Chapter 22: Congratulation

2 0 0
                                    


Ron's POV

"Tulong! May tao ba dyan?! Tulungan nyo ako!!"

Isang umiiyak na boses ang gumising sakin.

"Nikki? Nikki ikaw ba yan?" Wala akong makita dahil nakapiring ako pero tandang tanda ko ang boses ng babaeng pinakamamahal ko. Ramdam kong nakatali ang mga paa at kamay ko sa upuang kinauupuan ko.

"Ron?? Ron!! Tulungan mo ako!...

Asan tayo?! Ron.. Ron.. Ron!" Sigaw nya.

Ang pagkakatanda ko ay naglalakad lang kaming dalawa ni nikki tapos may nalanghap akong kung anong usok. At hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

"May masakit ba sa'yo nikki? May sugat ka ba or pasa?" Pag aalala konh tanong sa kanya.

Halos iyak na lang at haguhol ang naririnig kong sagot ni nikki.

"Nikki! Sumagot ka! NIKKI!"

Lumuluha na ako sa sobrang pag aalala ko sa kanya.

"Boss okay na po..." isang boses sa di kalayuan ang narinig ko. Mukhang may kausap sya sa phone.

"Sinong nandyan? Sumagot kayo!! Tulungan nyo kami!!" Pagmamakaawa ko.

"Ron!! Ron.." hagulhol si nikki.

"Nikki wag kang mag alala.. andito lang ako.. di kita pababayaan." Amo ko kay nikki.

Naririnig kong medyo tumigil na sya sa paghagulhol.

"HAHA! GISING NA PALA KAYO!" Isang papalapit na boses ang narinig ko.

"Sino ka?! Anong kailangan mo samin?!" Sigaw ko habang nagpulumiglas sa pagkakatali ko.

"AT MAY MAGANDANG BABAE PALA DITO!! HAHAHA!! AT MAKINIS PA... PWEDE!!! HAHAHA!!"

"Subukan mo lang galawin si nikki at papatayin kitang hayop ka'!!" Sigaw ko ng may pagbabanta.

"HAHA! SABIHIN MO NA GUSTO MONG SABIHIN DAHIL BUKAS NG MAGA, MALAMIG NA BANGKAY NA ANG KASASAPITAN NYO!!!"

"wag!!Wag po.. parang awa nyo na!!" Pagmamakaawa ni nikki na parang tuloy pa rin sa pag iyak.

Narinig ko ang mga paglalakad ng hayop na lalaking yon na papalayo samin.

"Bumalik ka dito, P*t*ng*na mo!! Hayop ka!! Pakawalan mo kami dito!!" Sigaw ko.

Dammit .Di ko maintindihan ang mga nangyayari. Ang alam ko lang ay may posibilidad na mamatay kami bukas..at ang masaklap, ni hindi ko pa nasabi kay nikki ang nararamdaman ko..

Teka andito si nikki. Chance ko na to para--- pero baka ireject nya lang ak-- ah basta! wala na akong pakialam basta sasabihin ko na ang nilalaman ng puso ko hanggang may hininga pa ako.

"Nikki / Ron!!" Sabay naming tinawag ang isa't isa.

"Bakit/bakit?!" Sabay uli kaming sumigaw.

Tumigil muna ako sa pagsigaw para intayin ang sunod nyang sasabihin.

"Ron, may kailangan akong sabihin, isang bagay na matagal ko ng itinatago sayo mula pa nung mga bata pa tayo.."

Bigla akong natigilan.

"Wala akong ibang lalaking minahal ron, ...kundi ikaw lang.. oo ron, tanging ikaw lang!"

Rinig na rinig ko ang lakas ng pagbilis ng tibok ng puso ko, ngayon lang 'to tumibok ng ganito.

Totoo ba itong naririnig ko? Ni sa panaginip ay hindi ko pa naririnig yung mga salitang yon.

"Natatakot ako na baka layuan mo ako... na bka kalimutan mo ang pinagsamahan natin at mawala ka sa tabi ko.. ayokong mangyari yon ron.. di ko alam kung paano iikot ang mundo ko ng wala ka.. masaya na ako na maging bestfriend mo lang ako.. pero iniintay ko pa ring dumating ang oras na 'to.. ang oras na masasabi kong...

"MAHAL KITA/ MAHAL KITA!!"

sabay naming ibinulalas ang matagal ng sinisigaw ng mga puso namin.

"Anong sinabi mo Ron?" Umiiyak na tanong ni nikki.

"Oo nikki! Ikaw lang ang babaeng minahal ko nung elementary pa lang tayo.. ni hindi ako tumingin sa kahit kaninong babae,sayo lang... sa'yo lang nakalaan ang mga mata at puso ko... mahal... na mahal.... kita, nikki!

Ikaw.. at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko!" Muling umagos ang mga mata ko ang luha. Sa buong buhay ko ngayon ko lang to naramdaman, ang pakiramdam na maging totoo sa sarili ko at magtapat sa tanging babaeng minahal ko.

"Ron, bakit ngayon mo lang sinabi yan ..

Bkit ngayon kung kelan huli na satin ang lahat.!"

Nabalot ang buong katawan ko ng pagsisisi. Sinayang ko ang mga panahong lumipas na dapat.. dapat ipinaramdam ko sa kanya ang pagmamahal ko.

"Sorry nikki.. sorry" mga salitang tangi kong nabanggit habang walang humpay na umaagos ang luha sa aking mga mata.

Narinig ko ang pagdating ng dalawang tao.

Teka.. may naamoy akong kung anong kemikal sa paligid.

"Anong---" nakaramdam ako ng pagkahilo. Isang boses ng babae ang bumulong sa kaliwang tenga ko.

"Congratulation..."

At nawalan na ako ng malay.

*******************************************************************************

"Ron... ron.."

Nagising ako sa kandungan ng babaeng pinakamamahal ko.... si nikki.

"Asan tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Di ko nga din alam e." Sagot nya.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko at tumabi sa kanya.

Nasa isang malawak na lumang bodega kami.

"Ron.." malumanay na pagtawag nya ng atensyon ko.

"Anu yun, nikki?" Malambing kong tugon.

"Totoo ba yung... yung.. yung ano.."

"Yung?"

"Na Mahal mo ako!" Sabay harap sakin ng namumula nyang mukha.

Damn. Ang ganda nya.

Lumapit ako ng konti at isang yakap ang isinagot ko sa kanya.

"Oo nikki, mahal kita" maluha luha kong sagot.

"Mahal din kita Ron."

Ito ang mga salitang kay sarap ulit ulitin!


SCAR (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon