Chapter 9: SISTER

7 0 0
                                    



Glaine's POV

"Bkit?! Bkit?!" Bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ko ang luha ko gamit ang mga kamay ko. Kainis! Nakalimutan ko pa yung panyo ko sa armchair ko! Lahat na ata ng kamalasan ay natanggap ko ngayon.

Kaasar! Singhot na ako ng singhot dahil sa natulo ko ring uhog!

"oh"

Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa may kanan ko kasabay ang panyong inihagis nya sa may hita ko.

Maya maya pa ay umupo sya sa tabi ko.

Kinuha ko na ung panyo para punasan ang luha ko at singahan. Di ko na inisip na tanggihan ung panyo kasi wala naman akong choice e. Medyo lumayo ako dun sa umupo sa side ko kasi ayokong makita nya akong lumuha.

"Sige lang. Ilabas mong lahat yan, para bukas o makalawa, mapaltan na yan ng saya."

Nagulat ako sa sinabi nya. At narecognize ko na kung sino sya. Lalo naman akong napaluha. Mas lalo ata ako nitong pinaiiyak e!

Di ko na napigilang humagulhol. Tumagal din yon siguro ng mga 3 minuto . Pero ni hindi kumikibo ung katabi ko.

Alam kong napalakas yung paghagulhol at pagdadabog ko kaya sinulyapan ko sya para tingnan kung pinagtatawanan nya na ba ako.

Pero..

Ugh. Nakatakip nga pala ang bibig ng mokong na 'to.. sinamahan pa ng hood nya. Kainis! Di ko tuloy malaman ang irereact ko.

Iniwasan ko na lang syang tingnan.

Naririnig kong parang may kinuha sya sa bag nya.

"Pagtapos ka ng umiyak,Ito naman ang problemahin mo."

Tumayo sya at iniwan ung bagay na hawak nya sa tabi ko.

"Mauna na ko."

Ambilis naman. Di man lang nya hinintay yung pasasalamat ko.

Tiningnan ko yung bagay na binigay nya.

"SIS-TER" ah! Napkin to ah. Bkit naman nya ako bibigyan nito? Teka lang baka...

Kinapa ko ung pwetan ng pantalon at..

Basa nga! Ibig sabihin... kanina pa nya tong alam pero di man lang nya sinabi! Kaya pala ako pinagtitinginan kanina. Grrrr. Kainis!

Hinanap ko sya sa direksyon na pinuntahan nya, pero wala na sya.

Isang kumikinang na bagay ang nakita ko sa may sahig sa lugar na pinaglakaran nya.

Nilapitan ko at hinawakan.

Ano 'to?

Binasa ko ung nakaukit dun:

"KIN-JI"

Pangalan to ni scar e! Naalala ko na! Ito ung bagay na hinahawakan nya sa bus!

Siguro nahulog nya to nung nagmamadali syang umalis.

Kailangan koitong isaul----

Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.Nandidilim ang paningin ko at-----------

SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon