Glaine's POV
Hay, thank you lord! Nakaupo rin sa wakas!
Nakipag unahan kasi ako sa ibang mga estudyante sa pagsakay sa bus na'to. Ayoko kasing tumayo ng kalahating oras. Kakangawit! Wala na rin kasing gentleman sa panahon ngayon kung dumating yung worst case scenario na yun. Mga lalaki talaga!
Medyo malapit sa dulo itong nakuha kong upuan pero atleast, solo ko yung pwesto! Pero di rin yun tumagal kasi may kakasakay lang na tumabi sakin pagkalampas lang ng dalwang kanto mula sa sinakyan ko. Kainis!
Nakahood sya na may takip na panyo sa bibig.
Teka... kilala ko 'to ah! Sya si scar, yung pinakaweirdo kong kaklase sa section namin. Di kami close kaya nahihiya akong batiin sya. Suplado rin naman sya e. Kaya patas lang 'to.
Lumapit sa kanya ung kundoktor.
"Boss... san kayo?"
"Sto. Tomas po. Estudyante.."
"Estudyante?!"
"Opo"
"Patingin ng i.d. mo"
Teka bakit nung sinabi ko namang estudyante ako, di ko na ipinakita yung i.d. ko?
Ah, sabagay.. sa ganda ba naman ng lola mo, sinong di maniniwala sa mga sinasabi ko?
"Ito po oh"
"Kinjima C. Condex ha..."
Maganda naman ung name nya e, bakit hindi yun ang itinatawag sa kanya ng mga kaibigan nya sa kanya sa halip na 'scar'?
E bkit nga ba 'scar' din ung tawag ko sa kanya? Hay anggulo. Basta makikigo-with-the-flow na lang ako.
"Ahh op--"
"Bat ganito ang picture mo?"
itinapat nung kundoktor ung i.d. sa mukha nya.
"Ah yan po b---"
"hihi"
Ah! Di ko mapigilang tumawa dun sa i.d. nya. Haha.. nilagyan ba naman ng smiley face ung mukha nya? Weirdo! Pero honestly, di ko pa nakikita yung mukha nya, ganun din ung iba kong kaklase ngayong college. Sabi nila ay puro scar daw yung mukha nya gaya nung pangalan nya. Tanging ung mga kaibigan nya nung highschool ang nakakita nung face nya, kasama yung napakayabang na 'famous' kong classmate na si louie. Madaming patay na patay kay louie, except syempre ako. May fansclub pa nga ata yun e. Pero sabi nila wala pa daw ung gf. Kaya balibalita ay bakla daw yun kasi sunod ng sunod dito kay scar.
Anyway.Alam kong narinig nya ung pagtawa ko, pero di pa rin ako pinansin. Suplado talaga!
"Ah ehh.. tatanggalin ko na lang po."
Tinanggal nya yung smiley face at ibinalik sa kundoktor ung i.d.
Mukhang nagulat yung kundoktor. Balikan nyang tiningnan yung i.d. at si scar. At kita sa mukha nya pag kaawa. Anu ba talagang meron sa mukha nitong supladong ito?
"Ah.. toy pasensya na. 28 pesos lang"
"Ah okay lang po"
Hinimas pa nung kundoktor na parang bata si scar. Feeling ko nakokonsensya talaga yung kundoktor.
Ibinalik uli ni scar yung sticker. Sayang! Di ko nakita.!
Ng nasa kalagitnaan na kami ng byahe ay may matanda na kakasakay lang na walang maupuan. Tumigil sya sa bandang una para dun magstay ng nakatayo.
Aba!Ilang minuto na ang lumipas e hindi pa rin tumatayo yung mga lalaki na nakaupo malapit dun sa matandang babae! At nagkunwari pa atang na tutulog ung iba! Di na nakonsenya! Mga lalaki talaga ngayon oh. Kaloka!
Nakuha ang atensyon ko ng tunog ng parang ng kalansing ng maliliit na kadena.
Napatingin ako kay scar. Nakatingin sya sa isang silver na bilog na bagay na may kadenang nakakonekta ata doon sa bagay na yon at sa kanyang pantalon.
Ngumiti sya dito sabay tayo at kuha ng malaki nyang packbag sa taas na lagayan ng kung ano ano. Bakit ba laging malaki ang bag neto?
Teka san naman kaya ito pupunta? Malayo pa kami sa school namin ah!
Pumunta sya sa direksyon ng matanda. Kinulbit nya ito sabay turo sa upuan sa tabi ko. Ngumiti sa kanya ang matanda tapos ay umupo sa upuan sa tabi ko. Nagstay naman si scar sa pwesto nung matanda kanina.
"Ambait naman ng batang yun no, ineng?"
Medyo nagulat ako sa tanong nung matanda.
" ah.. oo nga po.." sagot ko
"Iilan na lang ang ganan ngayon.."
" Mapalad ang magiging kasintahan ng batang yan." Dagdag pa nya Sabay ngiti sakin.
"Ah eh siguro nga po.."
di ko mapigilang mapangiti. Mali pala ako. May lalaki pa palang katulad nya. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.