Chapter 29: Paalam

8 0 0
                                    


SCAR'S POV

"GLAINE!"

Nagising ako mula sa masama kong panaginip.

Nawala daw sakin si glaine.

Biglang nagring ang phone ko.

Binasa ko yung message.

From:glaine

"Sorry kahapon ha.. di ko talaga yun ginustong mangyari.. :( "

Nagreplay ako.

Me: i know :).. pagaling ka ha.. pupunta ako dyan mamayang gabi.. :)"

Glaine: sige :)))) salamat! I love you Mr. Condex!

Bigla na lang uminit ang pisngi ko.

Me: I love you too, Mrs. Condex.

*******************************************************************************

Papunta ako kay mika na ngayon daw ay nasa malapit sa labas ng ospital ni glaine. May sasabihin daw sya sakin.

Ano kayang sasabihin nya?

Pagkababa ko ng jeep ay natanawan ko na si mika.

Mukhang natanaw nya ako kasi parang nagulat sya. Siguro dahil sa porma ko. Di ko na kasi kelangan takluban pa ang mukha ko. At the end of the day naman, may tatanggap at magmamahal parin naman sakin anoman ako ngayon.

Lumapit ako sa kanya. Pero parang umiiyak sya.

"Anung problema mika?" Tanong ko sa kanya.

Tuly pa rin sya sa pag-iyak.

" Mika? Sagutin mo ako.. anong problema?" Tanong ko sa kanya habang hinihawakan ang balikat nya.

Bigla nya na lang akong itinulak.

"I---Ikaw.. ikaw ang problema ko!"

Nagulat ako sa sinabi nya.

"Bakit mika? Anong kasalanan ko sayo?" Maamo kong tugon. Di ko talaga alam kung anong nangyayari.

"Umasa ako na mamahalin mo rin ako....

... gaya ng pagmamahal ko sa'yo!"

Nagulat na naman ako.

Di ko yun inaasahan.

All this time pala...

..minahal nya ako ng di ko nalalaman.Halos di ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Oo boss, mahal na mahal kita! Bakit ba napakamanhid mo! Inaayos ko ang sarili ko para sa'yo...

kinalimutan ko ang pagiging tibo ko para lang maging karapatdapat sa'yo...

Kulang pa ba yon? Kulang pa ba ang lahat ng ito!"

Wala akong maisagot sa tanong nya. Di ko na rin napigilan ang umiyak dahil sobrang naaawa ako para sa kanya.

"SUMAGOT KA BOSS!!! SUMAGOT KA!" Sigaw nya habang hinahampas ng ng nakatikom nyang mga kamay ang dibdib ko.

"Sorry mika, sorry.." yun lang ang tangi kong nabitiwang salita sa kanya.

Nabalot kami ng panandaliang katahimikan.Sinayan pa ng malamig na simoy ng hangin na lalong nagpabigat sa nararamdaman naming ngayon..

Maya maya pa ay pinunasan nya ang luha nya at pinilit na ngumiti.

"Sige boss, pasensya na sa mga sinabi ko.. aalis na ko."

Wala akong nagawa kundi tingnan sya habang paalis at patawid ng kalsada.

Sorry mika... di ko masusuklian ang pagmamahal mo.. sorry... sorry..

Tatalikod na sana ako ng bigla akong napatingin sa isang kotse na mabilis ang patakbo papunta sa direkyon ni mika.

"MIKA!"

tumigil sya at lumingon sakin.

Nagmadali akong tumakbo papunta sa kanya.

"Boss baki----"

Hinawakan ko sya sa kanyang braso at inihagis sa direksyong pinanggalingan ko.

"Bossssss!!!" Sigaw ni mika.

Parang bumagal ang paligid ko.

Naalala ko bigla ang mga panahon na nakasama ko ang mga kaibigan ko, si louie, mika, max, ken...

pati narin ang babaeng una kong minahal.... si glaine

Wala akong pinagsisisihan sa buhay ko.. nagawa ko na ang pangako kong binitawan sa tatay ko..

Nagawa kong umiyak, tumawa...

ngumiti, malungkot..

magsaya, maghirap..

Kasama ang mga taong mahal ko.

Paalam louie...

Mika....

Max...

Ken...

Paalam....

Glaine.

******************************************************************************

Glaine's POV

kanina ko pang hinihintay ang prinsipe ko habang hawak hawak ang rosas na binigay nya sakin nung birthday ko.

Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako!

"I love you so damn much that i can't let you go away from me..."

Naaalala ko parin ang mga salitang iyon. Gusto ko na uling makita ang mukha nya.. gusto ko na rin uling marinig ang boses nya.

Di ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko. Ewan ko kung bakit bigla na lang akong kinabahan.

Asan ka na ba scar? Asan kana?

Patuloy pa rin ang pagluha sa mga mata ko.

Sana dumating ka na...

..scar!..


SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon