Chapter 15: Instinct

3 0 0
                                    


Ron's POV

"Ron, ang sipag mo naman!"

"Oo nga, balita ko pa nga daw e lagi kang nag o-OT e."

Damn.Nakakainis na 'tong mga ito. Kanina pa akong ginugulo kita ng marami akong ginagawa!

"Baka mamaya libre ka, pwede kang mag OT sa bahay ko kung gusto mo.." pang aakit ng 'slut' kong katrabaho.

Dammit! Wala akong oras sa mga ganang bagay!

"Or baka naman mas gusto mong makatabi si nikki sa kam---"

"PEDE BA TIGILAN NYO NA AKO!!? PEDE??! NAGTATRABAHO AKO DITO NG AYOS OH!! GINUGULO NYO KO!! PDE BA UMALIS ALIS KAYO SA HARAP KO!! PLEASE LANG, LUBAYAN NYO NA AKO!!!"

Napalakas ata ang boses ko dahilan para mapatingin sakin si Nikki, ang tanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Kasama ko na sya nung elementary pa lang kami hanggang college. Sabay pa kaming maging CPA at pumasok sa kompanya na ngayo'y pinagtatrabahuhan namin. Pero ni minsan hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang matagal ko ng nararamdaman para sa kanya.

Nagkatagpo ang mga mata namin. Kaso bigla na lang syang umiwas ng tingin. Damn. Uminit bigla ang pisngi ko.

"Tsee! Kala mo kung sinong gwapo! Tara na nga girls! "

Hay salamat umalis na rin ang mga sagabal sa buhay ko.

Nagring ang phone ko:

"Unknown number: calling"

Sinagot ko yung phone:

"Oh sino 'to?" Barino kong sagot.

"Kuya??" Pamilyar sakin ung boses.

"Lo-lorraine? Ikaw ba yan?"

"Oo kuya!"

"Bakit ka napatawag??"

"Si glaine po kasi.."

Isang masamang balita ang natanggap ko sa kalagayan ng kaisa isa kong kapatid na babae.

*******************************************************************************

Medyo traffic kaya bumababa na ako sa jeep kasi malapit na yung ospital kung saan isinugod si glaine.

Habang naglalakad ako ay parang may sumusunod sakin. Nakahood sya na kulay itim at nakatakip pa ang kanyang mga bibig ng itim na panyo.

Bka coincidence lang. Pero iba ang sinasabi ng instinct ko.

Aba! nakasunod parin sya sakin hanggang sa loob ng hospital!

Damn! iba na 'to.

Nagmadali akong pumasok sa elevator kc nasa 4th floor pa yung kwarto ng kapatid ko.

Laging gulat ko ng bigla syang pumasok habang sumasara na yung elevator.

Dammit!Sa likod ko pa sya pumwesto!

Kinakabahan na ako at pinagpapawisan. Nasa likod ng bulsa ko pa naman ung wallet ko at kakasweldo ko lang! Jusko! Ano bang gusto nito sakin?

May naramdaman akong gumalaw ng bulsa sa likod ng pantalon ko dahilan para mahulog ang wallet ko sa sahig.

Naaninag ko sa anino nya na akmang pupulutin nya yung wallet ko!

"Ay sorr---"

*ting*

Biglang bumukas ang pinto ng elevator. Nice timing!

bigla kong pinulot ung wallet bago pa man nya yon mahawakan.

Kumaripas na ako ng takbo.

"Room 34... 35.... 36.... 37..... 38..

39---- Room 39!" Sa wakas nakita ko rin ang kwarto nya!

"Pumasok ako at dagliang sinara ang pinto. Itinapat ko ang tenga ko sa pinto para malaman kung sinusundan pa b nya ako.

"Kuya! Anong gi----"

"Shhhhhhhhhhhhh!" Saway ko sa kanya para tumahimik.

Narinig kong ang yabag ng paglakad na papalapit sa pinto. Huminto ito sa pinto. Biglang gumalaw ang kandado ng pinto!

Nagpanic na ako ng mga oras na yun. May nakita akong kahoy na mahabang vase sa isang table malapit sa pinto. Kinuha ko yun habang naghihintay sa pagbukas ng pinto.

Bumukas ang pinto.

Sya nga!

"Glai---"

*bam*

Ipinukpok ko sa kanya yung vase. Sa sobrang lakas ng palo ko ay nagpasuray suray sya at bumulagta sa sahig.

Hayy. Nakahinga din ng maluwag.

"kuya!!!! Anong ginawa mo?"

Nagtaka ako sa facial expression ng kapatid ko. Parang may mali sa ginawa ko!


SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon