Chapter 23: Secret

3 0 0
                                    


Glaine's POV

" uy glaine, sino ngang nagugustuhan mo?" Pangungulit sakin ni scar.

Anong bang pumasok sa utak nito at tinatanong ako ng mga personal na bagay.

Nagtataka ako kung bakit napapadalas ata ang pagdalaw neto sakin.

"Hay naku scar tigilan mo nga ako ako! Sinabi ngang secret lang e!"

Mahirap talagang sabihin kung sino ang nagugustuhan mo, lalo na kung ang taong yon ang nagtatanong ng bagay na yun sa'yo.

"Dali na!" Pamimilit nya.

Ugh. Ang kulit. Nanghula na lang ako ng pangalan ng magtigil na'to. Ang sinabi ko na lang ay si..

"Si louie.. oo si louie nga!"

Di ko alm kung bakit biglang lumungkot ang mukha nya.

"Ah si louie pala." Mabagal nyang sagot.

Bigla na lang syang tumayo sa kinauupuan nya. Anong problema ni'to?

"Ako ng bahala!" Sabi nya.

Bahala san?

*******************************************************************************

From: unknown number

Hi glaine, si louie 'to. Kamusta ka? :)

San nya nakuha ang number ko?

Sinave ko agad yung number.

Me: san mo nakuha ng number ko?

Louie: sabi ni scar e patay na patay ka daw sakin. Baka sakali daw na mapasaya kita pag naging textmate tayo. ;)

SCAAAAAR!!! malilintikan ka talaga sakin.

Me: yabang :p mas gwapo pa sayo si scar e

Ugh. Bakit yun ang nireplay ko!

Louie: owww. So si scar pala ang gusto mo?

Me: ay wrong send..

Wala na akong ibang maidahilan.

Louie: I get it. See you! ;)

See you? Teka baka.. baka..

*******************************************************************************

"So gusto mo talaga si scar??" Tanong ni louie na namana ang kakulitan ni scar.

Pano ba nakapunta dito ang mokong na'to?

"Oo nga! Paulit ulit!"inis kong sagot. Hindi ko nga alam kung paano ako napaamin ng mayabang na'to.

"Kakainggit naman si scar!" Biro nya.

"Tsee!" Pagsusungit ko.

"Ano nga palang sakit mo? Bakit di ka na napasok? Yari ka na kay sir Tards!"

Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya ang totoo.

*******************************************************************************

"Please, wag mo 'tong sabihin kay scar! Ayokong mag alala sya sakin!" Pagmamakaawa ko habang pinipunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Okay sige.."

"Pero bakit ayaw mong ipagtapat kay scar yung nararamdaman mo? Kung ganan ang kalagayan mo, mas mabuting sabihin mo na ang lahat kay scar bago.. bago mahuli ang lahat sa'yo" dagdag pa nya na may pag aalala.

"Pano kung ireject nya ako?..

Paano... Paano kung iwasan nya ako ...

..at...

..at hindi nya ako dalawin?..

Di ko kakayanin yun!"

Nagulat ako sa mga sinabi ko, at ganun din si louie. Ganun na lang ba kalalim ang pagtingin ko para kay scar dahilan para lumuha ako ng ganito? Naguguluhan na ako!

"Ngayon ka pa ba matatakot sa kalagayan mong yan?? Di mo na dapat iniisip yan.. ang isipin mo ay kung ano ang nararamdaman ni scar para sa'yo!"

"Huh?"

Tumayo syang bigla at pumunta sa may pintuan.

Ngumiti sya sakin.

"You'll see.." sabay bukas at labas sa pinto.

SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon