin yung address.

Gusto talagang magpasalamat at humingi ng tawad sa nangyari sa kanya dahil sa akin kaya minabuti kong dalawin sya.

*dingdong*

Binuksan ng isang lalaking naka chaleko at puting long sleeves ang gate..

"Anong maipaglilingkod ko sa'yo?"

"Andyan po ba si sca-- este kinjima po pala? Umh.. ah ..eh.. kaibigan po nya ako.."

Nahalata ko ang pagkagulat sa mukha ng lalaki ngunit napaltan naman agad ito ng isang ngiti..

"Ah sige pasok ka.."Paanyaya nya sa akin.

"Ako nga pala ang butler ni kinji. Tito shiro ang tawag nya sakin."

Aba aba. Umhh.. anu nga uli ung butler? Narinig ko na yun sa mga anime na napanood ko, pero feeling ko talaga pang 'rk' lang yun e...

Ano nga palang pangalan mo iho?"

"Ah... Louie Mendoza po."

"So Louie..."

"Po?"

"Alam mo bang ikaw ang unang kaibigan na dumalaw kay kinji?"

"Huh?"

Loner pala talaga itong si scar!

"Haha.. oo louie, kaya bilang pasasalamat ay ipagluluto ko kayo ng paboritong ulam ni kinji.."

Naeexcite na ko...

" ginisang ampalaya !!!"

"Eh?"

Akala ko spaghetti, or palabok or pansit or sopas or bla bla bla, yun pala yung pinakaayaw ko pang pagkain!

"Bkit, ayaw mo?"

"Ah eh.."

Ugh.Nakakahiya naman kung tatanggihan ko.

"Ah si-sige po salamat po!" pakunwari kong sagot sabay pinilit kong ngumiti.

"Sigurado ka ha?"

"Ah eh, o---opo! Ah sir pwede po bang magtanong?"

"Sige, Ano yun?"

"Asan po si kinji-ma? Bkit di po sya pumasok?"

"Ah yun ba? Umuwi kc sya kahapon ng puro pasa at sugat.. sabi nya nahulog daw sya sa puno sa panghuhuli ng gagamba.."

Huh? Sinungaling. Sa lahat ba naman ng palusot e gagamba pa ang ginamit. Dapat baboy na lang para bagay kay Max!

"Matapang na bata si kinji, louie.. hindi sya katulad ng ibang bata.. . palagi nyang sinasabi sakin na okay lang sya dahil ayaw nyang mag alala ako sa kanya..." Dagdag nya.

Marami pang sinabi ang butler ni scar tungkol sa kanya. Parang kilalang kilala nya talaga si scar.

Ugh.Sana lang alam ko yung ibig sabihin ng 'butler'..

At that moment, mas lalo kong ninais maging kaibigan si scar dahil sa mga sinabi ng butler nya.

Gusto kong mas lalo ko pang makilala ang Hero ko!

-----end of flashback-----

Hanggang ngayong college ay magkasama parin kami sa iisang school at sa iisang course! Pero hindi lang ako ang sunod ng sunod sa kanya. Pati yung mga kinaiinisan kong mga tao ay naging kaibigan na rin nya.


SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon