Max's POV
Marami talagang mga pangyayari ang naganap sa bodegang ito. Dito namin mas nakilala si boss e. Di ko talaga makakalimutan yung araw na iniligtas nya kami.
-------flashback------------------
" Pole dancing?!"
"Oo nga boss, paulit ulit?"
Di ako makapaniwala sa sinasabi ni mika. Kailangan daw nyang umuwi ng maaga kasi may practice sya ng pole dancing. Sasaglit lang daw sya sa puntod ni jun tas diretso na sya dun.
"Di nga? Seryoso ka?"
"Oo nga boss, ang kulet e." Inis na sabi ni mika.
"Yung una palda, ngayon naman pole dancing.. lakas talaga ng epekto sa'yo ni sc---"
*pak*
"Aray ko naman mika!"
"Bka gusto mo pa ng isa?!"
"Oy oy oy, tama na yan. Darating ba yung araw na di kayo mag aaway?"
"Hinde!" Sabay nilang sagot.
Hay, ang kukulet talaga oh.
" kalimutan nyo na nga! Punta na tayo sa puntod ni ju--"
*bam*
Isang malakas na palo sa ulo ko ang naramdaman ko mula sa likod ko. Nanlabo ang paningin ko. Bumulagta ako tapos hindi ko na alam yung mga sumunod na nangyari.
**************************************************************************
"Boss!gising boss!"
Malakas na boses ni mika ang nagpagising sakin. Ramdam ko parin ang sakit ng pagkakahampas sa ulo ko.
"Asan tayo?"
"Yan nga din sana ang itatanong ko sa'yo boss e."
Asan nga ba kami?
Nasa gitna kami ng isang malawak na lumang bodega. Nakatali ang mga kamay ay paa namin. Paikot ang pagkakaupo namin sa magabok na sahig.
"Kumusta si ken?" Tanong ko kay mika.
"Eto, tulog pa rin ang luko luko. E sa pagkakatanda ko e hindi naman kami pinalo sa ulo gaya mo. Nakatulog lang talaga 'to."
Ugh.Si ken talaga oh.
"Mabuti naman at nagising na kayo!"
Isang boses ang tumawag ng atensyon ko.
Isang pamilyar na mukha ang tumambad sakin. Nakacoat sya. Parang isang respetadong tao ang kaharap ko
Hinawakan nya ako sa may bandang baba para iharap ang mukha ko sa kanya.
"Naaalala mo ba ako?"
Ah oo. Nakita ko yung mukha nya sa burol ni jun. Sya yung...
Tatay ni jun!
"Ano?! Sumagot ka pagtinatanong kita!!"*pak*
Sinampal nya ako sa kanang pisngi ko. *pak* sabay sa kaliwa naman.
Pagkatapos ay tumayo sya at lumapit kay mika.
"Aba tingnan mo nga naman.. may kasama ka palang magandang binibini. Miss anung pangalan m---"
*pwee*
Dinuraan ni mika ang mukha nung lalaki.
Mika naman oh. Wag mo ng patulan.
Pinunasan nung lalaki ung laway sa pisngi nya pagkatapos ay sinabunutan si mika.
"ahh!!" Sigaw ni mika.
"Hayop ka, wag mong gagalawin si mika!!" Sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakatali ko.
Biniwan nya ang buhok ni mika sabay sinunggaban nya ako sa leeg gamit ang kaliwang kamay nya.
"Anong pakiramdam ng pinahiharapan ang mahal mo ha?! ANO?! masaya ba ha masaya?? T*NGA!!! "
Binitiwan nya ang mahigpit nyang pagkakahawak sa leeg ko.
Tumayo sya at humakbang ng ilang step patalikod samin.
"Kaisa isang anak ko si jun.. lahat ng bagay ng gusto nya binibigay ko dahil mahal ko sya.. sya na lang ang meron ako. "
Alam kong naiyak na sya dahil sa boses nya.
"Iniwan na ako ng mommy nya at sumama sa ibang lalake. Ako lang ang mag isang nagtaguyod sa kanya. Sya lang ang nagpapaligaya sakin. Sya lang ang dahilan kung bat ako nabubuhay..."
Ramdam ko ang paghihinagpis ng nararamdaman nya sa pagkawala ni jun.
Bigla syang lumapit sakin at sinigawan ako habang dinuduro.
"Tapos kinuha nyo lang sya sakin ng ganun ganun lang ha? "
"Max ang pangalan mo di ba? Iniidolo ka pa naman ng anak ko.. tapos..... tapos ganito lang yung isusukli mo sa kanya?!
Anong klaseng kaibigan ka?"
Halos madurog ang puso ko sa binitawan nyang salita. Nagsisi talaga ako.. patawarin mo ako jun, patawarin mo ko!
"Sorry po! Di ko po ginustong mangy---"*bash*
Isang tadyak ang matanggap ko aa kaliwang pisngi ko.
"Sorry??SORRY!!
Anong magagawa ng sorry mo?! Maibabalik ba ng sorry mo ang anak ko, ha max!??!"
*bam*
Isang tadyak sa sikmura ang muli kong natanggap.
"Tama na! Tama na.." umiiyak na sigaw ni mika.
"Hindi lang naman ikaw ang nawalan, kami din!"
Ngayon ko lang sya nakitang ganung lumuha.
"Aba, may pags---"
Biglang nagsipasukan ang mga lalaking may kalakihan ang katawan habang sinasara ang pinto ng bodega.
"Boss, may mga parak!"
Teka pano nalaman ng mga pulis ang tungkol dito.
"Mga gunggong paputukan nyo!"
"Pero boss.. kasi.. ano eh"
"Ano?!"
"Nawawala po yung mga baril namin eh."
"Huh?"
Pagkatapos nun ay----
----end of flashback-------
*bang*
Nabangga ako ni ken dahilan para mapahandusay kami sa sahig.
"Aray ko!" sigaw ko
"huli ka!" Sigaw ni mika ng mahuli si ken.
Hirap talagang awatin ng dalawang ito!