Chapter 27: Gift

6 0 0
                                    


Glaine's POV

Nanghihina na ako. Ilang beses na rin akong nawawalan ng malay dulot ng pagkahilo at pagsikip ng dibdib ko.

Pero bigla ko na lang talagang nakakalimutan ang kalagayan ko kapag kausap ko si scar. Mas mabisa pa sya sa sandamukal na gamot na iniinom ko.

Kaarawan ko ngayon pero wala akong makasama man lang. Si kuya at si ate nikki naman ay nasa work nila samantalang si scar naman at kumukuha ng final exam sa accounting.

Naiintindihan ko naman kung nakalimutan nila yung birthday ko. Sapat na sakin yung alam kong andyan lang sila para sakin.

Biglang tumunog yung speaker sa may dingding ng room ko.

(Now playing: For the first time by kenny Logginns – Female version by KC Cocepcion)

Isang kanta ang narini--- teka favorite song ko yan ni KC Concepcion!

Kinikilig talaga ako kapag pinakikinggan ang kantang yan!

"Are those your eyes, is that your smile....
I've been lookin at you forever...."

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaking nakatuxedo at pulang tie. May isang pirasong rosas syang dala dala.

Si scar 'to! Di ko sya masyadong mamukhaan dahil nakataas ang buhok nya at hindi masyadong halata yung mga peklat nya sa mukha... at...

ANG.... GWAPO...GWAPO NYA!

Alam ba nyang...

Lumakad sya ng mabagal papalapit sakin.

Inaabot nya sakin ang kanang kamay nya.

"Miss Cortes, can I Be your 1st, your 2nd...

Your last dance?"

Di ko na napigilang mapaluha sa sobrang saya at kilig na nararamdaman ko. May nakaalala pala sa 18th birthdayko, at ang taong yun pa ay ang lalaking una kong minahal...

"Oh bakit ka na iyak? Ayaw mo ba 'tong suot ko? Or yung sinabi ko?"

Umiling ako habang pinupunasan ang luha ko.

"Sige na nga uulitin ko....

Can i be your first and last dance....

Mrs. Condex?"

Lalo akong napaluha sa sinabi nya.

"Sure...

Mr. Condex..." Tugon ko habang hinahawakan ang kamay nya.

--------

"Are these your hands holdin' mine.."
Now I wonder how I could of been so blind.."

Abot tenga ang ngiti ko habang kasayaw si scar. Hawak hawak nya ang stand ng bakal na sinasabitan ng dextrose ko habang yung isang kamay naman nya ay nakayakap sa likod ko. Nakayakap ako sa kanya habang nakatuon ang ulo ko sa dibdib nya.

Feeling ko ay bumabagal ang oras namin. Tuloy parin ang pag agos ng luha sa mga mata ko.

"For the first time I am looking in your eyes
For the first time I'm seein' who you are.."

Gusto kong itigil ang oras.... oras na kayakap ko sya....

ang oras na sinasayaw namin ang pagmamahal na meron kami sa isa't isa...

Sana ganito na lang palagi. Ito na ang pinakamagandang regalong natanggap ko sa buong buhay ko.

"Glaine..."

"Bkit scar?" Tanong ko

"I love you so damn much that i can't let you go away from me ." Maluha luha nyang tugon sakin.

Lalo pang umagos ang luha sa mga mata ko...

Sana wag matapos yung kanta.. ayoko pang bumitaw sa pagkakayakap ko sa lalaking napakaespesyal sakin..

"Now I understand why love is...
Love is... for the first time..."

"Mahal din kita, sc----"

Biglang nanikip ang dibdib.. nahihilo ako habang nanlalabo ang paningin.

"Glaine?GLAINE!!!"

Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kelan sobrang saya ko na.. bkit.. baket????!!

"I---I love you too....

....Scar."

t

SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon