Scar's POV
"Oh eto na oh"
"Salamat"
"Kaw ha, baka gawa gawa mo lang yang dahilan mo para makuha ang number ni glaine e.." pang aasar ni lorraine.
"Huh?"
"Siguro type mo sya nu? Ayiehh!" dagdag pa nya.
"Ano??"
San naman nanggaling yung pinagsasabi neto.
"Ah basta boto ako sayo.. push mo na yan scar!! Go go go go!! "
Anu daw?
Hay basta atleast may lead na ako sa bagay na hinihanap ko.
*******************************************************************************
Hay. Buti na lang nakaabot ako bago sumarado tong elevator na to.
Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko yung papel na sinulatan ko ng number ng room ni glaine na nabanggit nya sakin nung nakausap ko sya sa phone. Nasa kanya nga daw yung orasan ko! Yes! Sa wakas! Mahawakan ko na muli yun. Pinayagan naman nya akong dumalaw ngayon para makuha ko na yun. Sobrang saya ko talaga grabe!
Ang sikip naman nitong bulsa ko. Ng nahugot ko ang papel ay di ko nasadyang nadali ang likod na bulsa ng pantalon ni kuyang nasa una ko dahilan para malaglag yung wallet nya na nakalagay dun.
"Ay sorr---"
*ting*
Bumukas ang pinto ng elevator.
Pupulutin ko na sana ung wallet para iabot sa kanya kaso mabilis naman nya itong pinulot at biglang kumaripas ng takbo.
Anung problema nun?
Hinanap ko yung Room 39 at sa wakas! Nakita ko rin!
Binuksan ko ang pinto.
Nakita si glaine na nakaupo sa higaan nya.
"Glai--"
*bam*
May tumama sa ulo ko. Lumabo ang paningin ko at bigla na lang akong nawalan ng malay.
*******************************************************************************
"Aray aray!" Sigaw ko habang nilalapatan ni glaine ng icebag ang uloko.
"Ako na lang glaine." Sabay akmang kukunin ung icebag.
"Ako na nga e!" Sabay iwas nung icebag sa kamay ko.
Ang kulet naman neto. Sya yung maysakit tapos ako pa yung inaabyad nya.
Pakiramdam ko ay bahagyang uminit ang pisngi ko.
"Scar, pasensya na ha, di naman yun sinasadya ng kuya ko e, intindihin mo na lang" paliwanag nya.
"Ah wala yun glaine, naiintindihan ko naman." Sabay sulyap sa kuya nyang kanina pang masama ang tingin sakin.
"Ah kuya, ibili mo naman ako ng burger sa baba, nagugutom na ako e!." Pilit na sabi ni glaine sabay ngiti.
"Tsk."
"Sige na kuya. Babantayan naman ako ni scar e."hirit pa nya
"Tumango sya sabay lakad palabas ng pinto habang tumingin sa kin na parang nagbabanta.
Bigla na lang kaming tumahimik.
"Ah glaine, ano bang sakit mo?" Pambasag ko sa katahimikan.
Bigla syang nagulat sa sinabi at napadiin sa ulo ko yung icebag.
"Aray!"
"Ay pasensya na scar. Di ko sinasadya." Sabay baba nung icebag sa lamesang malapit sa kanya.
Hinawakan nya ang ulo ko at inilapit sa kanya.
Nagulat ako sa ginawa nya.
Hinalikan nya ang bukol sa ulo ko.
Umiinit na naman ang pisngi ko.
"Dati pagnagkakapasa at nagkakasugat ako, hinahalikan lang ng nanay ko yung sugat ko tapos nawawala na yung sakit."
Medyo nawala nga yung sakit.
"Ah scar.. matanong ko lang,asan ba yung nanay mo?"
Nabigla ako sa tanong nya.
Huminga ako ng malalim.
Wala akong maisip na ibang dahilan para hindi ikwento sa kanya ang lahat.