Louie's POV
Nakita kong tulala si scar sa bahay nila. Andito na naman kasi ako para magpaturo ng mga lessons na di ko maintindihan sa accounting subject naming.
Pero lately, bihira na lang syang umuwi ng maaga. Palagi pa nyang bukang bibig yung babaeng binibisita nya sa iang hospital na malapit sa school namin, si glaine.
"Pre, nakikinig ka ba?"
Parang biglang nagising yung diwa nya.
"Ah, ano nga uli yung tanong mo?"
Kanina ko pang tinatanong yung accounting for tax na di ko maintindihan, kaso mukhang wala sya sa sarili.
Napaisip tuloy ako ng itatanong ko para malaman kung anong problema nya.. teka... aha!
"Sabi ko, kung mahal mo na ba sya?!"
Bigla syang nagulat.
"Hindi ko mahal si glaine nu.. di ko pa nga sya masyadong kaclose e!"
Huli ka!
"Wala naman akong sinabing pangalan ah!"
"Ah... umh.. eh hindi ba sya yung tinutukoy mo?" Depensa nya.
"So si glaine pala ang nagpapatibok ng puso mo at laman ng isipan mo ha!!!" Pang aasar ko.
"Anu bang pinagsasasabi mo... " sabay kunwaring nagbabasa ng accounting book sa table sa harap namin.
At namumula na ang pisngi nya!
Halatang halata naman na gustong gusto nya si glaine. Ayaw nya lang aminin.
"... hhhh-hindi naman ako ang gusto nya e .." bakit biglang lumungkot ang boses nya?
"Eh sino? "Tanung ko.
"Ikaw" mahina nyang sagot.
"Ha?" Naguguluhan kong tanong.
"Kaya hihingi sana ako sa'yo ng favor..." seryoso ng tugon.
"Favor? Anong favor?"
"Ligawan mo sya.."
*****************************************************************************
Kaasar! Obligado pa tuloy akong makimagmabutihan kay glaine!
Alam naman ni scar na hindi ako makakatanggi sa kanya e!
"Ito yung number nya oh. Gawin mo muna syang katextmate para magkakilala kayo. Tsaka mo na sya harapin in person kapag komportable na kayong mag usap via text message."
Tanda kong utos nya sa akin.
Simulan ko na nga!
Me:Hi glaine, si louie 'to. Kamusta ka? :)
Glaine: san mo nakuha ng number ko?
Ugh.pakipot pa ata. Teka.. masubukan nga..
Me: sabi ni scar e patay na patay ka daw sakin. Baka sakali daw na mapasaya kita pag naging textmate tayo. ;)
Niyabangan ko ang dating para malaman ko yung personality nya at kung may feelings ba talaga sya para sakin.
Me: yabang :p mas gwapo pa sayo si scar e
Ow! I smell something fishy.. ngayon lang may nagsabi nito sakin..
Louie: owww. So si scar pala ang gusto mo?
Tingnan natin kung tama ang iniisip ko
Glaine: ay wrong send..
Huli ka! May pawrong-send-wrong -send ka pang nalalaman ha! Luma na ang palusot na yan!
Kailangan kong kausapin sya sa personal para malaman ko kung tama ba itong tumatakbo sa utak ko.
Me: I get it. See you! ;)
At alam ko kung san sya pupuntahan!
*****************************************************************************
Naaalala ko parin yung reaksyon ni glaine pagkalabas ko ng hospital. Parang napakalalalim ng feelings nya para kaya scar.
Nagulat din ako sa totoo nyang kalagayan. Matagal nya na palang iniinda ang sakit nyang yon. At mukhang... mukhang hindi na sya magtatagal pa.
Paano na si scar? Ano na lang ang mararamdaman nya pagnawala si glaine? Ngayon lang sya naging ganun sa isang babae.
May kailangan akong gawin para kay scar..
Hindi...
.. para sa kanilang dalawa!
w?-