Chapter 17:Sugat ng Nakaraan

3 0 0
                                    


Louie's POV

Asan na kaya yung Scar na yon? Kanina pa akong naghihintay dito sa bahay nila eh. Magpapaturo pa ako ng assignment naming sa accounting eh.

Nag-ikot ikot muna ako sa sala nila. Nakita ko muli yung litrato ng pamilya ni scar. Nalulungkot talaga ako kapag tinitingnan ko 'to. Di ko makakalimutan yung buhay nya na isinalaysay sakin nung butler nya nung unang beses kong binisita si scar nung elementary kami.

--------flashback------

Hayy. Nabusog talaga ako kanina sa kinain namin ni scar. Ang sarap ng pagkakaluto nung butler nya sa ampalaya kumpara sa mga lutong natikman ko dati. Favorite ko na rin tuloy ang ampalaya!

"Louie nabusog ka ba?" Tanung nung butler ni scar.

Halata naman e, tinatanong ba pa yun?

"Ah opo salamat po sa pagkain."

Ngumiti lang sya sakin tapos ay bumalik din sa pagliligpit ng kinainan namin ni scar.

Kasalukuyang nasa labas si scar habang binabasahan ng bible story yung mga alaga nya habang nakaupo naman ako sofa at pinapanood sila.. Ituring ba naman na parang tao ang hayop?

Nagulat nga ako sa mga pangalan nung mga hayop e, mas maganda pa sa pangalan ko!

"Ito nga pala si Nori. 'To rule' ang ibig sabihin ng pangalan nya. Sya kasi ang sinusunod ng ibang mga alaga namin.. Binili sya ni papa sa pet shop sa manila kasi mukhang sya lang daw ang magkakainteres sa one-eyed dog na 'to.

Sya naman si Rei.'lovely' ang meaning ng name. Sya kasi ang pinakamalambing sa lahat ng alaga namin. Kinupkop sya ni papa matapos ipagamot sa vet dahil sa nasagasaan ito ng kotse sa kalsada sa tapat ng gate namin.

Ito naman si Toshi. Ipinangalanan yun sa kanya ni papa dahil sya ang pinakamatalinong asong meron kami. Inampon namin sya matapos syang makaligtas sa isang nasusunog na gusali sa makati."kwento nya sakin kanina.

Di ko na naalala yung mga pangalan nung mga pusa sa sobrang haba ng kwento nya. Ganun nya lang siguro kamahal yung mga alaga nya para ituring nyang pamilya.

"Ah sir.." tanong ko dun sa butler habang naghuhugas ng pinggan.

"Bkit louie?"

"Asan po yung tatay ni sca--kinjima?" Di talaga ako sanay na banggitin nung tunay na pangalan ni scar.

napatigil sya. Pinunasan nya ang kamay nya ng puting basahan at may kinuhang picture frame sa isang lamesa malapit sa isang malaking aparador.

Lumapit sya sakin. Inabot nya ung picture frame at tumabi sakin.

"Yang nasa kaliwa ay yung tatay nya, Si Mr. Joe Condex." Sabay hinga nya ng malalim.

"Isang syang kilalang detective. Hindi nya talaga tunay na anak si kinji pero ganun na lang nya ito kamahal..

May hinahawakan syang malaking kaso noong bata pa si kinji...

Namatay sya sa isang sunog sa isang hotel sa manila. Halos hindi na namin sya mamukhaan . Ang tanging pagkakakilanlan lang sa kanya ay ang damit nyang suot suot nung huling gabing nagpaalam sya kay kinji para bumalik sa trabaho."

"Yung gabing iyon pa naman ay 4th birthday ni kinji."

Naawa ako para kay scar. Pero teka, asan na yung nanay nya?

"Yang nasa kanan naman ay ang nanay nya." Sabi nya habang tinuturo ang litrato ng nakasimangot na babae sa picture.

"Sya si Mrs. Lea Condex. Kinamumuhian nya si kinji dahil ito daw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay nya. Nabuntis sya ng ibang lalaki pero hindi pinanagutan ang sanggol sa sinapupunan nito..

Si kinji ang sanggol na yun..

Matagal nang mahal na mahal ni Mr. Joe si Mrs. Lea simula nung highschool pa lamang sila. Pero kaibigan lang talaga ang turing sa kanya ni Mrs. Lea..."

"Pero hindi nagbago ang nararamdaman nya para sa unang babaeng inibig nya..."

"Ng malaman nya ang sinapit ni Mrs. Lea, pinanagutan nya ang bata at inakong sya ang ama nito sa publiko. Pinakasalan nya ito at binigyan ng marangyang buhay...

Pero kahit kelan ay hindi minahal ni Mrs. Lea si Mr. Joe...

Nung 2nd Birthday ni kinji ay isang malaking trahedya ang dumating sa pamilya nila...

Nagpakamatay si Mr. Lea, matapos hiwahiwain ang mukha ni kinji..

Maswerte pa si kinji na mabuhay sa nagyaring yon..

Halos madurog ang puso ni Mr. Joe sa sinapit ng anak nya at ng babaeng pinakamamahal nya..

Pero ni minsan ay hindi nya pinabayaan si Kinji kahit wala na syang dahilan para alagaan ito..

Minahal nya ito na parang tunay na anak. Tinuruan nya at pinalaking isang matalinong bata si kinji..

Namana pa ng bata ang pagiging makadiyos at kabutihang loob ni Mr. Joe."

Halos maluha na ang butler na katabi ko.

"Ipinangako ko din kay Mr. Joe hinding hindi ako mawawala sa tabi ni kinji hanggang sa lumaki ito..

At pangangatawanan ko yun hanggang sa nabubuhay ako.."

Di ko namalayang tumutulo na ang mga luha sa mata ko.

"Kaya Louie, sana hindi ka din mawala sa tabi ni kinji ha!"

"Opo." Maamo kong sagot.

"Osha sige na, tatapusin ko na yung hinuhugasan kong pinggan."

Tumango na lang ako.

Di parin tumitigil sa pagluha ang mga mata ko habang tinitingnan ang masayahing mukha ni scar kapiling ang mga alaga nya.

Mas malalim pa pala sa mga sugat sa mukha nya ang mga sugat ng nakaraan naranasan nya.

-------end of flashback--------

Ah! Gabing gabi na! asan na ba si scar. Kanina ko Pa tinext pero di pa rin nagrereplay.

Grrr. Kainis.

SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon