Nikki's POV
"Nikki mauna na ako ha!.. si glaine kasi e.." maluha luhang paalam ni Ron.
"Asa ospital."
Palagi na lang ganito si Ron kapag sinugod si glaine sa hospital. Ang alam ko ay may inborn na sakit sa puso si glaine. Nasa abroad yung daddy at mommy nila para dun magtrabaho at humanap ng donor para sa heart transplant na tanging solusyon lang sa sakit ni glaine.
"Ha? Sang ospital?"
"Dun pa rin sa dati. Sige una na ako ha. Sumabay ka na lang muna kay Jed."
Si jed ay isa sa mga manliligaw ko. Mapilit lang talaga sya kaya pinayagan kong manligaw. Marami naman akong manliligaw bukod sa kanya, pero wala sa kanila ang gusto ko.. dahil ang matagal ko ng hinihintay ay si..
"RON!" sigaw ko dahil gusto ko syang samahan.
Matagal ko ng minamahal ng palihim si Ron simula nung una ko syang makilala nung bata pa lang kami. Di naman ako masyadong umaasa sa kanya kasi di bagay ang beauty ko sa kagwapuhan nya. Marami ring kasing mga babae pang"beauty queen" ang dating na nagkakandara pa sa kanya.
Sapat na sakin na magbestfriend kami kung hanggang dun lang ang gusto nya.
******************************************************************************
"Glaine!" Sigaw ko pagkabukas ko ng pinto.
"Aaa-ate nikki!"
Parang gulat na gulat sya.
Aba teka, may nakasubsob na lalaki sa may tabi ng higaan nya.
Bigla nyang inalis ang kamay nyang nakahawak sa hood nung lalaki.
"Ate naman eh. Kumatok ka naman bago ka pumasok!"
"Ayiehhh. May boyfriend na sya!" Biro ko
"Hindi ko boyfriend si scar ha! Ah eh.. di pa nga kami masyadong close e.. di ko pa nga nakukuha yung number nya eh!.. tsaka.. tsaka di pa kami friend sa fb!" Utal nyang pagkakasabi.
"E bat namumula ka?!" Pang aasar ko pa.
So scar pala yung pangalan nung boy.
"E .. umh.. may sakit ako ah.. oo! May sakit nga ako!" Depensa nya
"Asus!" Sabi ko habang nilalagay sa isang lamesa yung dala kong mga prutas.
"Tsee!" Pagsusungit nya.
Di pa rin nagigising yung scar. Di ko pa tuloy nakikita yung face nya.
"Asan si Ron. Akala ko andito na sya?" Tanung ko habang nakaupo sa kaliwa nya habang natutulog pa rin yung boy dun sa right nya.
"Nasa labas yung prince charming mo!" Masungit nyang sagot.
Kung meron mang taong nakakaalam ng lahat ng sikreto ko, si glaine yun..
"Ayiehh.. tampo na sya.. sorry na di ko na kayo aasarin ng boyfriend mo!" Banat ko pa.
"Hindi ko nga sya BOY-FREEEND!" sigaw nya.
Haha! Sarap talagang asarin ng batang ito. Pero ngayon ko lang sya nakitang ganitong magsungit!