Chapter 21: Akong Bahala

3 0 0
                                    


Glaine's POV

"Salamat!" Masayang sabi ni scar ng makuha nya yung kulay silver na bilog na may maliliit pang kadenang nakatali dito.

Ngayon ko lang nakita si scar na nakababa ang hood at walang taklob ang bibig. Gwapo e!

"Ano ba yan? Bakit parang ganun na lang kahalaga nyan sa'yo?" Tanung ko sa kanya.

"Orasan 'to"

May kung anung pinindot sya at biglang bumukas yung bagay na yun. Isang luma at hindi na naganang orasan pala ang nasa loob nito.

"Bigay ito sakin ng tatay ko. Ito ang nagpapaalala sakin ng mga turo at aral nya at ang mga sandaling nakasama ko sya."

Ah kaya pala.

"Asan nga pala yung kuya mo?"

"Namimili ng pagkain kasama si ate nikki."

"Ate nikki? Umh.. girlfriend nya?" Tanong nya.

"Ah hindi... sana nga..." malumanay kong sagot.

"Sana nga?" Pagtataka nya.

"Sana nga maging sila na. Parehas naman nilang gusto ang isa't isa, ayaw lang nilang aminin."

******************************************************************************

"Ah ganun pala." Tugon ni scar matapos kong ikwento ang lahat ng tungkol kina kuya at ate nikki.

"Sana maging sila bago man lang ako.." ay! Kainis. Muntik ko ng masabi yung tungkol sa kalagayan ko!

"Bago man lang?" Tanong nya.

"Ah eh.. bbbago man lang...

Umh... bago man lang....

ako lumabas ng ospital! Oo ganun nga!" Nalilito kong sagot.

Natigilan si scar. Maya maya pa ay biglang tumayo.

"Wag ka nang mag alala glaine...

Ako ng bahala!" Kampante nyang sagot na parang bang may binabalak.

SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon