Chapter 6: Family

5 1 0
                                    



Louie's POV

Ano bang problema ni Scar at bigla na lang akong iniwanan? Tsk. Wala Tuloy akong kasabay pag-uwi.

Ah! Makapunta na lang sa bahay nya. Mabisita sina Nori, Rei, at Toshi! Sila yung mga alagang aso ni Scar na ipinakilala nya sa akin nung unag beses na binisita ko sya.

---------flashback--------

"Sige louie, punta lang akong kusina. Andun lang si kinji sa may likuran.. mauna ka ng pumunta dun.."

"Ah sige po"

" ah teka louie!"

"Po?"

"Mag iingat ka..." sabay talikod nya papasok ng bahay.

Huh? Bakit ako mag iingat? Di naman ako gagawan ng masama ni scar ah.

Di bale na nga.

Napansin kong napakalaki pala ang bahay ni scar. Iba yung architecture nito kumpara sa ibang bahay ng nakikita ko.

Ang ganda pa ng pagkakadisenyo ng mga halamang nakapalibot dito.

Naaliw ako sa paglalakad ko papuntang likuran ng bahay nila sa sobrang linis ng paligid, sinamahan pa ng sariwang hangin. Ah grabe! Gusto ko ng tumira dito!

Ng malapit na ako sa bandang likuran ng bahay...biglang.. biglang.

.

*Grrrrrrrr... bow-wow!wow!wow!*

Tatlong aso ang humarang sa akin. Nakakatakot! Parang lalapain na ako e.

Napaatras ako ng bahagya na sya namang lalong paglakas ng tahol nila.

Lord, jusko! Ito na ata ang katapusan ko!



"Nori! Rei! Toshi!...Sit!"

Isang boses ang dagliang nagpaamo sa tatlong halimaw na'to.


"Oy, okay ka lang?"

Hayy. Scar salamat. Buti dumating ka..


" oo, okay lang ako"


"Ikaw si louie diba?"


"Ah oo, ung... ung .."


"Okay na ba yang mga pasa at 

Sugat mo?"

Teka. Ako nga dapat ang magtatanong nyan sa'yo e. Halata kasi na mas marami kang sugat at pasa sa dami ng puting tela at band-aid na meron ka.

At alam kong ako ang may kasalanan nyan.


"Okay lang naman ako. E ikaw?"


"Naku wala to. Malayo sa bituka!"

Ugh.Sinungaling.


"Tara dun sa lamesang yun." Sabay ang pagturo nya sa kakaibang lamesa't upuan na mukhang pulido ang pagkakagawa.


"Ah eh...."

Napansin ko kcng nakatingin parin sakin yung mga aso na nandun parin sa inuupuan nila.

"Ah oo nga pala.. " pumalakpak sya ng tatlo bese. Parang bata namang sumunod ang mga aso sa paglalakad nya.

Sumunod na rin ako.

At..

Takte! Zoo ba tong bahay ni scar! Andaming hayop. Actually dalwang klaseng hayop lang naman-- pusa at aso. Pero madami na ung 3 at 4 na pusa para alagaan!

Pero may napansin ako.

Hindi ganun kaganda ung mga lahi nung mga pusa at asong yun. Ung iba ay parang may kapansanan pa.

Pero.. pero..

akala ko pa magkaayaw ang pusa at aso? E bkit parang nakikipag-flirt pa ung mga aso sa pusa?

'Flirt' lang talaga ung naisip kong term sa kalandian nung mga hayop.

Ng umupo na si scar sa upuan ay nagsilapitan ung mga aso at pusa sa kanya. Kumandong pa ung isang pusa sa hita nya. Snow white ka ba scar?


"Maupo ka"


"Ah sige salamat."


"Ito nga pala ang..



... Pamilya ko."


SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon