Chapter 5: Badtrip!

7 1 0
                                    

Glaine's POV


 "Yes! Bwahahahahaha!"

Sigaw ng kaibigan kong si lorraine matapos makita ang 'pasa' nyang grade sa major subject naming Accounting..


"Ah grabe lord! Salamat salamat salamat!"


Sobrang saya talaga nya.

Sino ba naman ang hindi matutuwa na makakuha ng pasang grade na napakahirap namin sa test na yon.

Dugo, pawis at eyebags ang puhunan namin makapasa lang dito.

Masaya ako para sa kanya, pero hindi para sa sarili ko...


"Eh ikaw ba glaine? Anong score mo?"


Tsk. Sabi na e, hinding hindi nya makakalimutang tanungin ang score ko .


"Mababa ang score ko.." mahina kong tugon.


"Sus. Pakunwari ka pa. Tingnan ko nga"


"Mababa nga e. Nakakahiya."


"Wag ako glaine. Akin na, patingin!"


"Mababa nga sabi"


"Patingin! Dali na!"


Ugh.Ang kulet.


"Patingin! patingi---"

"ANU BA?!SINABI NANG MABABA E!!! "

Di ko namalayang napagtaasan ko na sya ng boses. Sinamahan pa kc ng kakulitan nya ang pagkahilo at pananakit ng tuhod ko simula pa nung umaga. Bad mood na nga ako e kinukulit pa 'ko.

Yan, beastmode tuloy ang lola mo.

Nagulat si lorraine sa boses ko. Napaltan ang bungisngis nya ng pagkadismaya.

"Ah.. eh.. sige na nga kung ayaw mo.." bulong nya.

Nakunsenya tuloy ako.>-<

Naiinggit ako sa score ni lorraine.

Nagpuyat din naman ako. Kumain pa ko ng mga pagkaing may 'glucose' para gumana ang utak ko. Bumili din ako ng memo-plus para di ko makalimutan ang inaral ko.

In short, ginawa ko ng lahat pero di parin sapat para makuha ko yung gusto ko.

Hayys.

Ilang test na akong ganito, pero parang nasasayang lang ang mga effort ko.

Kailangan ko kasing maka 'dos' ngayong 2nd semester sa Accounting para makaproceed sa susunod na year. Pero sa mga grades kong nakukuha parang malabo akong makapasa.

Kanina ko pa pinipigilan ang luha ko.Naiisip ko kasi ang paghihirap ng mga magulang ko mapag aral lng ako tapos ganitong grade lang ang makukuha ko?ugh.. nakakainis talaga oh.

Ayoko makita ni lorraine at ng mga kaklase ko ang pag iyak ko. Kakahiya kaya! Ng di ko na talaga kayang pigilan...

"Ah lorraine, c.r. lng ako."

Pagkatango nya ay umalis na ko papuntang 4th floor. Bihira kasing magkatao dun kaya pede ako dung maglabas ng sama ng loob.

----

SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon