Chapter 12: Savior

2 0 0
                                    


Mika's POV

Hayy. Sa wakas! Nahuli ko rin ang gagong ito.

"tama na mika! Suko na ko!" sigaw nya habang parang nire-wrestling ko sya.

"Oy tama nayan. Tulungan nyo na akong magligpit ng mga kalat natin." Saway ni max

"tsk. Pasalamat ka ken. Sa susunod babalian na talaga kita!" Sabi ko sabay nag evil laugh ako.

Matagal na rin simula nung nangyari yung trahedyang naganap sa lugar na ito. Isa yun sa mga di ko makakalimutang karanasan kasama ang savior ko.

-------- flashback--------------

"Paanong nangyari yon?!"

"Boss bigla na lang nawala dun sa pinag iwanan namin e"

"Mga tanga!!! Bakit nyo ba iniwanan kung saan saan ha?"

"Nagyaya po kc syang mag inuman eh"

"Huh? Bkit ako sinisisi mo.. e niyaya nya lang din ako"

Sabay turo sa susunod na lalaki..

"Aba bakit ako?! Niyaya lang din ako n----"

"ANO? MAGTUTURUAN PA KAYO?!!HA?! HANAPIN NYO!! MGA TATANGA TANGA!!!"

Nanginginig na ako sa sobrang takot. Di ko na alam ang gagawin ko. Nakikita ko pang dumudugo ang mga labi ni max.

Samantalang itong isa naming kasama, walang pakialam sa mundo at natutulog lang! Bwisit! Luko luko talaga to.

Walang patid sa pagtulo ang luha ko. Ngayon lang ako naging ganito.

Isa lang ang naisip ko sa mga oras na yon, si scar. Ni hindi ko pa sya napapasalamatan sa mga ginawa nyang kabutihan sakin. Gusto ko syang masilayan uli.

Maarte na kung maarte,kire na kung kire, pero at this point talaga, sya lang ang gusto kong makasama.

Scar! Gusto kitang yakapin, gusto kong mahawakan uli ang kamay mo katulad nung unang beses na ginawa mo yun sakin. Gusto kong sabihin na... na ... mah---"

"Ito ba ang hinahanap nyo?"

Isang pamilyar na bosesnarinig ko.. bumilis ang tibok ng puso ko..

"Panung?!" Pagtataka ni max.

"Sino kang pakialamero ka?!" Sigaw nung lalaking nakacoat kay scar nakasabit at hawak ang mga baril ng mga lalaking kanina.

Nakahood sya habang natatakpan ng itim na panyo ang bibig nya. Ngayon ko lang narealize na bagay pala talaga sa kanya yung ganung porma nya.

"Di mo dapat pinaiiyak ang isang babae!"

"Huh? Anong pinagsasabi mo?! Ibalik mo na lang yang dala dala mong mga baril kung ayaw mong masaktan!!"

"Kunin nyo kung kaya nyo!" Sabi nya

"Anu daw?! Wahahahahaha" nagtawanan silang lahat.

"Mga bata, pagbigyan nyo nga yan kayabangan nyan. Kala mo kung sino! Magdusa ka!!"

Pinalibutan sya ng mga naglalakihang mga lalaki. Ang iba ay may hawak pang kutsilyo.

"Scar!" Umiiyak na ko sa sobrang pag aalala.

Pinikit nya ang mga mata nya na waring ngumingiti. Nilagay nya sa bulsa nya ang kanina pa nyang hawak nyang kulay silver na bilog na bagay na nakakonekta sa may belt nya.

Kahit nasa malayo ako ay alam kong imposibleng makatakas pa si scar sa posisyon nya. Dalawampu't isa ang bilang ko sa mga lalaking yon. Ang tanging paraan na lang siguro ay gamitin ung mga baril na ibinaba nya sa sahig na kinatatayuan nya. Pero bakit ni isa dun ay wala syang binitbit? Ano bang pinag iiisip ng lokong to.

SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon