Chapter 10: Surprise

6 0 0
                                    


Scar's POV

Hay. Hirap talagang bumaba mula sa 4th floor pababang 1st floor. Idagdag pa ng init nitong jacket at panyong nakapalibot sa bibig ko. Kapagod! Pero nakakagoodvibes talaga yung pag iyak ni glaine! Haha para syang bata.

Uuwi na ako na di kasabay si louie. Ayoko din kasing pinagtitinginan ng tao dahil sa kanya.

Pagkalabas kong gate ay parang may itim na van na dahan dahang umaandar sa likod ko.

Hanggang sa Ika 5 kanto ng kalsadang dinadaanan ko ay nakasunod pa rin yung van.

Tsk. Kinakakabahan na ako.

Binilisan ko ang paglalakad ko pero bumilis din ung van hanggang sa naabutan na ako. Bumukas ang pinto nito. Natakpan ang mukha ko ng kung anong isinuot sa ulo ko nung unang lalaking lumabas sa van sabay ang paghawak at pagposas sa kamay ko.Mabilis yung pangyayari kaya hindi na ako masyadong nakapanlaban. Di ko rin namukhaan yung lalaki.

Narinig kong may isa pang lumabas sa van. Sabay nila akong binuhat at isinakay sa loob.

"Sino kayo! Anong kailangan nyo sakin!" Pagpupumiglas ko.

"Sumagot kayo!!"

Ang tangi ko lang narinig ay ang pag andar ng van. Ni wala akong boses na naririnig mula sa taong kumidnap sakin.

Parang may mali dito. Di man lang ako nakaramdam ng suntok or sipa nung pumipiglas ako.

Di ba mas madali kung pinalanghap na lang nila ako ng kung anong kemikal para mawalan ako ng malay? Ano bang plano ng mga taong ito sakin?

"Lord, bahala kana" bulong ko sa sarili ko.

************************************************************************

Nagising ako na nakaupo sa isang silya habang nakatali dito ang mga kamay ay paa ko.

Nasa kalagitaan ako ng isang madilim na parang bodega. Madilim na siguro sa labas.

Teka,Pamilyar sa kin ang lugar na 'to ah.

"May tao ba dyan?!" Sigaw ko. Pero walang sumasagot.

Ugh. Anu ba to?

"May tao b----"

Isang spotlight ang biglang nabuksan sa di kalayuan sa harap ko. Naaninag ko ang isang babae at isang pole.

Isang mabagal na kanta ang biglang tumunog.

(Now playing: A Thousand Years)

"Heart beats fast...Colors and promises...How to be brave.. How can I love when I'm afrai—"


Sumayaw yung babae ng dahan dahan. Alam kong maganda ang hubog ng katawan nya dahil nakamaikling red short at hapit na red na sando ung babae.

"one step closer..."

Nagsimula syang umakyat sa pole. Magaling syang mag pole dancing. Parang professional yung mga movements nya..

"I have die every day waiting for you, darling don't be afraid..."

Mas lalong humirap yung stunts nya nung bandang chorus. Ang galing nya, grabe!

Nakalimutan ko ng nakatali ako.

Ng matapos ung kanta ay may kinuha syang parang kulay pulang cake sa gilid. Alan kong cake yun kc may parang kandila sa nakatusok dun. Isa isa nyang sinindihan yung kandila.Ng papalapit sya sakin ay naaaninag ko ng ung mukha nya.

Di ako makapaniwala.

"Mmmmmika!!"

Si mika ba talaga yon?

"Happy birthday Boss.." nahihiyang sabi nya.

"Pero panung.. panu---"

Nasilaw ako sa biglang pagbukas ng ilaw sa buong bodega.

Isang malakas na kanta na umalingawngaw sa lugar na yon.

"Happy happy happy birthday! Sayo ang inumin, sayo ang pulutan.. happy happy happy bir.."

Sabay putok ng party popper sa likod ko.

"Boss! Happy birthday!!"

Teka boses yun nina...

***************************************************************************

"Aray!! Sigaw nilang dalawa.

Boss sakit nun ah!!" Bulyaw ni ken.

"Boss bakit kaming dalawa lang ni max yung sinapak mo, bakit si mika hinde?" Giit pa nya.

Di ko napigilan ang sarili ko na sapakin sila matapos ang nilang kalagan ung mga taling nakapalibot sa mga kamay at paa ako.

"Pero aminin mo boss, nasorpesa ka diba?" Sabi ni ken.

"Sinong hindi masosorpresa sa ginawa nyong pangingidnap sakin ha!?" Paliwanag ko.

Hay. Kung di ko lang kaibigan ang mga lokong 'to, pinapulis ko na 'to e.

Pero kahit papano naman natuwa ako sa pakulo nila. Mahirap din yung ginawa nila e.

"Boss naman oh, i mean nasorpresa ka ba dun sa ginawa ni mika your love?" Pang aasar nya.

Napatingin tuloy ako kay mika. Umiwas sya sa tingin ko. Halatang namumula ang pisngi nya.

Mukha ring nilalamig na sya sa suot nya.

"Sino bang nakaisip na gawin yon ni mika?" Tanong ko sa kanila.

"Boss ako!!" Pagmamalaking sabi ni ken kasabay ang pagtaas ng kanang kamay nya.

Nginitian ko sya.

"Boss,Ganda ng naisip k---"

*pak*

"Aray boss! Padalwa na yun ah."

"Pero boss, magaling si mika diba?" Dagdag pa nya.

Hinubad ko ang jacket ko ang at lumapit ako kay mika. Isinuot ko yun sa kanya.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganung kagaling na pole dancer.." tugon ko kay ken.

"Salamat mika" bulong ko sa kanya.

Lalong pumula ang pisngi nya sa sinabi ko.

Tinulak pa nya ako palayo sa kanya.

"Oyy si mika, bilog na ang utot!"

Napatawa ako at si max sa sinabi ni ken.

Note:"bilog na ang utot" means "umiibig na".

**************************************************************************

"Boss, pasensya na sa ginawa namin ha. Gusto lang kasi naming maging memorable ang birthday mo ngayon." Paliwanag sakin ni max habang nakaupo kami sa isang mahabang upuan sa labas ng bodega. Hindi pa kasi tapos mag habulan si ken at si mika sa loob e kaya minabuti naming lumabas.

"Alam ko naman yon. Salamat sa effort ha. Omega good job!" Pampalubag loob ko kay max.

"Boss, natatandaan mo pa ang lugar na 'to?"

"Oo naman."

"Isa rin ito sa pinakamemorable na place para saming tatlo. Kaya minemaintain parin namin ang lugar na'to."

"Salamat talaga, max"

"Osha sige boss aawatin ko lang yung dalawa, baka kung san pa mapunta yung ayaw nila e"

"Ah Sige."

Kung nadito lang sana si papa, ikekwento ko sa kanya kung gaano ako kaswerte na magkaroon ng mga kaibigang kagaya nila.

Kinapa ko ang bulsa ko para kuhanin ang orasang nagpapaalala sakin sa tatay ko.

Teka! Asan na yun?! Andito lang yun eh.. tanda ko dito ko lang yun nilagay.. asan na!?


SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon