Chapter 14: Valentines Day

2 0 0
                                    


Scars POV

"Boss! agang agang parang wala kang kasigla sigla!" Sabi ni ken ng makita akong nakasandal ang baba ko sa desk habang umuukit ng kung anu ano gamit ang ballpen kong walang tinta.

"Boss, pasensya na.. kahit na

Baligtarin namin ung bodega e di parin naman makita yung orasan mo..." paliwanag ni max matapos mapagtanto ang problema ko.

"Okay lang.." bulong ko na tuloy parin sa pag ukit ng kung ano ank sa desk.

"Ah boss!!" Sigaw ni ken kahit malapit sya sakin.

"Oh?"

"May nagpapabigay nga pala!"

Sabay bigay nya sakin transparent na plastic namay tali pang ribbon na pula. Alam kong homemade ung mga cookies na dun kc di gaanong ka perfect yung pakakahulma dun. Korteng 'heart' ata tun e, basta ganun.

"Anung meron?"

"Anu pa boss, edi valentines day! VA-LEN-TINES!!! Di ba mika?!" Sabay harap nya kay mika na nanlaki ang mata.

"Ah.. eh.. oo nga!.." kabado nyang sagot.

"E kanino galing?"

"Kay mi-----"

"Aray ko!!" Sigaw ni ken ng matapakan ni mika ang paa nito. Parang sinadya e.

"Aaaa-ayaw pasabi nung babae!" Singit ni mika..

"Di ba ken?" Dagdag pa nya habang nakangiti kay ken. Pero nakatakot yung mga ngiting yun.

"Ah... oo-onga boss!" Napipilitang sagot ni ken..

"Pero... pero mahilig yung magpalda!!! Sigaw ni ken sabay takbo palabas ng pinto ng room namin.

"Keeeeeeeeen!!" Inis naSigaw ni mika habang magtatakbo palabas.

Huh? Anong problema nun?? Marami namang nagpapalda sa campus ah? Sino ba yun? Ugh.nevermind na nga lang.

Ngayon lang ako nakatanggap ng ganito sa valentines day.

Matagal ko namang natanggap na walang magkakagusto sakin, at hindi ko naman yun ikinalulungkot. Yun talaga siguro ang nakatadhana para sakin. Kaya impossible na may babaeng magbigay sakin ng ganito.

Pinagtitripan lang siguro ako nina max para mabawasan ang stress ko.

"Ah boss nagpaskil na rin pala kami. nung nung sketch ng orasan mo sa lahat ng bulletin board. Nilagay ko na rin yung contact number mo at naming tatlo. Ito ung natira dun sa mga poster."

Iniabot ni max sa akin yung papel na may nakalagay ng mga nasabi nya. Grabe, nag eeffort talaga sila para sakin.

"Ah salamat max! I-thank you mo na rin ako kina mika at ken.." sabi ko

"Walang problema boss! Kaw pa!.. sige boss c.r. lang ako."

"Ah sige."

Maya maya pa ay nagring phone ko. Naku baka may nagtext na tungkol dun sa orasan ko!

Binuksan ko yung message:

From: unknown number

Happy valentines day! <3

Ay naku, wrong send 'to.

*****************************************************************************

"Talaga!?"

Di ako makapaniwala sa sinabi lorraine. Nakita raw nyang hawak ni glaine yung bagay na parehas nung sketch ng bagay na nawala ko.

"Oo nga. Hinanap ko kasi sya nun kasi nakalimutan nya yung panyo nya. Gusto ko ding magsorry kasi nabadtrip ko ata sy----"

"E asan sya ngayon?" Pagputol ko sa kwento nya na baka kung san pa pumunta.

"Asa..sa.."

"Asan?!"

"Asa...

Hospital."

SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon