Glaine's POV
Bwisit talaga tong si louie! Alisin ba naman yung parang karayom na nakatusok sa kamay ko na nakakonekta sa dextrose! At di pa nakuntento... pinilit pa akong pataguin sa ilalim ng higaan ko! Anong bang problema nito?!
"Magtiwala ka sakin." Pampalubag loob nya.
Di ko nga alam kung bakit naglagay sya ng Katinko sa mata nya. Ang hapdi nun siguro! Ano bang iniisip ng mayabang na'to!
"Asan ka na?... ah okay sige dalian mo.."
Mukang may kausap sa phone ang loko!
"Parating na ang one-and-only scar mo!"
Kaasar! Yari ka sakin louie pagnakalabas ako dito!
Maya maya pa ay bumukas ang pinto.
"Louie anung iniiya--- asan si glaine?!"
Boses yun ni scar!
Di sumagot ang gago. May pasinghot singhot pang nalalaman!
"Wag mong sabihing...."
"Oo, scar...
... huli ka na.."
Natigilan si scar.
"Hindi!... Imposible! ....
....Nabanggit sakin ni Dr. Ceballo na may ilang buwan pa bago...
..bago sya mawala sakin!" Sigaw ni scar na parang lumuluha na.
Nagulat ako sa sinabi ni scar. Alam pala nya ang lahat tungkol sa kalagayan ko. At... at..
"Asan sya! Asan san sya louie?! Sumagot ka!!!" Dagdag nya
"Wala na sya! Scar, wala na sya.." sagot ni louie. Anong pag iinarte ba ang ginagawa ne'to?
Nakita kong papalapit ang mga paa ni scar sa higaan ko. Bigla syang napaluhod.
"Glaine bakit? Baket..." bulong nya na rinig na rinig ko.
"Mahal mo ba sya, scar?" Tanong ng gago.
Napatigil na naman si scar.
"Hindi na yun mahalag---"
"SAGUTIN MO KO SCAR! MAHAL MO BA SI GLAINE?!"sigaw ni louie.
Hinihintay ko ang sagot ni scar.
"OO LOUIE!! OO MAHAL KO SYA! MAHAL NA MAHAL!"
nagulat ako sa mga salitang binitiwan ni scar.. pero... imposible..
"Kelan pa?" Tanong ni louie.
"Nung unang beses ko palang syang nakausap sa lugar na ito,.. ang gaan gaan na ng pakiramdam ko sa kanya...
...Hindi ko alam kung bakit ako balik ng balik dito kahit wala namang dahilan...
Hindi makukumpleto ang araw ko ng hindi ko sya nakikita.."
Lumuluha na ako ng di ko namamalayan.
"Ilang beses kong pinigilan ang puso ko dahil alam kong wala naman itong patutunguhan...
... pero wala e,..
.. mahal ko sya at sya lang ang nag paramdam sakin ng ganito!.."
Ramdam ko ang paghihinagpis sa boses ni scar.
.".Hindi ko alam pero ayokong umalis sa tabi nya..
..Di ko alam kung bakit sya lagi ang nasa isip ko...
..hindi ko alam louie... hindi ko alam.. hindi ko alam kung bakit..
.. kung bakit ko sya minahal ng ganito!"
Napatigil ako habang inaalala ang mga salitang pinakawalan ni scar.
Gusto ko syang yakapin.. gusto ko ding sabihin ang ...
.. ang nararamdaman ko para sa kanya!
"Scar, hindi mo kailangang magkaroon ng dahilan para magmahal.. mahal mo sya dahil mahal mo sya!" Sabi ni louie.
"Pero huli na louie.. huli na.. huli na ang lahat para sakin!" Umiiyak na tugon ni louie.
"Hindi pa scar.. hindi pa..
... may panahon ka pa.."
"Anung---"
"Di ba glaine?"
Umiinit ang pisngi ko habang lumuluha.
Lumabas ako at mabilis na niyakap ang lalaking sinisigaw ng puso ko...
Ramdam ko ang pagkagulat nya.
Maya maya ay iniyakap nya rin sa akin ang dalawa bisig nya.
Nabalot ng katahimikan ang paligid.
Hindi na kailangan pa ng mga salita para sabihin ang nilalaman ng puso at isip namin...
Dahil ang mga yakap at pagluha ay sapat ng patunay ng nararamdaman namin para isa't isa.