Mika's POV
"Ah max.." pagkuha ko ng atensyon nya pagkaalis namin sa room palayo kina Scar at louie.
"Ano yun, mika?"
"Una na kayo, may gagawin lang ako."
"ha? Ano naman yung gagawin mo?" tanong nya.
"Ah basta, Dalian mo ha."
"Sige."
"oy mika Dalian mo ha, magpeprepare pa tayo sa surpresa natin kay prince charming mo!" pang aasar ni ken.
"tsk. Ge alis na kayo! Chupi chupi!"
"ken,tara na."
Hay salamat umalis narin sila. Plano ko sanang batiin si boss ng personal e bukod pa dun sa surpresa naming mamaya.
Pabalik na ako ng room ng biglang lumabas si Glaine. Nakita kong parang may 'tagos' ata sya sa pantalon nya. Sasabihin ko na sana sa kanya kaso mukhang nagmamadali pa.
Bigla namang lumabas si scar dala dala yung malaki nyang packbag. At mukhang papunta sya sa direksyon ni Glaine na kasalukuyang nagmamadaling maglakad.
Mukhang alam ko na ang pinaplano ni scar. Ganito rin yun nangyari sakin dati nung highschool kami.
----flashback----
Nahihilo ako. Parang may mali sa kin. Napaihi na ba ako sa pantalon? Feeling ko kasi basa na rin pati ung inuupuan ko e.
"Oy scar, sino nga yong crush mo?"
"Wala nga pre."
"Ha? Impossible. Lahat ng tao may ganun. "
"Ako lang ung exeption..""
"Weirdo mo talaga. Sino nga?"
Ang ingay po ko nitong si louie. Kinukulit na naman itong si scar, pinakaweirdo kong kaklase. Palagi kasi syang nakahood na jacket tas minsan pa ay may takip na panyo yung bibig nya. Sabagay di ko sya masisisi. Kung ako naman ung nasa kalagayan nya malamang ganun din ung gagawin ko.
Simula nung elementary kami ay silang dalawa na ang palaging magkasama. Sa pagkakatanda ko ay nagsimula yun pagkatapos nung araw na napagtripan ni max si louie. Halos si scar na ung sumalo ng lahat ng sipa at suntok ni max e. Alam ko yun kasi kasama ako sa grupo ni max, lider ng grupo namin.
Anyway. Nahihilo talaga ako simula pa nung umaga. Di ko alam kung anong meron sakin.
"Sino ba yung kanina mo pang tinitingna--- aha! Wag mong sabihin si mika ang crush mo! Grabe pre, mga tibo pala ang type mo!"
Nag init ang pisngi ko. Bkit naman ako tinitingnan ni scar? May mali ba mukha ko.
Kilala ko na si scar nung grade one pa lang ako. Sya kasi lagi ang pinagkekwntuhan ng mga teacher ko dati.
Malikot, purwisyo at walang modo-- yan ang karaniwang naririnig ko sa tungkol sa kanya. At yun na rin ang naging tingin ko sa kanya hanggang ngayong 1st year highschool na kami. Oo, ngayon ko lang sya naging kaklase at ang 'famous' nyang kaibigang si louie.
Hindi lingid sakin ang galit ni louie sa grupo namin ni max. Pero di naman ganun katindi pagdating sakin.
"Oh ano pre? sumagot ka naman oh.. so, crush mo nga nu? Ayiehhhhh!!"
"Tsk."
"Pre wag kang mag alala, susuportahan naman kita e!"
Feeling ko pinagtitinginan na ako ng ilan kong mga kaklase. Bwisit. Lalo akong di makaalis sa pwesto ko para tingnan kung anong meron sa panty ko. Bwisit ka talaga louie, bwisit!